Chapter 46

4.9K 140 3
                                    

FS46

Irishana's POV

"Hello?" Sinagot ko yung phone ko na nagriring.

"Best! Wala kang pasok diba?"

"Wala. Bakit?"

"Ipag-grocery mo naman ako o. Diyan daw magdidinner si Neil. Eh may overtime pa ko. Hindi na ko makakadaan ng grocery."

"Hindi na lang kayo kumain sa labas?" Tanong ko.

"Eh mas gusto daw niya kapag ako ang nagluto."

"Sus. Dami niyong alam." Sabi ko pa.

"Bitter mo naman po ate. Sige na best. Phbigyan mo na ang lovelife ko tsaka lumabas ka naman diyan sa lungga mo. Gusto mo pasamahan kita kay Alex?"

"Wag na. Aabalahin mo pa yung tao."

"Okay lang yun. Mahal ka naman nun e."

"Baliw ka talaga. Sige na. Itext mo na sakin lahat ng bibilin. Aantayin ko lang makauwi si Andrei tapos aalis na kami."

"Okay. Bye!"

***

"Ang tagal naman ni Andrei."

Kanina pa dapat nandito yung anak ko pero hindi pa din dumadating. Tinatawagan ko din yung schoolbus driver niya pero hindi din sumasagot.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng bahay. Pupuntahan ko na lang siya sa school. Baka may event or something.

"Mama!" Isasara ko pa lang sana yung gate ng tumatakbo na siya palapit sakin. "Aalis po kami ni papa ha?"

"Andiyan ang papa mo?"

"Hi." That voice. Miss na miss ko na yung boses na yun.

"H-hi.." Alangang sagot ko ng tumitig ako sa mukha niya. Ang gwapo pa din ni Carl.

"Ipapagpaalam ko lang sana si Andrei. Papasyal lang kami. Pwede ba?"

"Ha?"

"Pwede ba kaming umalis ni Andrei? Iuuwi ko din siya agad. Tsaka mukhang may lakad ka din naman. Ako na muna ang bahala sa anak natin." Anak natin.. "May date ka ba?"

"Date ka diyan. Inutusan lang ako ni Mitch na mag-grocery."

"Sama ka na lang samin mama."

"Oo nga. Why don't you join us? I'm sure mas matutuwa si Andrei kung kasama ka."

"Okay lang ba? I mean.. wala bang magagalit?" Sinilip ko pa yung sasakyan niya kung may iba siyang kasama.

"Wala naman. Busy si Kim sa kasal e."

Aray. Strike one. Masakit.

"Ah ganun ba? Osige. Tara na?"

"Sure!"

Inilagay ko muna sa loob ng bahay yung gamit ni Andrei tsaka siya pinalitan ng damit bago kami tuluyang umalis.

"Dito ka na lang sa harap para hindi naman ako magmukhang driver niyo." Ipinagbukas niya ko ng pinto.

"Okay lang. Ikaw naman ang pinakagwapong driver." Hindi ko napigilang sabihin.

Napangiti naman siya. "Thanks."

Dumukwang siya palapit sakin para ikabit yung seatbelt ko. Fudge! I missed his scent. Pwede bang hatakin ko na lang yung batok nito palapit sakin tsaka halikan sa labi?

Lord, ilayo niyo po akosa tukso please.

***

Chance na kaya to? ❤

Father Stealer #Wattys2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora