"Oy bata, bakit ikaw lang mag'isa? Saan na mama mo? " Nag lean down ako ng kaunti para magka'level kami.

"Ewan ko po. Hehe! Anganda ng mga pictures ate noh?" Abay loko. Di niya daw alam saan na ang mama niya? Nawawala ata to eh pero parang okay lang sa kanya ah.

"Ah, oo. Maganda nga. Gusto mo ba? Hehe. Nakoo bata, nawawala ka ba?" Pag'aalala kong tanong sa kanya.

"Kervy" Sagot ng bata. Medyo naguluhan ako. Anong Kervy? Ang layo ata ng sagot nya?

"Ha?"

"It's Kervy. That's my name. Don't call me 'bata'. I'm a big boy na. I will court my crush nga eh."

"Aahh. Kervy pala pangalan mo? Wait, w--what??" Ngayon lang nag register sakin ang sinabi niya.

Talagang napa-nganga ako sa sinabi ng bata...literal! Woa! Ke bata bata pa alam na ang salitang 'pangliligaw'?? Ganito na ba talaga ang bagong generation ngayon? Nung bata pa ako, crush lang ang alam ko eh. May pagka'bipolar din ata to. Biglang nag-e'english at nagpo-poker face.

"Kervy, you're too young pa for that thing". Pangangaral ko sa kanya.

"When you're inlove, age doesn't matter anymore. Ang importante, masaya ka" Pagde-depensa niya.

"What?? Anong ibig mong sabihin sa age doesn't matter eh ang bata mo pa??" Nakaka'shocked tung batang to. Kung ano'ano ang lumalabas sa bibig.

"Narinig ko kasing sabi nung boy kanina sa girl, age doesn't matter daw. He looks older compare sa gurl. Eh ano naman kung 6 years old pa lang ako? I know she's the one". Aaah. Narinig niya lang niya pala kanina sa mag'syota. Chismosong bata to.

"Kervy, hindi ka pa pwede niyan. Ang bata bata mo pa. Dapat matapos ka munang mag'aral bago pumasok ng ganyan. Ok? Kung ganun, pwede mo na siyang ligawan. Hindi iyan isang simpleng bagay na basta mo lang papasukin dahil gusto mo. Remember, you will have a big responsibility if you enter that. Naiintindhan mo ba ang sinabi ni ate??" Nagiging love teacher na ako nito ng wala sa oras eh.

"Ah. Ganun po ba 'yon?" Patango'tango ni Kervy na parang naiintindihan talaga ang mga sinabi ko.

"So, I should finish my studies first, wait for her and court her after. I promise ate, I'll never hurt her. I will love her with all my heart 'cause I know, she's the one........ the moment we first met." Pagdugtong niya pa. Kumikinang-kinang pa talaga mga mata niya pagkasabi nun at parang kinukilig. Nakakalokang bata to pero ang cute. Nakaka-inggit naman nung girl na mamahalin niya. Sana ganun din si PC sa'kin. May mga ganyan pa kayang lalaki sa panahon ngayon?? Kung meron pa man, endangered species na talaga sila na dapat ingatan.

Dinaig niya pa ang mga binata eh. Grabe kung makapagsalita. Sure na sure pa kung sino ang para sa kanya. Mga bata naman talaga.

"You're spacing ate. You're thinking of him noh?".

"Ha?? Sinong him? Ah. Haha! Wala to" Pilit kong pag tawa. Anong him?? Nakaka'malfunction naman ng utak pag naiisip ko siya.

"Him. The one you have a crush on. I bet, he doesn't notice you?" Ouch!! Sapul ako nun ah. Bakit andami niyang alam?? Bata ba talaga to?? Sasagutin ko na sana siya nang marinig kong may tumatawag sa kanya.

"Kervy!! Kervy!!" Lumapit ang babae sa kanya. Mama niya ata, pero ang bata pa. Nasa 20+ lang ata siya.

"Mommyyy!! I miss you!" Sabi ni Kervy sabay hug sa kanyang mommy.

"Anong I miss you ka djyan?? Ikaw talaga! Ang kulit mo. Diba I told you huwag kang lumayo sa akin dahil baka mawala ka?? Buti na lang talaga nakita kita".

