SIMULA

72.5K 1.3K 377
                                    

SIMULA

WARNING: This is just a start and would never definitely decide the middle and end part of the stories.


-------------------------------------


"Illea? We'll be late." Matthew called. I looked at him from his reflection through the mirror. I gave him a curt nod before I continued putting gloss on my lips. My hands were shaking as I watch the color splash on my lips.


I know that I should be happy. He will be happy today. Matapos ng lahat ng ginawa ko, sa lahat ng pananakit ko ay magiging masaya na siya ngayon. He has finally found the girl who would put him above everything else. He has finally found a girl who would do the things that I haven't done for him. He has finally found a girl who would love him the way he deserves to be loved.


A lone tear dropped from my eye as disappointment, pain..scorching pain, ripped my soul. He's finally getting married, Illea. He's going to be happy.


"Ate?"


I hastily rubbed the tears on my cheeks when my sister called.


"Late na tayo. Nandiyan na ang bridal car." Imporma niya sa akin. I nodded my head and took the bouquet of flowers. Inayos kong muli ang gown ko bago sinundan ang kapatid kong nauna ng dumiretsyo sa gaganaping kasal.


His wedding is a traditional beach ceremony. Dito raw kasi sila nagkakilala kaya gusto nilang ditto rin selyuhan ang pangako nila sa isa't isa. Pagkalabas ko pa lamang ay kitang kita ko na ang mga nagkalat na bulaklak sa buhangin hanggang sa makeshift na altar na nakaharap sa dagat.


"The bridal car is here. Where's the groom?" narinig kong tanong ni Serise. Lumibot ang tingin niya sa paligid para hanapin siya.


"Damn it! Nasaan na siya?" tanong muli ng pinsan ko. Kumalabog ang puso ko noong maintindihan ko ang nangyayari. Lumapit agad ako sa aking pinsan na malapit ng magpanic.


"I can't find him." Hinihingal na sabi ni Rome. Patakbo siyang lumapit sa aming mga legacy.


"What?!" humarap sa akin si Serise at tiningnan ako.


"Alam mo ba kung nasaan siya? Malapit ng magsimula ang kasal niya!" nangigigil nitong sabi. Tahimik lamang akong umiling bago huminga ng malalim. He's not here. If he's not here, then where is he?


Nakita kong bukas ang bridal car at bumaba roon ang mapapangasawa niya. She was beaming and so happy. Inikot niya ang paningin niya sa paligid para hanapin siya. Kitang kita ko kung paano nawala ang ngiti niya noong hindi siya nagtagumpay na makita ito.


"I'm going to look for him." Boluntaryo ko. Tiningnan ko si Matthew.


"Drive for me." Utos ko. I gathered my gown and we ran to Matt's car. While Matthew was starting the engine, I was just looking at his bride. She was being comforted by her family and my friends. She forced a smile on her face before looking at the altar.


"Where the fuck is he? Alam mo ba?" tanong ni Matthew sa akin. Umiling lamang ako dahil hindi ko alam kung ano bang isasagot.


Tuloy tuloy na nagdadrive si Matthew hanggang sa makaabot kami sa dalampasigan. Nakita ko siya roon na nakaupo sa isang bato at nakaharap sa dagat.


"W-wait! Wait! Matt, stop!" utos ko. Noong makahinto si Matthew ay agad akong bumaba ng kotse. Hinubad ko ang aking heels at tumakbo sa direksyon niya.


'Noah!" sigaw ko. Humarap siya sa akin at doon ko nakita ang madilim na anino ng mukha niya. He was gripping something in his palms while he look so conflicted.


"Illea." He breathlessly said. Huminto ako sa pagtakbo at tumigil ilang dipa lamang ang layo sa kanya. I swallowed for a lot of times before I glanced at my watched.



"You're nine minutes late for your wedding Noah." Anas ko. Yumuko si Noah bago umiling.


"Naghihintay na sila. Your bride is already there—"


"No." mahina niyang sabi. Natigilan ako sa narinig ko.


"What?"


Sinalubong niya ako ng kanyang determinadong tingin. "I don't want to get married." Aniya. Bumuka ang bibig ko para umalma noong lumapit siya sa akin at kinuha ang aking mga kamay.


"I love you, Illea. I still love you. I will always love you." He confessed. Iyong kamay niyang nasa braso ko ay umakyat sa aking pisngi.


"I am so in love with you Illea Auriel. I cannot marry anyone else but you." Aniya. Tumulo ang luha ko habang naririnig ko iyon mula sa kanya.


"Mahal mo rin a-ako, hindi ba? Illea, you love me, right?"


Kinagat ko ang labi ko at tuluyan ng naiyak. God, why does it have to be so hard.


"Your bride's waiting Noah—"


"Do you love me? Illea, answer me! Kasi ako mahal kita! Mahal na mahal pa rin kita!" sigaw niya. Humagulgol na ako sa mga sigaw niya. Ilang beses akong umiling, hindi dahil sa hindi ko siya mahal kung hindi dahil sa hindi ko na kayang magkaila.


Pero mali ito. Mali ako. Hindi ako ang para sa kanya. I damaged him too much and he deserves more. I have to let him go because he deserves more than just a girl who doesn't even know herself.


"Mahal mo ako. Alam ko iyon." Halos manlumo na niyang sabi. Iniwas ko ang tingin ko pero pinihit niya ang aking mukha.


"Noah, ikakasal ka na.."


"Ikakasal lang ako sayo, Illea." Determinado niyang sabi. Pinunasan niya ang mga luha ko bago bumaba ang labi niya sa aking nakaawang na bibig. Mabilis niyang hinapit ang aking katawan palapit sa kanya habang mariin akong hinahalikan. Palalim ng palalim iyon hanggat sa hindi ko na nagawang maitago ang katotohanan.


Yes..yes, I am in love with you too, Noah. But it's too late for us now.

Nine Minutes - LEGACY #9 (AWESOMELY COMPLETED)Where stories live. Discover now