Kanya-kanyang sagot naman ang mga chakabels na chismakers. Hmp!

Bigla namang may nagtaas ng kamay. "Um, sir. Can I ask a question?"

"Sure." Sagot nman ni Gino.

"Uhmm.. Sir, Is she your wife?" sabay turo sakin.

W-wife?

Ngumiti si Gino ng nakakaloko at biglang hinawakan ang kamay ko.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Ibinalik niya ang tingin sa mga empleyado. "Yes. She's my wife. Maria Mikaela Dela Rosa. So I expect you to treat her well."

Nagsitanguan naman sila habang nanlalaki naman ang mata ko. A-ano kamo ang sabi niya? W-wife?

"Okay, let's all go back to work." Anunsyo niya kaya nagsibalikan lahat sa kanya-kanya nilang trabaho.

Hinila na niya ako papasok sa office niya. Agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran. "Wife?! Kelan mo pa ko naging asawa?!"

"Aray!-- T-teka nga!" sabi nya sabay haplos dun sa part na kinurot ko. "Let me explain!"

"Bat mo ba kasi sinabi yun!?" irita kong tanong.

"Eh kasi pano kung mahalata nilang buntis ka!? Tapos gawan ka ng kung ano-anong chismis!? Mas mabuti ng alam nilang may asawa ka na kaya ka nabuntis no!" sigaw niya. Napaupo ako dun sa couch ng opisina nya.

"Tsaka, Mikay. Ayoko talagang pagtrabahuin ka." tumingin ako sakanya at halata namang seryoso sya.

"Hindi nga pwede, diba sabi ko susutentuhan ko pa--" hindi pa ko tapos magsalita ay pinutol niya na ako.

"Alam ko.. P-pero.." i cut him too.

"Basta magtatrabaho ako. Tapos."

Napabuntong-hininga siya. "Osya sya sige na. Pero, you'll work here inside my office." nanlaki ung mata ko at napatingin sakanya.

"H-hoy! A-ano na naman yang i-iniisip mo!?" Nanlalaking matang tanong niya.

"Kahit kelan talaga.." napailing sya. "Ikaw ang mag siscreen ng mga bagong aplikante, magrereview ng mga files na ibibigay akin ng secretary at.. Magtitimpla ng kape ko!" Nakangiti niyang sabi.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon