Jossie's POV
Ako si Jossie isang 2nd yr BA student sa UE. Hindi ako masyadong pala kaibigan, mas gugustuhin ko pa mapagisa at magaral habang nakikinig sa music. Sa dami ng mga nakakasalamuha ko sa school, ang kapatid kong si Jessica ang madalas kong kasama at paguwi naman ang madalas kong kausap ay ang BFF ko na si Marie.
Classmate ko si Marie simula highschool kami, pero magkababata talaga kami. Maaga nagasawa si Marie kaya bihira na kami makapag bonding sa labas para makinig sa mga live band tulad ng ginagawa namin noon. Si Marie at si Jessica lang ang lagi kong napagsasabihan ng mga sekreto ko lalo na pagdating sa mga crush ko.
Mahilig ako makinig sa mga live band lalo na kapag masarap sa tenga ay boces ng kumakanta. Minsan dumadayo pa ako para lang makinig sa mga paborito kong banda kaya madalas ako sa 19 East para manood. Minsan sumasama din ako sa mga classmate ko para manood ng battle of the bands.
Minsan akong nagpunta sa Check Point Bar sa Parañaque para panoorin ang mga kabarkada ng pinsan kong si Joel na tumugtog. Sa dami ng banda at tao ang andun may isang gitarista/back up singer ang umagaw ng atensyon ko.
"Uy insan, anong pangalan ng banda na yan?" Tanong ko kay Joel
"Accidental Trip ang banda na yan" tipid na sagot sakin nj Joel.
"Kakilala niyo ba sila? Ano pangalan nung gitarista/back up nila?" Pasimple kong tanong
"Hindi ko sila kilala, pero madalas sila dito sa Check Point. Yug gitarista na yan balita ko matinik daw yan sa chixx dito sa Pque" sagot ni Joel
"Aa ganun ba. Mga nagbabanda talaga puro chickboy. Kahit pa maganda boces niya at magaling siya mag gitara, nakaka turn off ang pagiging playboy niya" sabi ko habang umiinom ng margarita na inorder ko.
Pag tapos tumugtog nila Joel umuwi na kami agad dahil marami pa akong tatapusin na school works.
Makalipas ang ilang linggo hindi pa din nawawala sa isipan ko yung itsura at boces nung gitarista/back up ng Accidental Trip.
Crush ko ata siya, pero ayoko sa nagbabanda dahil sa likas na pagiging babaero nila.
BINABASA MO ANG
Ang Gf kong Musikero
RandomJossie is a college student. Mahilig siya makinig sa mga live bands kaya madalas siya nagpupunta sa mga bar kung saan may mga banda na tumutugtog. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip niya ang makipag relasyon sa musikero sa kadahilanang marami daw b...
