Chapter 3 (Part 2)

Start from the beginning
                                    

"Don't worry, wala akong balak sa'yo. You're not even my type. So plain" Nababasa niya isip ko?? Mind reader ata to.

"Hindi naman sa ganun. Kase naman bakit lakad tayo ng lakad? May payong nga, pero basa na naman tayo".

"Pupuntahan natin ang motorbike ko. Okay? Huwag ka nga daldal ng daldal. Sakit sa tenga. Isa nalang at iiwan na talaga kita. Tss".

"Eto na nga po, mananahimik na" Nanahimik na talaga ako bago pa tuluyang magbago ang isip niya at iwan ako ditong nag'iisa. Sunod lang ako ng sunod sa kanya, nagmumukha nakong tanga. Teka, bakit parang nararamdan ko ang pagpatak ng ulan sa ulo ko?

"Hoy! Sakay na. Bilis!" Naputol lang pagmumuni ko ng magsalita siya. Andito na pala kami sa kung saan ang motorbike niya. Hindi ko namalayan ah. Ang bilis, nakasakay na din siya kaya pala ramdam na ramdam ko ang ulan, hindi niya na pala ako pinapayongan.

Umangkas nako sa motorbike nya at bago pa man kami makaalis e may inabot siya sakin.

"Ano to?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Jacket ata? Ano sa tingin mo?".

"Alam kong jacket to. Bakit mo naman ako binigyan nito?" .

"Basang basa ka na at umuulan pa. Kaya isuot mo yan para man lang hindi ka ginawin lalo. Dahl bibiyahe pa tayo. Intindi?? Huwag ka engot. Aish!! Bakit ba ko nage'explain sayo. Leche" .

"Okay. Thank you" Sinuot ko na nga ang jacket kahit basa nako .

"Taga'saan ka ba??" Tanong nya

"Sa Imus"  (A/N: Di yan totoong place)

"Okay" Sagot niya at nagsimula ng magpaharurot ng kanyang motorbike. Akala mo e hindi umuulan kung maka-drive.

~* Pagkatapos ng napaka-adventure at tahimik na biyahe e nakaabot din ako samin ng buong buo. Salamat naman po Lord at buhay pa ako! Mamamatay ako sa heart attack kanina.

"Kuya, salamat ha! Eto nga pala bayad ko" Pagpapasalamat ko sa kanya sabay abot ng pamasahe ko nang makababa ako sa motorbike.

"Keep that" "Ha? Bakit naman? Nakakahiya naman sa'yo kung di mo to tatanggapin".

"Hindi ko kailangan ng pera" .

"Halaa!! Paano kita mababayaran niyan? Nakakahiya talaga sa'yo. Inabala pa kita tapos ayaw mong tanggapin. Pasok ka nalang sa'min. Dun ka na maghaponan" Pagi'insist ko sa lalaki .

"Thanks but no thanks. Sisingilin ko na lang yang utang na yan some other time" .

"Talaga ah?? Iintayin ko yan. Kahit ano pa hingin mo. Ibibigay ko!" Nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Ayaw na ayaw ko talaga na may utang na loob sa tao lalo na't di ko pa siya kilala.

"Even yourself??" Pa-inosenteng tanong niya pero halata namang nang'aasar. Kahit gabi na at umuulan, kitang kita ko pa din ang mga mata niyang nang'aasar. Ngayon ko pa lang siya natitigan, ang ganda ng mga mata niya. Kulay blue na may halong kulay green. Hindi ko ma'explain.

"*coughs coughs*""A-ay, sgesge!" Sagot ko sa kanya.

"WHAT??!" Gulat na gulat niyang reaksyon.

"Ha?? OO nga. Bakit?" Inosente at pagtataka.

"As in? Sa sinabi mo?" - Sabi niya na parang nangingiti na.

"OO nga. Bahala ka! Sige na!" At yun bigla man lang umalis na di man lang nag good bye. Psh! Kainis naman ung mokong un,. eh hindi ko pa nga alam ang name niya. Bahala siya.

So ayun doon lang nagtapos ang aming usapan bigla niya naman akong iniwan at umalis. Psh. Makanet na nga muna. 11 pm na pala ng hating gabi,. hindi ako makatulog kaya, Nagfacebook na lang muna ako.

"Sino na naman ba 'tong mokong na nagchachat. At gising pa sa oras ng mga to ah" Sabe ko sa sarili habang tiningnan at basahin ang mensahe

[Zecharaniña Jaynine Montes Chua. 15 years old. Half filipino, half chinese but doesn't know how to speak mandarin. Born in China but grew up in Philippines. Only child. A Junior student of Sandler Academy Section C. And a Class President with straight As. NBSB. Hopeless Romantic. Mataray na Inosente. Loves to stalk and lastly, having a one sided crush to Prince Hans Gacosta Wistletone. Aw, too bad. TAKEN na sIya.] [So Miss Chiu, sisingilin ko ang utang mo sa takdang panahon ;)] *offline*

"WHAT??! Bakit niya alam mga info ko??! At papaano??" Napasigaw ako ng wala sa oras dito sa kwarto ko. Ikaw ba naman i'message ng ganun! Daig pa sakin makahalungkat ng impormasyon saken.

At alam ko kung sino ang taong ang lakas ng loob na gawin saken yon at biglang nag'offline. Siya yong kanina na naghatid sakin. Waaaa!! Lalo akong di makatulog sa ginawa niya.

A/n : Hala, sino na naman ung lalaki na un? Hindi naman nagpakilala. Ano nga ba ang mangyayari kay Zecharaniña?

My First Crush <3Where stories live. Discover now