Prologue

157K 3.7K 267
                                    

Nakasakay ako ngayon sa kotse namin. Tahimik at walang imik. Si papa at mama naman mukhang seryoso. Ito na yata 'yung araw kung saan lilipat ako ng panibago kong paaralan. Paaralan kung saan walang nakakapasok kundi 'yung mga taong may kakaibang kakayahan. Alam niyo na, yung mga taong hindi normal sa paningin ng iba. Tingin nila sayo isang halimaw tapos lalayuan ka pa kasi akala nila papatayin mo sila. Ang sakit lang sa pakiramdam eh..

At isa nako dun. Isa ako sa mga kinatatakutan at nilalayuan ng mga tao. Kasi nga hindi ako normal. Sa tuwing lalabas ako ng bahay namin, natatakot na sila sakin kahit na wala akong ginagawa. Kaya naisipan ng mga magulang ko na ilipat ako sa paaralang ito.

Sa paaralang 'yun, matutunan ko daw gamitin ang kapangyarihan ko. Para daw hindi nako makasakit pa ng kahit na sino man.

"Nanadito na tayo." nagulat ako nang biglang nagsalita si papa. Agad naman siyang bumaba ng kotse. Pati si mama ay bumaba na kaya bumaba na din ako.

Paglabas ko ng kotse sumalubong sakin ang isang napakalaking gate. Malaki siya at ang astig din ng design.

"This will be your new school, Ember," sabi sakin ni mama.

So ito ang bago kong paaralan? Ang laki naman ata para siyang palasyo eh.

"Sigurado na po ba kayo na dito nako mag-aaral?" tanong ko.

"Don't worry, Ember. Sigurado na kami sa decision namin."

Oh great. Sana naman walang bully dito sa bago kong school. Unlike sa dati kong school na lagi ako inaaway kaya hindi sinasadya na magamit ko ang kapangyarihan ko.

Pero elementary pa kasi ako nun, at ngayon na malaki nako hindi ko pa rin kayang kontrolin ito.

"Itapat mo dito ang marka mo, Ember," sabi ni papa.

"Marka? Ang birth mark ko po ba ang tinutukoy niyo?"

"Oo."

Sinunod ko ang sinabi ni papa. Tinapat ko 'yung birth mark which is nasa braso ko dun sa screen. Bigla naman itong umilaw. Pagkatapos nun ay bumukas ang gate. Wow galing.

"Ember, mag-iingat ka," sabi sakin ni mama. Tumango lang ako.

At pumasok nako sa loob...

Magical Academy: The Fire Princess (COMPLETE) EDITINGWhere stories live. Discover now