Alam ko naman namimiss niya yung pamilya niya. Pero para naman ito sa ikabubuti niya at ng anak namin.

Napailing ako at narealize kong masyado akong nadadala. Tsk, masama 'to.

Maya maya lang ay dumating na kami sa isang Filipino Restaurant. I decided na dito siya dalhin para mabawasan naman ang pagkamiss niya sa pamilya niya.

"Mikay.." bulong ko habang marahan siyang tinatapik. Ang bilis talagang makatulog.

"Mikay.. Gising na.. Nandito na tayo.."

"Mikay.. Hoy.. Gising na.. Diba kakain na tayo?"

Bigla naman siyang napamulat at mabilis pa sa alas kwatro ay nakalabas na siya ng sasakyan. Nauna pa sakin, Napailing na naman ako.

Nakasimangot akong lumabas at agad siyang hinila palapit sa tabi ko.

"Mag dahan-dahan ka nga!" Saway ko sakanya. Nakakalimutan niya yatang dalawa na ang inaalagaan niya.

Nagpout naman siya. Yung tipong nagpapaawa. "Sorry.."

Napapikit ako ng mariin. Tsk! "Tara na nga!" At hinila ko na siya papasok ng restaurant.

Pagkadating namin ay nakahanda na agad ang mga pagkain. Tinawagan ko na kasi sila kanina habang bumabyahe kami para hindi na kami maghintay na maserve.

Inalalayan ko siyang umupo bago umupo sa tapat niya.

Nagsimula na akong kumuha ng pagkain pero hindi parin siya gumagalaw. Nakunot ang noo ko. "May problema ka ba sa mga pagkain?"

Umiling siya.

"May masakit sayo?" Nag-aalala kong tanong.

Umiling ulit siya.

"Ayaw mo kumain?"

"Hindi." Tipid niyang sagot. "Sorry."

"Para san?"

"Kasi hindi ako nag-iingat.." Sabi niya sabay pout.

"Psh. Wala na yun, wag mong dibdibin." Sabi ko. "Kumain ka na."

Tumango siya at nagsimula ng kumain.

---

Mikay's POV

Papunta na kami sa condo ni Gino. Medyo malayo daw kaya matulog muna daw ako, pero siya naman yung nakatulog. Mas gusto kong tignan yung paligid kasi ang kakaiba. Parang nasa bagong mundo ako. Siguro, dito ako magsisimula ulit.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Pero isa lang ang alam ko. Namimiss ko na sina Mama, kambal at lukaret. Isa lang gusto kong sabihin sakanila.. I'm sorry.

I'm sorry kasi nagsinungaling ako. I'm sorry dahil ang sama kong anak. I'm sorry kasi nadisappoint ko sila. I'm sorry kasi kailangan kong lumayo.

Agad na nag-init ang sulok ng mata ko. Dali-dali ko itong pinunasan ng maramdaman ang pag galaw ni Gino.

"Malayo pa ba?"

Umiling siya. "Ayan na o."

Napatingin ako sa mataas na building. Wow! Nakakalula! Sobrang taas at ang ganda ng exterior.

Inalalayan niya ulit akong bumaba. Agad namang may mga lalaking lumapit samin at kinuha ang mga bag namin. Sumakay na kami ng elevator. Nakita kong hanggang 50th floor ang building. Wow! Pinindot naman ni Gino ang 26.

Nang makarating kami sa 26th floor ay nilakad namin hanggang sa pinakadulo at nandun ang pinakamalaking room. Pagkapasok pa lang ay napahanga agad ako, pero natigilan din ako ng may makita akong lalaki na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Jase!"

Napalingon ang lalaki sakin bago tumingin kay Gino.

"Bro! Nandito ka na pala?" At nag appear sila.

"Yeah, salamat sa paglinis ng condo ko."

"May bayad yun noh!" Biro nito. Biglang napadako ang tingin niya sakin, "And.. Who is this lovely lady?"

"She's Mikay" pakilala niya. Lumapit naman sakin yung lalaki at naglahad ng kamay.

"Hi, Miss Beautiful." Bati nito. Napailing ako at napanguso. Confirmed! Kaibigan nga ni Gino. Pareho silang bolero.

"Hello. Mikay na lang, if you don't mind." Sabi ko bago tanggapin ang kamay niya.

"I'm Jason."

"Nice to meet you, Jason." Sabay ngiti ko.

Bumaling siya kay Gino na malaki ang ngisi. "Bro. Sana sinabi mo na naglaganap na ang magaganda sa Pilipinas. Sana umuwi na ko agad."

Napailing naman si Gino. "Magtino ka nga!"

"O sorry!" Sarkastikong sabi ni Jason. "Nakalimutan kong nagtino ka na dahil sa maganda mong asawa."

T-teka, ASAWA?

"Gago" -Gino.

"Tsk. Sige na, uuwi na ko dun at magpapakatino." Sabi ni Jason. "Sige, bye bro!" Nagmanly hug naman sila. Bumaling sakin si Jason at niyakap din ako. "Bye, ingat ka diyan kay Gino" bulong niya kaya natawa ako.

Kinuha na niya ang bag niya at lumakad na palapit sa pinto.

"Nga pala bro, Happy Birthday!" tapos umalis na siya at sinara ung pinto. Si Gino naman umupo muna dun sa couch.

"Birthday mo?" Gulat kong tanong. Tinabihan ko siya sa couch.

"Yup." Parang wala lang na sabi niya.

"Bat di mo sinabi?" Pangungulit ko.

"Tss. Wala lang. Hayaan mo na, wala namang magcecelebrate ng birthday ko eh."

"Bat naman?"

"Eh. Wala namang pakialam ung Daddy ko, tapos si Mama, wala na."

"Wala na? May ibang pamilya?" Inosente kong tanong. Umiling siya.

"Nope. As in wala na. Namatay siya last year actually."

"Sorry, hindi ko alam." nahihiya kong sabi.

"Wala yun." He stood and offered his hands. "Mag ayos na tayo"

Tinanggap ko naman yun at nilead nya ko sa isang kwarto, tapos dinala nya din ung gamit ko dun.

"O, ikaw na bahala san mo yan ilalagay." tumalikod sya at lalabas na ng.. "Sya nga pala, isa lang kwarto dito, so jan ka na lang sa bed then ako na lang sa floor." nanlaki ung mata ko..

t-teka!?

"M-magkasama tayo d-dito!?" humarap sya.

"Oo, bakit? May masama ba dun?" naningkit ung mata ko. "Ops. Wag ka ngang dirty minded! Wala akong gagawing masama sayo!"

Mas lalong naningkit ung mata ko.

"L-lasing ako nun! Wag ka nga!" Nauutal niyang sabi bago lumabas.

Haynakonamantalagaoo. Bumalik na lang ako sa pagliligpit. Ayoko kasi ng messy. Kaya patay sakin 'tong lalaking 'to pag makalat sya.

Hala Ka!? (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon