Tama ako diba? Hindi pa huli, Xandra. Pwedeng pwede mo pa makuha si Xander jan sa girlfriend niya" dugtong niya pa

Ayoko. Di pwede. Ayoko masaktan si Xavier. Tsaka malaki ang utang na loob ko sa kanya at tulad nga ng sinabi ko sa inyo hindi siya pwede mawala sakin" sabi ko sa kanya

Ikaw bahala. Pero wag ka sana magsisi sa huli" sabi niya sabay alis. 

Tara na, mag sisakay na kayo. Matatraffic pa tayo kapag nag tagal pa tayo dito" sabi ni kuya Xannon at sabay sakay sa kotse.

Nagsakayan na yung iba. At ako, Xavier, Xander at yung girlfriend na lang niya ang hindi pa sumasakay. Tas ang magkakatabi si Xamara at kuya Xannon. Tas si Yiesha, Yosh at Yumi. Tas yung pinakadulo na upuan yung pang apatan. Tsk. At no choice kami kundi mag tabi-tabi nila Xander. 

Sakay kana, hon. Diba gusto mo sa may bintana?" sabi ni Xavier. 

Ah, sige" sabi ko. Pero nung pasakay na dapat ako bigla akong inunahan nung girlfriend ni Xander. nakng. Problema nun? Kaimbyerna yun ah. 

Xandra, sorry. Tsk. Gusto kasi nun sa may bintana eh" sabi ni Xander. At ngitian ko na lang siya. Ayoko mag pahalata na naiinis ako dun sa girlfriend niya. 

Okay lang. Sige na, sumakay kana." sabi ko sa kanya at sumakay na nga siya kaya pagkasakay niya sumunod na ako. Ayoko na kasi mag tagal kasi baka umangal na yung mga kasama namin sa tagal namin. 

Nung nakasakay na kami. Ang pwesto namin Xavier, ako, Xander at yung girlfriend niya na di ko kilala at wala akong balak kilalanin -_-

Okay ka lang ba kahit wala ka sa bintana? Baka mahirapan ka kumuha ng mga pictures kapag dito ka nakapwesto. Tsk" sabi ni Xavier. 

Hindi. Okay lang. Kaya ko naman yan. Magaling ako diba? Haha" sabi ko

Sabagay. Haha. Ikaw pa. Masyado kang magaling eh. Kaya nga nakuha ka kahit di ka naman nag aral ng photography" sabi niya

Hilig ko kasi eh. Tsaka diba tanda mo pa nung nag kita tayo? Nakuhaan kita ng picture nun. Haha. Nahagip kita ng camera nun. "

Sus. If i know sinadya mo yun. Haha"

Hoy, ang kapal mo ah. Haha. Hindi ko sinadya yun. Grabe talaga to""

Ano ba yan, ang ingay. Tsk." sabi nung girlfriend ni Xander. Kanina pa to ah. Konting konti na lang mapupuno nako dito. 

Wag ka nga magulo jan. Tsk. Manahimik kana lang" sabi ni Xander. Buti nga sa kanya. Paepal kasi. E sabit lang naman siya sa lakad nato. Kapal ng mukha -_-

Ang ingay kasi nila. Umalis tayo para mag relax no. Pero dito palang sa sasakyan di na tayo makarelax dahil sa landian nila" sabi nung epal

Teka lang, miss. Sa pagkakaalam ko sabit ka lang dito eh. Dahil kung hindi ko sinabi kagabi na pwede mag sama ng ibang tao ngaun hindi ka makakasama. At pwede ba? Yang ugali mong patapon wag mo muna gamitin dito? Kasi anytime pwedeng pwede kita itulak palabas sa sasakyan nato. At kung ayaw mo mangyare yun pwede manahimik kana lang? Kasi hindi ka belong samin. At kahit kailan hinding hindi ka mapapasama sa grupo namin. At pwede lang sana makisama ka ha? Baka kapag hindi ka nakisama samin mawala kana lang bigla dito sa sasakyan nato." sabi ko sa kanya. Nakakapuno kasi siya. Ang arte arte niya. Buti nga sinabihan ko pa siya eh. Kasi minsan hindi ko ginagawa yan. 

Dapat jan tinutulak na palabas. Hindi siya karapat dapat dito at dapat sa mga katulad niyang epal pinapatay. Akala mo kung sino makaasta eh"sabi ni Yiesha at natawa na lang kami. Haha. Lahat kami natawa kahit nga si Xander natawa eh. 

Xander, pagsabihan mo yang epal na yan baka biglang mawala yan dito. Haha. " sabi ni Yumi

Tsk. Okay. Sorry, ganito kasi talaga ugali nito eh " sabi niya at pinatahimik na niya yung girlfriend niya. Bakit kasi hindi na lang niya paalisin diba? -_- Pwede naman itigil tong sasakyan at itulak palabas yung babae niya. 

Bakit kasi sinama sama pa yan eh. Di naman yan welcome dito. Tsk. Sabit lang yan eh" sabi ni Yiesha. 

Sorry talaga. Di ko alam na mag iinarte ng ganito to. Tsk. Xandriah, mag sorry ka sa kanila. Wag kang mag inarte kung ayaw mo mainis ako sayo" sabi ni Xander. So, Xandriah pala pangalan ng girlfriend niya. Malapit pa sa pangalan ko -_-

Sorry, guys. " sabi ni Xandriah na medyo maarte pa -_-

Wag kang mag sorry kung maarte pa pananalita mo. Napaghahalataan na hindi ka totoo yang sorry mo eh. Tsaka kahit pala totoo yang sorry mo, hinding hindi namin tatanggapin. Pero kung umiyak kana siguro ng dugo dun kapalang namin papatawarin" Sabi ni yiesha at nag ngitian na lang kami sa kanya. Ayoko sa kanya. Kaya ganito din ako. Kung maganda sigurlo pinakita niya sakin nung una palang baka kinampihan ko pa siya. Pero huli para kampihan ko siya lalo na  girlfriend siya ni Xander.

-------

Ang balak ko talaga dito tatanggalin ko yung girlfriend ni Xander. Pero dahil sa nalaman ko kanina ito ang kinalabasan. Haha. Pasensya XD

-Isha

It Started With A GameWhere stories live. Discover now