ϯ ϯ First Encounter ϯ ϯ

Start from the beginning
                                    

Gold ang section namin.

"Is there something wrong, Gold? Ms. All-time president?"

Ako kasi ang president ng lahat ng clubs dito sa school except sports clubs && religious clubs. Hindi kasi ako mahilig sa sports at lalong lalo na sa religious activities.

"Please stand up. You're acting strange today, Gold. What is it, Ms. President?"

Tumayo naman ako. Tinitigan ko ang strange SLASH weird looking girl dummy na naka-uniform pa talaga namin siya at tila maala sadako ang hair sa sobrang haba at nakatakip naman sa mukha niya. Umalis ako sa upuan ko at lumapit ng kaumti sa table ni Ma'am.

"Iyon po ata, ma'am. Siya po ang dahilan."

Matapos ko sabihin 'yon, may narinig ako na hindi pamilyar na tawa. Inialis ko ang tingin ko sa dummy at tumingin kay Ma'am, baka kasi siya 'yung tumawa, pero hindi siya ang tumawa. Tumingin ako muli sa dummy and to my shock, nasa harapan ko na pala siya at naka-pinky promise gesture.

"You want to get back to your real world? And answer my question in 10 seconds."

Napalinga ako sa buong paligid at nakita ko na nasa ibang dimensyon na pala ako. Natatakot 'man, pero matapang akong sumagot sa dummy.

"Ako ang TOP1 ng paaralan na 'to. At lahat ng itatanong mo ay masasagot ko."

"Pinky promise?"

Inilapit ko ang pinky finger ko sa kanya at nag-pinky promise kami.

"Makababalik ka, kapag nasagot mo, pero akin ka na kapag hindi."

Napagalaw ang kamay ko kaya naman nagsalita siya muli.

"Natatakot ka na baka hindi mo masagot?"

"I left you my words. And whatever might be the outcome, I am not afraid."

Tumawa nanaman siya. Nakakatakot.

"Sige, ang kundisyon ay..."

Kinakabahan ako na baka hindi ko masagot ang tanong niya. Natatakot ako na baka makuha niya ako at ano ang gawin niya sa 'kin. Nakakatakot siya.

"Bigyan mo ako ng isang bible verse."

Napamura ako sa isip ko. Ito ang kahinaan ko. Talo na ako. Hindi nagsalita agad 'yung dummy pero narinig ko 'sya matapos ng ilang sandali na nagbibilang.

"5... 4..."

Nanginginig ang mga kamay ko. Malayo kami sa isa't isa pero naka-pinky promise pa 'rin kami.

"3... 2..."

Napatingala ako at napatingin sa mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya. Bigla ko'ng nakita ang mga nakakatakot na pulang mata niya at nagsabi.

"Hosea 4:6. His people perished for lack of knowledge."

Nakita ko na 'rin ang labi niya at ngumiti siya. Napabitaw ako sa pagkaka-pinky promise namin. At matapos namin na magkahiwalay, nag-iba ang anyo niya.

Naging kahawig at kasing liit niya na lamang ang pamangkin 'kong mahal na mahal. Pero hindi sa ma-ala-demonyo mukha.

"Huwag mo idamay ang mahal ko sa buhay!"

"Deal is a deal."

At matapos niya sabihin ang mga iyon, sumugod siya sa akin at nawalan na ako ng malay.

~

Lean Khim De Flores pointofview.

Hindi ko pa nauubos ang pagkain ko nang mag-bell. Habang kumakagat kasi ako sa ham and eggburger ko, may ka-text ako.

'Lord, sorry po sa pagbastos sa pagkain dahil may ka-text ako. May new verses po kasi na naipasa sa 'kin ang churchmate ko, binabasa ko lang to gain Words from You.'

Napahaba ang usapan namin 'nung sender dahil sobrang um-agree ako sa message na pinasa niya.

Hosea 4:6 - My people are being destroyed because they don't know me. Since you priests refuse to know me, I refuse to recognize you as my priests. Since you have forgotten the laws of your God, I will forget to bless your children

Nabanggit ko sa kanya si Janine. Sa sobrang talino niya kasi, naaawa ako sa kanya dahil ayaw niya uma-attend ng mga bible studies at kahit na makinig 'man lang sa mga sharings ko sa knya. Nakakalungkot na siya pa na best buddy ko ang hindi ko matulungang makaligtas. Pero hindi ako nagkulang sa pagpapa-alala sa kanya. Masakit nga lang talaga makita ang sarili mo na nagshe-share sa kanya pero siya naman ay tango lang ng tango sa mga sinasabi mo't pinapapasok sa isang tenga ang mga sinasabi mo pero labas din sa kabilang tenga.

Tumayo siya para magtapon ng mga basura niya sa labas ng room. Malungkot ko siyang sinundan ng tingin. Nanghihinayang ako sa kaybigan ko na 'to. Sayang at hindi siya nakikinig sa 'kin. May pag-asa pa sana siya.

Bumalik na siya pero parang wala siya sa kanyang sarili. Ano ang problema ng tao na 'to? Nakatingin lang akong nagtataka sa kanya hanggang sa dumating ang new subject teacher namin pero tulala pa rin siya. Sa sobrang ingay ng mga kaklase ko, hindi pa 'rin siya natatauhan? Ano kaya nangyayari sa kanya?

"Gold!!! Ang ingay 'nyo nanaman. Tignan 'nyo ang president 'nyo. Tulala na sa ingay ninyo."

Mga nagtawanan pa ang mga kaklase ko ng mapatingin sila kay Janine. Pero hindi ako tumawa. May mali kasi eeh. Nilapitan ko siya at niyugyog pero wala pa 'rin.

"Janine!!! Hey!!!"

Wala pa 'rin. Nag-aalala na ako sa kanya.

"Ms. President? Are you ok?! You're weird. Ms. De Flores, bring her to clinic."

Tatayo na sana ako at aalis sa table ko pero bigla siyang tumayo. At nahimatay.

Nilapitan ko siya pero huli na ang lahat.

Kinapa ko ang pulso niya at wala na.

ᴡᴇᴀᴋɴᴇѕѕ [ву ᴇɴсоᴜɴтᴇʀ ♕ ɢ]Where stories live. Discover now