Where Do Broken Hearts Go

22 1 0
                                    


Paano nasasabi ng isang tao na mahal ka nya, kung sya rin mismo ang mananakit sa iyo.
May mali ba sa akin?
May kulang ba sa akin?
Bakit nila ako nagawang lokohin at saktan.
Bakit nila ako pinagmukhang tanga.
Mga katanungang paulit ulit kong iniisip.

Oh matagal na kaya nila akong niloloko. Sobrang nagtiwala lang ako sa kanilang dalawa.

Pero kahit ganun, kahit nasasaktan ako hindi pa rin tumitigil ang puso at isip ko, mahal ko pa rin sya.
Hindi ba dapat suklam ang nararamdaman ko ngayon?
Bakit ang puso ko, sya pa rin  ang sinisigaw.
Naririnig ko pa ang sinabi nyang
"Ikaw lang Baby ko"
"You and Me Till the End" 

Mga pangakong, walang saysay.

" Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit ng ikaw ay yakapin
Naglaho sa dilim

Ikaw ay aking minahal
Kasama ko ang Maykapal
Ngunit ikaw pala' y naging isang hangal
Nagmamahal ng isang katulad mo"

Awiting hindi ko alam kung saan nagmumula.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako.
Bigla na lang akong humahagulgol at minsan napapangiti pag may naaalalang masasayang araw namin.
Bakit parang lahat ng kantang naririnig ko ay umaayon sa akin
Ganoon ba talaga pag nasasaktan
Parang lahat ng nakikita mo is dark

Ang bata bata ko pa, pero bakit ganito na kasakit ang nararamdaman ko.
Masama bang magmahal ng labis?

Ayoko ng umiyak pero bakit yung luha ko ayaw tumigil.

Hindi ko namalayan na nakapasok si Mama sa silid ko.

Hindi ka pa nakapag palit ng damit mo Anak.
Hindi ako sumasagot, nakadapa lang ako, patuloy na lumuluha.
Hanggang naramdaman kong umupo sya sa tabi ko.
Hinaplos ang ulo ko.
Hanggang sa nagkaroon ng tunog ang iyak ko.
Panay lang ang hagod ni Nanay sa ulo ko.
Hindi sya nagsasalita, naka upo lang sya.

Hanggang sa naramdaman kong tumayo sya at lumabas ng aking silid.

Maya maya may narinig akong pumasok muli.

Ross anak kain ka muna
Inakyat ko na ang pagkain mo
Nauna na kaming kumain ni Papa mo. Sabi kasi ni Yaya mo tulog ka kanina ng tinawag ka.
Masama malipasan ng gutom.
Mama wala pa po akong ganang kumain.

Itinihaya ako ni Mama, sabay yakap.
Alam mo bang mas nasasaktan si Mama sa nakikita nya.
Pag nagkasakit ka si Mama naman ang iiyak.

Ganun talaga siguro pag nag iisang anak, lahat ng atensyon nasa iyo.
Mapalad ako nagkaroon ako ng magulang na kagaya nila.

Hindi nagtanong si Mama kung anuman ang iniiyakan ko ngayon.
Basta tandaan mo si Mama lagi lang nasa tabi mo aalalay syo.
Kahit ilang beses ka pang madapa itatayo at ibabangon ka ni Mama.
Mahal na mahal ka namin ni Papa mo tandaan mo yan anak.

Kanina pala nagpunta si Nathan dito tinatanong ka. Sabi ko tulog ka na. Umalis din sya agad, at sinabi nyang SORRY po Tita.
Napatingin lang ako sa kanya at hindi nagtanong.

Kapag may problema dapat pinag uusapan.
Kung anuman ang problem nyo, kung may aayusin ,  ayusin.
Kung wala na dapat aayusin , kailangan nyo pa ring mag usap.

Tumingin ako kay Mama at tumingin sabay iling.
And Mama hug me tight.
Para akong bumalik sa pagkabata
Mga panahon na pag nadadapa ako
Pag umiyak nandyan si Mama palagi.

In time, but not now
I can't talk to him right now
I don't want to see his face yet
I am hurting......

Deeply hurting.......

My heart is wounded.....
And it's killing me........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear HeartWhere stories live. Discover now