Alituntunin at Patakaran

35 5 9
                                    

May mga patakaran lang po tayong kailangan sundin upang maging maayos at matiwasay ang ating pagsasamahan dito sa bookclub

Una, Kailangan totoo ang pinapakita mong ugali sa lahat ng myembro ng bookclub.

Pangalawa, Kailangan marunong kang tumanggap ng pangaral sa kapwa manunulat, kailangan may malawak kang pag-iisip upang hindi ka kaagad na maoffend sa ibibigay na komento sa story mo.

Pangatlo, Kailangan mo rin matuto sa bawat advices at sinasabi na ibibigay ng mga myembro dito, dahil ito ang pangunahing layunin ng bookclub, ang makatulong na maging maganda ang kwento ng bawat isa.

Pang-apat, Kailangan malakas ang loob at mahaba ang pasensya mo dahil kung hindi ay baka madali kang magalit sa partner mo dahil sa kaniyang komento sa kwento mo.

Pang-lima, Kailangan hindi ka bastos, bawal ang walang modo, makitid ang utak, pala-away at nagmumura sa bookclub. Kailangan namin ng mga manunulat upang makabuo ng magandang samahan, ito ang pangalawang layunin namin.

Pang-anim, Follow niyo po kaming mga Admins, pero depende na ito sa inyo kung gusto ninyo, hindi naman po kami mamimilit kung ayaw niyo kaming efollow.

Pang-pito, Kailangan ninyo e-add itong bookclub sa library o kaya sa reading list niyo, bakit? Para alam niyo kung kailan ang pairing at mga iba pang aktibidadis ng bookclub, at isa pa para hindi kayo mahirapan hanapin itong bookclub lalo na kapag hindi nakatag ang UN mo sa bookclub.

Pang-walo, Kailangan niyong efollow ng permamente ang magiging partner niyo dito sa bookclub. Ito po ay (must).

Pang-siyam, Kailangan marunong kayong magbasa dito, huwag naman pong scroll lang ng scroll.

Pang-sampu, Kailangan huwag kayong matakot sa pagbibigay ng tamang husga sa partner, hindi namin sinasabi na maging matapang kayo o pagsalitaan niyo sila ng masasakit(tamang salita lang po ang ibigay natin sa kanila, tandaan tao sila nasasaktan din), sabi nga sa unang patakaran kailangan totoo ka sa bawat myembro dito, paano ka magkokomento ng totoo kung pinaplastik mo lang pala ang partner mo? Kailangan magbigay ka ng komento na makakatulong upang mapaganda ang kwento at pagsusulat ng partner mo.

Labing-isa, Huwag maging bias! Walang palakasan o kai-kaibigan dito kapag nagbibigay ng husga, hindi namin kailangan ng mabulaklaking salita mula sa inyo, ang kailangan namin ay Advice na makakatulong sa kapwa manunulat ninyo upang matuto sila sa pagkakamali nila. Kailangan totoo, nagmula sa kaibuturan ng puso at may pagmamahal ang husga ninyo.

Labing dalawa, Kaming mga admins ang magtatangol sa inyo, lahat ng myembro ng bookclub ay ituturing naming kaibigan, kung sakali (na ayaw naming mangyari) na may myembrong hindi matanggap ang husga sa kanya at nilalait ng husto ang partner, siguraduhin ninyo pong kami ang bahala sa inyo, ipagtatanggol namin kayo sa abot ng makakaya namin.

Labing-tatlo, Kailangan gawin ang task sa tamang oras, huwag po tayong maging si juan tamad. Hindi po kami santo para hindi magalit sa inyo.

Labing-apat, Kailangan may sense ang husga mo, hindi ito pagbibigay ng magandang komento lang, isa itong critic lounge, paghuhusga sa iyo ang mababasa mo kaya ihanda mo ang sarili sa kahit anong mababasa mo patungkol sa iyo, maganda man o pangit, nakaka-insulto man o nakakatuwa, nakaka-pag-init ng ulo o nakakagaan ng loob, masakit man dahil natamaan ang pride mo huwag kang magpapadala sa galit ng utak mo. Critic lounge ito kaya asahan mo na ang mga hindi pangkaraniwang komento sa iyo.

Labing-lima, Husgahan ang kwento at hindi ang manunulat. Nagkakaintindihan ba tayo dito? Ang kwento niya po at hindi yung Author. Kapag nagkataon na naging below the belt na ang husga mo ay nararapat na bigyan ka ng kaparusahan.

Sa ngayon, ito pa lang ang mga patakaran ng bookclub. Pwede pa po itong magbago sa pagdaan ng araw.

Mag-iwan lang po ng komento sa part na ito bilang patunay na nabasa moo at sumasang-ayon ka sa patakaran namin.

-Punong taga-pamahala

PenSmith BookClub (NOT YET AVAILABLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon