"Ulan"

11.4K 139 1
                                    


ULAN 

-
Ito nanaman papatak na ang ulan
sa tuwing ito'y babagsak kasabay 
ng pusong wasak 
na dati'y pusong busilak 
nag mahal lang naman ang pusong to pero bakit kailangan pang masaktan 
ang mga nakakaakit mong linya noon 
na nakakabingi na ngayon
ang masasayang halakhak at asaran ay kusa na lang babagsak at mag lalaho
katulad ng isang patak ng ulan...
Habang umuulan ng kaylakas 
ako naman ay umiiyak ng wagas
"mahal umiiyak ka ba ngayon?" 
mga linyang iniisip na kung ikaw rin ba ay umiiyak kasabay ng galit na ulan..
bawat luhang bumabagsak saking mga mata 
mga luhang puno ng hinanakit na gusto ng kumawala 
kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso'ng gusto ng sumabog 
mga alaala na unti unti ng mawawala 
sa pag lipas ng panahon ikaw na ay aking makakalimutan katulad ng malakas na ulan ay unti unti ng hihinto para sa bagong araw na sisikat..

Spoken Word Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon