Magsasalita sana ako nang bigla akong makarinig ng mga ingay. Nang tingnan ko ang dalawang matanda ay parang wala lang sa kanila ang naririnig ko.


"'La, have you heard that?" 


"What is it, hijo?"


"Iyong mga kalabog po." I answered.


Talaga bang hindi nila naririnig iyon?


"'La, ano po ba iyon? Parang may lumalagutok, may humahampas na kung ano sa dingding, at minsan ay parang may bumabagsak na mabigat na bagay sa sahig." Actually I was hearing thoses noises since last night. Bigla-bigla na lang magkakaroon at bigla-biglang nawawala ang mga kalabog. Hindi ko lang alam kung saang part ng bahay iyon nanggagaling, pero sigurado ako na nandito lang iyon sa loob. Nandito lang iyon mula noong magising ako—


Nagkatinginan ang dalawang matanda. Mayamaya'y humawak si Lolo sa kamay ni Lola. "Ako na ang magpapaliwanag kay Klay."


Tumango si Lola ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pagkabalisa na ipinagtataka ko. Ano bang nangyayari sa kanila? Mula noong bumangon ako sa kama ay ganito na silang dalawa. Kung hindi sila mukhang pagod ay balisa sila at parating hindi mapakali.


Pinunasan ni Lolo ng panyo ang kanyang bibig. Kasalukuyan kasi kaming naghahapunan nang mga sandaling ito. "Follow me, Klay hijo." He stood up and headed to the old grand stair.


I followed after him.


Umakyat kami sa hagdan at tinungo ang pinakadulong parte ng ikalawang palapag ng bahay—ang pang anim na kwarto.


If I'm not mistaken ay matagal na itong ginawang bodega. At habang papalapit kami ni Lolo sa ika-anim na kwarto ay saka ko unti-unting nare-realize na sa dulong kuwartong ito nanggagaling ang mga kalabog.


Huminto kami sa tapat ng pinto.


"'Lo, bakit puno ng lock ang pinto?" I cringed, feeling uncomfortable. Nakapagtataka kasi na sumobra naman sa pagkakakandado ang pintong ito. Bukod sa mga kadena at harang na bakal ay may lubid pa na nakatali sa pinto at kahoy na nakapako rito.


Napaatras ako ng muli kong marinig ang kalabog sa loob. This time ay hindi na lang basta kalabog ang naririnig ko kundi may kasama ng tila ungol? Ungol ng tila kinakaladkad na lalamunan. Tila nanggigigil na nahihirapan. Para bang nalaman ng kung sino o kung ano mang naroroon sa loob ng nakakandadong kwarto na may tao rito sa labas ng pinto.


"Klay." Hinarap ako ni Lolo. Ang kalabog mula sa loob ay lalong lumakas ng magsalita si Lolo.


"What's inside of that room, 'Lo?"


Ang mga kalabog ay palakas nang palakas. At hindi na nga lang talaga kalabog ngayon ang naririnig ko, kundi pati ungol ng tila nauulol na aso.


"Hindi na importante iyon, Klay. Ang gusto ko lang gawin mo, iwasan mong lumapit sa pintong ito. At mas lalong wag mong tatangkaing alisin ang kahit isang padlock dito. Do you understand me, apo?"


I swallowed deeply before answering him "Y-yeah..."


I still don't understand what's happening, but one thing is for sure, may kung ano sa loob ng kwartong ito. Bukod kasi sa mga kandado at kadenang nakapulupot sa pinto ay may namamataan pa akong bahid ng dugo.


Damn it! Anong krimen ang ginawa ni Lolo? Bakit hindi na lang kasi nila sabihin sa akin ang totoo? Pero gusto ko bang malaman ang totoo?


Hindi ako nakatulog kinagabihan. My heart was pounding and my whole body was sweating in fear. Napaparanoid ako na baka makawala iyong nasa loob ng kinandadong kwartong iyon.


Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. My heart was pounding and my whole body was sweating in fear. Binabangungot ako na baka makawala iyong nasa loob ng kinandadong kwartong iyon.


Hindi mawala sa isip ko kung ano ang mga narinig ko. Bukod kasi na nakakabinging pag-ungol ay narinig ko rin ang kumakalam na tiyan ng kung sino man ang nasa loob niyon. Tila ba may napupunit na laman, nagtatagis na bagang. Nakakarinig ako ng lumalagutok na buto at kalmot ng tila hayop.


Sa ngayon ang gusto ko na lang ay mag-umaga na para makauwi na ako sa Manila.


Pero hindi ko gustong matulog. Baka pag natulog ako ay may bigla na lang mangyari na di maganda. So I kept my eyes open for as long I could. Ang kaso, sa pagod ay hindi ko namalayan na naigupo ako ng antok.


Nagising ako around three in the morning. "Dead time".


Usually gising na sina Lolo at Lola sa ganitong oras. Nakikinig na sila ng balita sa radio at kapag nagliwanag na, magluluto na si Lola ng almusal at pagkatapos ay magwawalis na sa may bakuran. That's their routine mula noong wala na silang katulong na kasama rito sa bahay.


Pero bakit wala yata akong radio na naririnig ngayon? Bakit parang nakakabingi yata ang katahimikan ngayon? Nakakapanibago dahil nakasanayan ko nang marinig iyong ingay ng radio mula sa kwarto nila.


Arethey still asleep? Nah. I doubt that. My grandparents are early people. 


I quickly got up from bed, and went out of the room. Ang unang sumalubong sa akin ay ang madilim na hallway. It was so dark that I could barely see. Hindi yata nagbukas dito ng ilaw si Lola kagabi?


Nangapa ako papunta sa kinaroroonan ng switch.


"Shit. Nasan ba iyon?" Hindi ko naman kasi kabisado itong bahay. Hindi naman kasi ako madalas dito, napakalayo kasi nito from the city.


Sa pagkapa ko ay ibang way na pala ang natunton ko. Papunta sa dulo ng hilera ng mga guestroom. Pero mabuti na lang at may nakapa akong switch dito.


There, nagka-ilaw na.


But wait... ano ito?


Sa kakalakad ko, napunta ako sa tapat ng pinto na pinaiiwasan sakin nina Lola at Lolo. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko. Mas nanghina ako sa natuklasan ko.


I blinked.


Bakit nakabukas?!


Bakit nakabukas na ngayon 'yung kwartong nakakandado? Shit.


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon