"Serafinaaaaa! Tulungan mo na kasi akooooo!"
Waaahh huhuhu. Bakit ba kasi ako laging nilalapitan ng mga multong ito?
Mali.
Bakit ba kasi ako nagkaroon ng ganitong sumpa? Huhu.
"No! Busy ako! Wala akong panahon para tulungan ka kaya tigilan mo na ako!" sigaw ko habang hindi tumitingin sa gawi niya.
Kanina pa ako patakbo-takbo sa kalyeng hindi ko alam kung saan dahil obviously, hinahabol niya ako. Halos lahat ng mga taong nakakasalubong ko nagtataka kung bakit ako tumatakbo. Nagmumukha nanaman akong baliw kakatakbo dahil sa hindi nila makitang multong humahabol sa akin.
Oh, Lord. Please make this end. Pagod na akong tumakbo at habulin ng mga ghosties! Sana naman next time dahil sa mga suitors ko kaya ako tumatakbo. Char.
Napatigil ako dahil napaliko ako sa dead end. So malas talaga. Well, as if namang masasaktan ako ng mga multo. They can just talk to me. They can also invade my body IF may permission sila galing sa akin. Or kung masyadong mahina ang physical, mental, emotional, and spiritual health ko according sa lola kong albularyo.
Nilingon ko yung multong humahabol sa akin. Kagulat! Mas hinihingal siya kesa sa akin!
"Ano bang gusto mo ha? Diba sabi ko sayo busy ako? Wala akong time para tulungan ka!" sigaw ko sa kanya.
"Help me, please. Pag di mo ako tinulungan, masusunog ang sinaing ng anak kong naiwan ko na mauuwi sa isang malaking sunog."
Napahinto ako sa sinabi niya. No, Serafina. Pag pumayag ka sa gusto ng multong ito, i'd be better accept the consequences. Pero omygaaaad. Isang malaking sunog? My conscience is freakin' killing me!
Hinarap ko siya. Naiiyak ako sa nakikita ko. Well, dapat sanay na ako sa mga itsura ng multo pero obviously, hindi pa. Matanda na siya at kitang kita sa suot niya na she was murdered. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang lungkot at pighati sa kanyang mukha.
I remembered my mother. Not actually her face and physical appearance dahil my lola raised me all by herself until now.
Bumuntong-hininga ako.
"Let's get it on!"
YOU ARE READING
His Ghost Girlfriend
Teen FictionSome people tend to love someone far away from them, including those people who left them. Serafina Gomez is not just an ordinary teenage girl. She has this talent which is above reach. She can see ghosts. And because of her ability, people around h...
