Chapter 1

89 2 2
                                    


"Good Morning Babe! What do you want for lunch later, hmm?" Chandler said while slicing some spam. 

Hindi ko siya sinagot. Pinagmamasdan ko lang siya. I'm so so lucky to have this man in my life. He's my everything. Hindi ko ata kakayanin pag nagkahiwalay kami. It might be the end of me. That's how much I love him.

"Babe?" 

Hindi ko nga alam bakit ako ang pinili nitong lalaking 'to. Nakilala ko siya nung first  year college kami. Kaklase ko siya sa isang major and I was too tired to even function that day kaya ng tinawag ako ng prof namin to answer one of his questions, wala akong nasagot. As in nakatayo lang ako dun pero biglang may kumalabit sa akin at binulong yung sagot. 

"Thank you." Bulong ko pagkatapos kong sagutin yung tanong.

"Anong thank you ka dyan! May bayad yun 'no! Sabayan mo ko mag lunch mamaya, ilibre mo ako. Gusto ko ng steak actually. Pero gusto ko rin ng baby back ribs. Pero sige, dahil isang beses lang naman kita tinulungan, kahit steak lang muna. Pero dapat one full meal ha. Ibig sabihin may appetizer, dessert, main course, drinks. By the way, di naman ako maarte sa drinks kahit yung tubig lang okay na ako. Sa appetizer, hmm salad na lang siguro, meron na siguro sa steak house na pupuntahan natin. Tapos dessert naman kahit ice cream lang." Bulong niya pabalik.

Napanganga ako. Nakatulala ako sa kanya. Napakadaming niyang sinabi. 

"Huy! Narinig mo ba mga sinabi ko pero mukhang wala ka sa sarili e. Okay uulitin ko. Gusto ko ng -" bago pa maging machine gun ulit yung bibig niya pinutol ko na siya.

"Oo! Oo narinig ko. At bakit mo naman naisip na bibilhin ko lahat yan para sayo ha. Ni hindi nga kita kilala eh. Hindi ko rin naman hiningi tulong mo, kusa kang tumulong. Wag ka manghingi ng kapalit dyan."

"Okay so, ako nga pala si Chandler Montague, but you can call me babe or baby. Kahit ano actually okay lang ako. Pwede rin namang honey, sweety -"

"Shut up! Ang ingay mo! Chandler, -"

"Hindi naman sa ayaw ko sa Chandler pero feeling ko kasi mas okay yung mga sumunod na sinuggest ko like baby, babe, sweety, mga ganun." 

Grabe, hindi ko na alam isasagot ko sa lalaking to manahimik lang siya! Nakalimutan ko ng pagod at inaantok ako, nagising diwa ko sa lalaking 'to! Ang sarap i-glue ng bibig.

"Ewan ko anong trip mo pero -"

"Excuse me Ms. Tamayo and Mr. Montague, naiistorbo ko ba ang bulungan niyong dalawa ha?"

"Sorry, Sir." paghingi ko ng paumanhin.

Aba ang mokong hindi man lang pinansin yung prof namin at nagkukunwaring nag nnotes pa!  Kinausap na niya yung isa niyang katabi at nag sulat muli. Mukha namang tatahimik na 'to kaya nag simula na rin naman akong makinig. 

Wala pang dalwang minuto may puting papel na dahan-dahang nag s-slide sa lamesa ko. Sinundan ko ng tingin yung kamay at sino pa nga ba! Yung mokong na 'to. Nakatingin sa prof namin at nagkukunwaring nakikinig habang yung kamay ay inaabot sa akin yung papel na sinusulatan niya kanina habang pinapagalitan kami. 

Padarag kong kinuha at binasa:

Ches, Ches ba pangalan mo? Sabi ng katabi ko Ches daw pangalan mo e. Masarap sa Liv's Steak House, malapit lang yun dito mga 5 minutes walk. Wag kang mag alala, hindi ako killer. Kaya lang medyo mahal 'dun eh. Okay lang ba? Mukha ka namang may pera so sige dun na lang tayo ha. Free naman na ako hanggang 3 ng hapon. Ikaw ba?

Libre lang ba ang habol nitong lalaking to sa lahat? Hay nako, buti na lang binigyan na ako ng allowance. Pagbibigyan ko na rin at ng mawala na tong makulit na baboy na to sa buhay ko.

Napakaraming nag kakandarapa sa kanya. College pa lang kami, every swimming competition, punong-puno lagi ng fans niya. Kahit nga training lang e, walang tigil kakasigaw lahat ng babae para sa kanya. Kahit naman wala siya sa pool, kahit nag lalakad lang siya kahit nga kasama ako, may mga babae pa ring nag papapicture sa kanya

"Babe!" malakas na sabit niya sabay pitik ng mahina sa noo ko. 

Nagulat ako at nasa harap ko na pala siya. Napakalaki ng ngiti ng mokong.

"Are you thinking about me?" sabay halik sa leeg ko, kahit alam naman niyang sobra akong nakikiliti pag ginagawa niya yun. 

"Hey, Chand! Stop!" Pigil ko sa kanya habang sinabayan na rin ang tawa niya.

"You're spacing out. Mind telling me why?" 

Sinukbit ko ang braso ko sa kanya at mabilis siyang hinalikan. "I'm just on memory lane right now and I just thought of how lucky I am to have you. As my partner, my best friend, my teacher, my everything. Even though you were an ass on the very first day that we had a conversation." Then, I gave him small kisses.

"An ass? I was just a boy who was hungry and had no money!" 

Nasa ganung pwesto pa rin kami. Nakayakap siya sa bewang ko. Nakayakap ako sa leeg niya.

"Sus mga palusot mo! Ang sabihin mo nag papansin ka lang nun sakin!"

"Gumana naman diba?" Sambit niya sabay halik sa ilong ko.

Tumawa na lang ako. 

"I love you so much, Chand."

"And I love you too baby."

-

Hi guys! Please tell me what you think? Should I pursue this endeavor? Hahaha, and also hit me up on who do you think is the better man or choice, Chandler or Steve, kahit na wala pa gaanong scenes. Thank you!



AffairWhere stories live. Discover now