"I got bored watching you busy so I went out to do some adventure". Pagdadahilan ni Kervy. Ang talinong bata. Hahaha!

"Huwag mo na talaga itong gagawin pa ; aatakihin ako sa'yo eh." Pagda'drama ng kanyang Mommy. Haha! Ancute nilang mag'ina.

"Sorry Mom, I promise I won't do it again." Paglalambing ni Kervy. Nakakahuya naman, sila naglalambingan ako dito extra. XD Hahaha.

Makaalis na nga. Patay talaga ako nila Nichole nito.

*lakad lakad lakad*

Asan na kaya sila?? Baka iniwan na ako nun. Tsk.

*Calling Nichole*

"Nichole?? Sa'n kayo?" Bungad ko sa kanya.

(Ikaw dapat ang tatanungin ko kung saan ka? Lakad kami ng lakad tapos paglingon namin wala ka na pala?? Putak ako ng putak tapos wala pala yung kinakausap ko? Ha? Ha? Nakakahiya yun girl! Kala ko pa naman nakakita sila ng dyosa dahil grabe kung makatitig! Yun pala muka na akong baliw sa paningin nila. Uggh!!)

Ang bilis magsalita ni Nichole parang di uso huminga sa kanya. Waaa. I'm so dead...

"Oo na! Oo na! I'll explain it to you later. Sa'n ba kayo ngayon?" Pagsisingit ko para di na humaba pa.

(Dapat lang!! Nasa McFo kami. Bilisan mo!! Manglilibre ka pa para bati tayo.)

*toot toot*

Wow, binabaan ako agad.

*lakad lakad lakad lakad*

Nakarating ako ng McDo na medyo hinihingal. Okay lang, palalagpasin ko to kasalanan ko din naman eh. Hinanap ko kung saan sila nakaupo upang makalapit sa kanila.

"Look who's here!" Pagtataray na bungad ni Nichole. Sus, ako pa niloko nuya. Hndi marunong umacting. XD

"Ang maganda naming bestfriend na nawala bigla!" Dugtong ni Maikka

Umupo ako at nagsimula magpaliwanag.

"Okay? Sorry naman. May nadaanan kasi tayong isang shop na puro pictures kanina eh ang ganda kaya napatigil ako. Malay ko bang diretso duretso kayong naglakad ni hindi man lang lumilingon para malaman kung may naiwan na pala kayong kasama noh?".

"Ah, so kasalanan pa namin ngayon?" Pagtatampo pa rin ni Nichole.

"Hindi naman. Aynako kalimutan na nga natin yon. Tara! Order na tayo, libre ko since may kasalanan ako sa inyo ngayon" Pagche'change topic ko para makalimutan na nila.

"Kaya mahal na mahal kita girl eh. Hahaha! Taralets! Order na tayo Maikka".Yinakap pa talaga ako ng bruha. Grabe ang ginawang acting para lang ma'libre ko. Sus, kuripot na babae eh ang yaman yaman naman! :D

"Sige, dito ka nalang Jaynine since mukha ka ng ewan sa mukha mo, ang haggard. Baka pagkamalan ka pa naming yaya niyan. Hahaha" Pang'aasar ni Maikka bago umalis para maka'order.

Pagkatapos naming kumain sa McDo ay bumalik kami sa mga shops para makapili ng bibilhin.

Ang binili ko ay isang 'guitar keychain' , strings sa guitar na one set at guitar necklace. Hindi ko alam kung magugustuhan to nang pagbibigyan ko pero bahala na. Pwede na to. Nakabili na din kami ng mga susuotin namin para bukas.

Simple yet elegant ang tema naming tatlo! Haha. Syempre si Maikka, di pwedeng sumuot ng pang'babae. Lagot 'yun pag nakita. Baka daw itakwil pa siya ng kanyang Papa. Nag'iisang lalaki pa naman at tagapagmana. Umuwi na din kami pagkatapos.

(A/N : Hi sa inyo. Sorry kung di ko msyadong na emphasize, may bold letters dating chapters, pero ngayon wala na, sorry talaga. Medyo na busy ako eh. Sana magandahan kayo sa story ko. Happy 3K reads pa la sa akin. Waaaah)

My First Crush <3Where stories live. Discover now