Chapter 24.a -- Pahirap

En başından başla
                                    

On my way back to our room, nadaanan ko ung room ng I-C. Bago kasi ako makapunta sa room lagi ko munang madadaan ang I-C kasi mas una ung room nila kaysa samin. Naisip kong sumilip, hinanap ko si Matt tsaka si Tim.

Noong unang silip ko, hindi ko pa sila nakikita pero nung medyo matagal na akong nakasilip, nakita ko na sila. It's soooo true that they're helping them and they seemed to be happy. They're even laughing. TT_______TT

So, kinalimutan na nila na may partner at ate sila just to help them?

Then biglang tumingin sakin si Tim, umiwas ako ng tingin sa kanya at dapat aalis na ako kaya lang...

"Noona!" tawag niya sakin.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Noona, sabay tayo uuwi ah? Wag mo kakalimutan."

"S-sige. Sige." sabi ko habang tinatago ko yung kamay ko na may benda.

"Noona, sorry ah. Kung instead na ikaw ang dapat na tinutulungan namin eh ibang sec--"

"Mr. Park. You're not finished here yet. Wag ka muna makipag-usap sa iba bukod sa mga students ko, okay? Bumalik ka na sa loob, tulungan mo na sila." Sumingit si Ms. Romu samin.

>.<”

"Sige, Noona. Intayin kita sa labas ng classroom niyo ah. Bye muna." pumasok na siya sa loob ng classroom.

Lumapit naman sakin si Ms. NBSB.

"Hinding-hindi ko hahayaan na may tumulong sayo, Ms. Park." Sabi niya, umirap, sabay alis.

Grabe ah, tindi ng galit niya sakin. Ano ba kasing nagawa ko sa kanya? Pare-parehas silang magkakapatid. Una si Trisha tas si Princess ngayon naman si Ms. Romualdez?!

Kaya pala iba yung surname niya kasi anak siya sa ibang lalaki. Bale siya ung anak sa first husband ng mom nila tas sila Trisha and Princess naman sa 2nd husband ng mom nila. Narinig ko yan kanina na pinag-uusapan nung mga babae na nakasalubong ko habang paalis ako ng infirmary.

Bumalik na ako sa classroom at nagdesign na ulet. Hindi ko masyadong maigalaw ung kamay ko kasi nga may sugat at ang masaklap pa, right hand ung sinugatan nila eh dun pa naman ako sanay gumawa. Nakakabanas! Shet!

~dingdongdingding~

Uwian na. Nangangalahati na ako bukas naman ung kalahati ulit. Hindi na nga ako naglunch para lang madami akong magawa eh. Halos mangiyak-ngiyak na rin ako sa hirap ng ginawa ko. Ang hirap pala mag-isa.

TT_____TT

Itxt ko na nga si Tim para makauwi na kami.

To: Tim-namdongseng(Younger Brother)<3

Tim! :)) Ano tapos kana? Uwi na tayo! Intayin kita sa may parking lot. Hanapin mo lang yung car ni Zyren.

Nahirapan ako dun ah... almost 3 minutes kong tinxt yan kasi left hand ung gamit ko. Tsaka kay Tim lang ako nag a-iloveyou sa txt, sanay nako eh.

"Noona, I can't come with you. May pinapagawa pa kasi si Ms. Romualdez kaya hindi pa kami pwedeng umuwi ni Kuya Matt. Ikaw nalang muna umuwi. Next time nalang sguro ako makakapunta sa house mo ngayon. Ingat ka ah." reply niya.

Pati ba naman sa pag-uwi hahadlangan pa rin akong makasama ung kapatid ko nung NBSB na teacher na yun? I can't believe this is really happening.

Well, wala na akong magagawa. Kung hindi na siya makakasabay edi si Zyren nalang isasabay ko. Txt ko na nga siya.

To: Zyrenmokongkumagmanyak&yabang (0915XXXXXXX)

Hey, Zy. Already finished? Sabay ako sayo pauwi. Hintayin kita sa labas ng HRM 2.

"No, Babe. I'm not yet finished. Sorry. I really wish I can go home with you but Ms. Romualdez is watching us. She said that we can't go home kapag hindi pa namin tapos yung pinapagawa niya. I'm so sorry but i promise i'll make it up to you. Itutuloy pa natin yung kaninang umaga, we're almost there Babe! Love you much much." reply niya.

Oh no. Even Zyren? OhMayGee. What kind of monster is she?

Hayaan mo na nga. Magcocommute nalang ako. Alam ko naman na pauwi eh.

Lumabas na ko then nag-abang ng bus pero 1 hour na ako naghihintay, wala pa ring dumadating kaya naisipan kong maglakad nalang. Exercise din yun.

Ilang miles nalang nasa bahay na ako pero biglang umulan kaya naghanap ako ng masisilungan pero wala. As in wala talaga akong mahanap. Kaya inenjoy ko nalang yung ulan.

Actually, hindi ako nag-eenjoy na maglakad sa kalye nang umuulan. That time, i realized na kailangan mo pala talaga ng makakasama sa lahat ng oras, ang panget pala maging forever alone.

Habang naglalakad ako napapaiyak na ako sa sakit ng kamay ko at ng puso ko. Binalutan ko naman ng plastik ung kamay ko pero sumasakit pa rin siya pero mas masakit yung sa puso ko.

>_____________<

Ang lakas ng ulan pero naglalakad pa rin ako. 7:30 na pero wala pa rin ako sa bahay naglalakad pa rin ako.

Humagulgol na ako sa kalsada, hindi naman siguro ako kilala ng mga taong makakasalubong kaya okay lang na makita nila akong umiyak.

waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!

TT__________TT

----------------------------------------------------------------------

Tsk. tsk. Kawawang bata.

Ang daming hirap ng pinag dadaanan ngayon ni Christine because of that Princess and Ms. nBSB.

Grabe sila ah, effort talaga magpahirap?

Nakakainis!

haha.

Vote and comment kayo ah...

Tnx for reading!

&quot;Forcedly&quot; MarriedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin