Chapter 22: Painting for the Queen

Magsimula sa umpisa
                                    

'Zach.. it's okay! You don-'

'50,000 pesos' Natigilan ako at maging si mommy ay napalingon sa lalaki,

'Just give it a rest hijo.. it's just a painting' saad ni daddy.

'No Mr. Esquibelle, Alli liked that painting' I know you too well Zach. He's obviously competing with that man. '70,000' Nagtiim-bagang siya kaya naman ay napilitan akong hawakan ang braso niya.

'Zach. Just let it go.. may ibang painting pa-'

'80,000' Seryoso ba siya? Nagitla ako ng makita ko ang lalaking nakangisi sakin.

'Son of a bitch' bulalas ni Zach. '100,000 pesos' Oh.my.God!

'Zach stop it.. pwede naman tayong magpagawa ng ganyang painting eh' pagkukumbinsi ko sa kanya. Hindi naman sa minamaliit ko ang painting but for God sake, bata ang nagpinta noon at halatang gawang bata talaga and he's obviously not into charity works, para sa ego niya lang.

'No!' Pagmamatigas nito. 'I hate losing Alli. Lalo na sayo' My jaw dropped upon seeing the eagerness in his eyes.

'Going once, going twice?'

'200,000 pesos' what the hell?? Nakita kong tinapik ng kasama niyang matanda ang balikat ng lalaki bago ito lumingon sakin at nag-angat ng hawak na kopita bago dinala sa bibig nito.

'300,000 pesos' Nagsimula na ang diskusyon sa mga taong naroroon. Nagbulong-bulongan ang mga ito.

'Zach are you sure?' Si mama. 'Their paintings here never reached 100,000. Ito ang unang pagkakataon na umabot ito sa ganyang halaga.' Tumahimik nalang ako dahil alam kong desidido na si Zach.

'I'll get that painting Mrs. Esquibelle. It's mine.' Simpleng sagot ni Zach.

'Zach..'

'Lahat ng gusto mo Alli, ibibigay ko.' Mataman niya akong tinitigan. Kaya naman ay napabuntong-hininga nalang ako.

'500,000 pesos' Hindi ko na pinag-aksayahang lingunin ang lalaki at nakafocus nalang ako kay Zach. Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong si Shane ang nagtext.

'Shane: Makikipagpatayan pa ata si Dela Silva para sa painting na yan ah.. anong ganap? Why is he so into that painting?' Pero imbes na magreply ay binalingan ko nalang ulit si Zach. Sumandal ito sa upuan at hinimas-himas ang baba.

'Zach what are you planning to do?' Don't tell me papatulan niya parin ang lalaking yun?

'Going once?' This time ay nakatitig na ang announcer kay Zach. 'Going twice?'

'700,000' napa-'awwwe' ang ibang guests sa binitiwang halaga ni Zach, halatang iritado namang bumaling ang lalaki sa gawi ko. Oh boy, you don't mess with this billionaire.

''800,000' what the fuck? Makikipag-ubusan ba siya ng pera kay Zach para lang sa isang painting? Eh pwede naman silang magdonate nalang? I don't know that guy or his net worth but I know Zach's. kahit ilang milyon pa ang waldasin niya araw-araw ay mahihirapan pa rin itong mamulubi. Nakita kong ngumisi si Zach bago niya itinaas an board.

LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon