Unrehearsed Symphony

11.6K 667 165
                                    

"Touch your partner."

Dahan-dahan kong inangat ang aking kamay upang damhin ang mukha ni Giovanni. Nakabulong na lapat pa lang ako sa balat niya ay nagsalita muli si Miss Ingrid, ang aming acting coach.

"Start from the hair, feel its texture....then go feel your partner's eyelids, nose,mouth..." 

Ginawa ko lahat ng idinidikta niya. Ang malinis na gupit ng kanyang buhok ay malambot at makapal pa ring damhin. Hinahaplos ng hinlalaki ko ang mabibigat niyang kilay. Bumaba ang aking kamay sa kanyang takipmata at dinama ang pilikmata niyang kumikiliti sa haplos ko.

"Don't laugh," sita ni Miss Ingrid.

Inipit ko ang aking labi. Alam kong si Giovanni 'yon dahil marami siyang kiliti. Hindi ko man nakikita dahil sa nakapikit ang mga mata ko, dama naman sa yugyog ng kanyang balikat .

Dumulas ang haplos ko sa matangos niyang ilong. Pinigilan ko ang sariling hindi ito pingutin dahil seryoso ang activity namin ngayon.

Then my palms got sliced by the line of his angled jaw. Medyo magaspang pa dahil sa namumuong facial hair doon.

At panghuli ay ang pagdapo ng mga kamay ko sa malalambot niyang labi na ilang beses ko nang nahalikan.  A tint of pink,  dahil wala sa bokabularyo ng isang Giovell Vanidelmar Guadarrama ang bisyo.

"Giovanni, touch your partner."

Kung bakit nanginig ako sa kulungan ng mainit niyang palad sa aking leeg ay isa pa ring palaisapan. His thumbs enjoyed their playground which are my cheeks. Binabalik-balikan ko ang mga eksena namin para sa isang pelikula; Ang mga halik niya, mga salitang binibitawan na para sa akin lamang...pero sa huli ay hinihiling ko na sana lahat nang iyon ay katotohanan at hindi para lang sa karakter na aking ginagampanan. I want all those professions of love to be directed to me.

It was most likely luck or fate that brought the agent to discover me. Bida ako sa isang play na ginanap sa eskwelahan ko noon. The same university where Giovanni graduated. Dahil sa impluwensya ng kanyang pamilya, naipasok siya sa industriya ng pag-aartista. Their family was born for fame.

Ngayon ay isa na siya sa mga pinakatanyag at hinahangaang aktor. "A sought-after leading man", the ladies and media would like to call it. I'm happy for his success. Though I 'm not sure if this is really his dream or of his family's.

"Sorcha..." he raspily whispered. Shivers loves the trip to my spine and skin. 

Marahan ang panlalabo ng paningin ko sa aking pagdilat. Nang unti-unting lumilinaw, bumungad ang pigil ngiti ni Giovanni. Sa kaunting galaw niyang 'yon ay sumilay ang biloy sa gilid ng kanyang kaliwang labi.

"Huh?" pagtataka ko.

"We're done." He smirked.

Tumingin ako sa paligid. Naghahakot  na sa kanilang mga gamit ang kasama namin sa activity at ang ilan ay nakangisi sa akin. Those teasing smiles!

Sinalakay ng pamumula ang mukha ko. Lumala ang ngisi ni Giovanni saka ako tinalikuran at kinuha ang bag niya.

"Feel na feel mo yata ang session na'to, a?" panunukso niya habang may hinahalughog sa kanyang knapsack.

Hay nako Gio, kahit sanay na ako sa pagtatambal natin, parang bago pa rin para sa akin ang bawat eksena on-cam.

Tumungo ako sa bag kong nakahandusay katabi ng bag niya. Sinabit ko ang strap sa aking balikat at hinarap siya.

"Sinong date mo bukas sa awards night? Congrats pala sa nomination mo," bati ko.

"Ah, thanks." Dumaing siya nang binuhat ang bag at sinuot.  Bumanat ang muscles sa braso dahil sa ginawa. "I've already talked to Alona last week. Though she's still has to check her schedule dahil may photoshoot siya para sa isang magazine."

UNREHEARSED SYMPHONYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon