Chapter 36

1.1K 32 12
                                    

Kath's POV

"Leo, bat sumunod ka pa?" Tanong ko nang makarating kami sa bahay.

"Ayaw mo?" Tanong niya.

"Wala ka namang gagawin dito."

"Meron kaya." Sagot niya sabay punta agad sa ref at kuha ng pagkain.

"Ano?"

"Bantayan ka." Simpleng sagot niya habang kinakain 'yung nachos na natira sa ref.

"Ano ako, bata?" Naiiritang tanong ko.

Maya-maya nasuka siya, tinawanan ko lang siya. Napakatagal na kasi niyang nachos. 5 years na ata yan lol. 5 years din kasing walang tao dito, sumunod rin naman agad si Daddy samin sa LA.

"Pwe, expired na pala 'to di mo manlang sinabi."

"Nagtanong ka ba?" Pang-aasar ko.

Tinapon niya yung nachos at tinabihan ako.

"Sino yung nag-walkout kanina? Ex mo ba 'yun? Yun ba yung nagpapaiyak sayo noon ha?" Galit na tanong niya. My ever protective kuya!

"Yes siya nga. Bakit anong gagawin mo?"

"Bubugbugin ko yun...kung papayag ka."

"Kung papayag ako? Ofcourse not."

Sumimangot siya sa sagot ko. Natawa ako ng palihim.

"Mahal mo parin?" Tanong niya kaya napaisip ako. Damn, mahal ko pa nga ba?

"Mahal mo pa nga.." Bulong niya.


Daniel's POV

Kakagising ko lang, tinawagan agad ako ng mga kupal. May lakad daw kaya napilitan naman akong naligo at pumunta sa lugar. Pero naabutan ko lang si Kath kasama yung hayup na lalaki sa mall kahapon, nagtatawanan. Ang sarap manapak.

"Ano nanaman to?!" Galit na tanong ko.

"Wag masyado obvious na jelly, Daniel." Pang-aasar ni Julia.

"Ako? Jelly? Tss." Bulong ko. Inaasar nanaman ako ng mga 'to.

"Kath! Leo! Tara?" Tawag ni Julia sakanila.

Leo pala pangalan ng hayup na 'to.

"Thanks, Julia ah. Naappreciate ko tong pa-welcome party niyo." Sambit ni Kath sabay yakap kay Julia.

"Siyempre para sa'yo bes. Tinulungan rin ako ng mga kupal."

Tumingin samin si Kath. Yinakap niya rin si Dos, Tres, Quatro at Singko. Nang ako nalang ang di niya nayayakap, tinitigan niya muna ako.

"Awkward" pang-aasar nanaman nila.

Yayakapin na sana ako ni Kath nang pumagitna si hayup.

"Nagpadeliver ako ng sundae, alam kong favorite mo yun." Sambit niya. Napangiti si Kath. Napayakap tuloy siya kay Leo. Kumukulo ata dugo ko?

"Thank you, Leo. Di talaga kumpleto ang mga parties kung walang sundae." Masayang tugon niya. Tss edi dapat pala bumili na ko ng isang balde ng sundae.

"Ako lang tuloy di yinakap.." Bulong ko sabay walk-out.

Habang naghahanap ako ng maiinom, may sumingit.

"Hi, Daniel!" Bati nito.

"Hello. Anong meron?" Tinatamad na sagot ko.

"Idol po kasi kita! Ang galing galing mo po mag-basketball. Pwede pong pa-picture?" Tanong niya sabay pakita ng camera niya.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon