"Walanyaaa ka Charishmae! Isusumbong din kita sa Daddy mo na natitibo ka saken dahil dito sa mala'dyosa kong ganda. Hahaha" Maikka.

"YUCK! Mamamatay muna ako bago ako mainlove sayo" Pandidiri ni Nichole.

"Oh oh, tumigil na kayong dalawa! May lakad pa tayo at mag'ayos kna ng buhok Nichole" Pag'aawat ko sa dalawa.

"Buti pa nga, at tara na't magmall!" Excited na sabi ni Maikka

--*

Dumating na kami sa mall mga 1 hour ago pero ang tanging ginawa lang namin ay lakad ng lakad. Labas masok sa mga boutique pero wala namang binibili. Hindi daw makapili dahil ang papanget.

"Teka lang ah, wala talaga kayong mahanap ng para sainyo?"

"WALA" Sagot nilang dalawa.

"Kung ganun, edi unahin nalang nating bumili ng mga ireregalo natin" Suggest ko sa kanila.

"Oh nga noh?" Maikka

"Buti pa" Nichole.

Nagsimula na kaming pumunta sa mga store na pagbibilhan namin. Habang naglalakad ay nag'uusap din kami ng mga kung ano2.

"Ano ba gusto mong ibigay sa manita/manito mo bakla?" Tanong ni Nichole kay Maikka.

"One set na silver jewelry nalang girl, bagay sa kanya yon e. Yong may pendat na star ang necklace. Paborito niya kase".

"Aba parang kilalang kilala mo sya ah? Crush mo noh?" Pang'aasar ko kay Maikka.

"Like ew! Maganda pa ao dun. Never" Pagdadahilan nya.

"ASUS!" Sabay naming sabi ni Nichole.

"Baka nag'iba na isip mo at nagdesisyong maging LALAKI nalang ha" Nichole.

"Over my dead body. Mandiri nga kayo!" Pagmamatigas ni Maikka.

"Osge, ikaw ba Jaynine? Ano bibilhin mong gift?" Nichole.

"Lalaki pagbibigyan ko e. Ano ba maganda?" Jaynine.

"Hmm, ano ba hilig niya?" Tanong ni Nichole.

"Hindi ko alam e. Gitara nalang kaya o damit?" Sagot ko kay Nichole.

Lakad pa rin kami ng lakad habang nag-iisip kung anong magandang ibigay sa lalaking pagbibigyan ko ng regalo. Si Nichole kasi alam niya na kung anong ibibigay kaya di na siya mamroroblema pa. 'Yong damit daw na uso ngayon. Fashionista ba naman kasi ang pagbibigyan niya. Sa paglalakad namin ay napadaan kami sa isang shop na puro litrato. Mga magagandang kuha ng litrato ang naka-display. Napaka-professional naman ng pagkakuha. Napahinto na talaga ako at napatitig sa mga litrato mula dito sa labas.

Sa isang tulad ko na mahilig sa arts, masasabi ko talagang nakakabighani ang mga nakikita ko ngayon. May litrato ng sunset, mga bulaklak, ibon, at iba pa, mostly ay mga nature. Sa lahat ng mga magagandang litrato na 'yon, may isang naiiba. Isang litrato ng mgandang babae na nakangiti. Hindi lang bsta ngiti, it's a genuine and priceless smile. She looks so happy sa picture at lalo siyang gumanda. 'Yon bang pati mga mata nuya ay ngumingiti din.

Hindi ko alam kung posible nga ba na may ganun, pero ngumingiti talaga pati mga mata niya.

"Ang ganda ng mga pictures ate noh?" Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko. Nilingon ko ito at isang cute at gwapong batang lalaki ang bumulagta sakin. Di ko ata siya namalayan na tumabi kanina ah.

My First Crush <3जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें