Humagikgik naman ang babae at saka sumulyap ulit sa lalakeng dancer.

"Si Minther!" she answered, giggling.

Napaawang ang labi nila Lexa at Giselle dahil doon. My lips puckered and continued watching the cool dancers. Ang iba sa kanila'y kumuha pa ng babae sa crowd para isayaw.

Tumili agad si Lexa. "Minther? Omg! Ate, isa pa. Anong last name niya?"

Napailing ako sa kanya, naghahagikgikan sila ni Giselle. Talagang interesado sila doon sa dancer na lalake, hindi naman kataka-taka iyon dahil talagang gwapo ang lalake. Cool at magaling pang sumayaw.

"Minther Legaspi!" sagot ng babae. "Minther! Akin ka na lang!" malakas na sigaw bigla noon nang bumaling ulit sa mga nagsasayawan.

Napasinghap ako. That was hilarious!

Nakita ko agad ang pagsiksik nila Lexa at Giselle sa gitna ng mga tao para lang makuhanan ng picture iyong Minther Legaspi. Halos lahat ng kababaihan ay puro Minther ang isinisigaw na pangalan.

"Minther!" dinig kong tili ni Giselle nang makalapit doon.

Tumingkayad ako para makita sila doon. The Minther boy smiled softly, hindi ko makita masyado ang kanyang mukha dahil may sumbrero siya.

Parang nadinig naman iyon dahil bigla niyang tinanggal ang kanyang sumbrero, tapos na silang magsayaw kaya hingal na hingal pa siya. Humarap siya sa crowd at hinagis niya ang sumbrero kaya lalong nagwala ang kababaihan.

He's really handsome! Damn it!

Malalim ang kanyang mga mata na mapungay, basang basa siya ng pawis. Ang buhok niyang medyo mahaba ay basa rin, he brushed it with his fingers and smiled naturally seductive. The dimples on his both cheeks showed up.

"Minther! My God! I love you!" the girls are screaming their throats out.

He just smiled and bowed, gumaya rin ang kanyang mga kasamahan. Pagtapos noon ay tumalikod na sila para umalis sa gitna. Ang kaninang espasyo doon ay natabunan ng mga tao.

Nagtakbuhan sila para sundan ang mga dancers, hinila sa damit ng isang babae iyong Minther para magpapicture. Lalo kong nakita ng malinaw ang kanyang mukha dahil malapit na siya ngayon.

Nakangiti lamang siyang umaakbay sa bawat babae at mga bading na nagpapalitrato sa kanya. Yumayakap pa sila sa baywang niya at ang iba'y humahalik pa sa pisngi, kaya napapangiwi siya ng bahagya pero hinahayaan nalang.

Libre nga naman. Syempre sinusulit na nila.

Dinaig pa neto ang mga modelong schoolmates ko, ah. Talagang pinagkakaguluhan siya rito, e. Samantalang sa school namin, natural lang silang tao.

Well, maybe because this is a province. Hindi sila masyadong nakakakita ng mga gwapo.

Pagkatapos ng sayawan ay nanatiling maingay ang mga tao, may mga nag-uusap tungkol sa kung anu-ano lang. Basta, iba iba sila ng gawain.

I sat tiredly on the gutter, ang iba kong kaklase ay nagpakalat kalat sa lugar. Kami lang nila Lexa, Giselle at Ashley ang magkakasama. I'm sure they're enjoying Isla Verde so much and this tour would be memorable.

"Grabe! Ang galing 'no? May ganito pala rito sa Isla Verde, how I wish that Manila have fiesta, too." si Giselle, nilagok niya ang bottled water at sumandal sa isang kotse.

"Yeah, Isla Verde is fun and memorable! Babalik ako rito tuwing fiesta," si Lexa, hinihingal pa.

See? Ngayon hingal-hingal siya, kaninang nakipagsiksikan siya sa mga tao ay hindi niya naisip na baka atakihin siya ng asthma niya.

Isla Verde #2: The Sweet Escape Where stories live. Discover now