Matagal na. Haha. Ano? Tara na? Malayo pa byahe natin eh. 

Okay ^______^" sagot niya tsaka niya binitbit yung bag niya. Pero siyempre kinuha ko yun kasi mabait ako. Joke! Haha

Habang nag lalakad kami pababa nakahawak ako sa kamay niya. Hindi naman niya tinatanggal kasi sanay na din yan sakin. Tsaka 1 taon na din simula nung naging kami.

.

.

.

Pagbaba namin nakita namin yung mga kaibigan niya. Mukhang kami na lang ang iniintay nila. Tas mga nakatingin pa sila sa kamay namin lalo na yung kapatid ni Xandra na si Xannon. Tsk.

Hi~ Goodmorning. Ready na kayo? Tsaka kumpleto na ba tayo?" sabi ni Xandra

Hindi pa. Iintayin pa natin si Xander. Sinundo pa girlfriend niya" sabi nung isa sa mga kaibigan niya. Tsk. Pagkasabi nun ng kaibigan niya bigla siyang lumungkot pero di niya pinahalata. Pero sa mga mata niya mahahalata mo. Tsk. 

Ah, kanina paba? Malayo pa kasi byahe natin eh" sabi ni Xandra. Iba na din tono ng pananalita  niya. Gusto niya maging masaya yung tono ng pananalita niya pero di niya magawa. 

Malapit na daw sila. Nag text na sakin sii Xander. Kaya ayusin niyo na lang din yung ibang mga dala dala niyo sa Van para pagdating nila aalis na tayo" sabi ni Xannon. Kaya nag sunuran na din kami. No choice naman eh. Tsaka parang iba ang mood ni Xannon ngaun. 

Nag aayos kami ng gamit sa kotse at nung tinignan ko si Xandra tahimik lang siya. Nakatingin lang sa kawalan. Alam kong may gusto pa siya kay Xander. Halata naman sa kanya. Pero ayoko siya bitawan kasi alam kong gusto niya din ako. Di ko nga lang alam kung sino ang mas matimbang samin ni Xander.

Xandra's POV

Andito ako sa gilid ng sasakyan. Nakasandal lang ako kasi sinabihan ako ni Xavier na siya na lang daw ang mag aayos ng gamit. Okay sakin yun kasi wala talaga ako sa mood nung nalaman ko na may girlfriend na si Xander. Hindi ko alam kung bakit ako apektado kahit na alam ko naman na sa sarili ko na nakamove-on nako at si Xavier na ang gusto ko. Tsk. Hindi ko din maintindihan sarili ko kung bakit ako ganito.

.

.

Maya-maya lang may biglang pumarada na kotse. Hindi ko alam kung sino yun kasi hindi familiar sakin yung kotse na yun. Kaya ang ginawa ko inintay ko bumaba yung sakay ng kotse. Pero sana di ko na lang ginawa yun kasi ang bumaba si Xander na may kasamang babae. Yun siguro yung girlfriend niya. Ayoko sa nararamdaman ko ngaun. Bakit ba ako nasasaktan kahit hindi ako dapat masaktan?

Mahal mo pa no? Bakit mo ba kasi kailangan pahirapan yung sarili mo, Xandra?" biglang sabi ni Yiesha. 

Hindi ko na siya mahal, Yiesha. May boyfriend nako. At siya ang gusto ko. Tsk. At hindi ko pinapahirapan yung sarili ko. "

 

Gusto? Xandra, gusto mo lang pala siya eh. Pero si Xander mahal mo. Mag kaiba ang gusto sa mahal, Xandra. Atsaka halatang halata sayo na nasaktan ka nung nalaman mo na may girlfriend na siya. Wag mo akong gawing tanga. Kasi kilala kita. Alam ko kung kelan ka nasasaktan sa hindi. " sabi niya. At hindi nanaman ako nakasagot. Mag kaiba ba ang mahal sa gusto? Parehas lang naman sakin yun eh :3

It Started With A GameWhere stories live. Discover now