"Ungas!" Sinampal niya ito ng mahina. "Ang kapal mo talaga. For your information, hindi ako Barbie doll type no!"

"Ows? Talaga lang ha? Eh ano ka?"

"Sticker," mayabang niyang tugon dito.

"Bakit sticker? Dahil para kang tuko kung kumapit?" nakatawang hirit nito.

"Because even if you scratch me, I'll still stick with you," nakangisi niyang wika.

Tumawa ito. Kinurot nito ang magkabilang pisngi niya. "Ang corny mo talaga kahit kailan."

"Aray," reklamo niya tsaka tinapik ang mga kamay nito. Hinawakan niya ang kanyang pisngi. "Masakit yun ah."

Ngumiti lang ito. "Okay na pala kokak ko eh. May pa-SMS ka pang nalalaman."

"Kaya nga pwede ka nang pumunta sa gig mo."

"Pinapaalis mo lang yata ako eh," sabi nito nang may tampo sa boses.

"Hindi ah. Ayaw ko lang na maging dahilan ng pagkagalit ng mga band members mo."

Tumayo ito. "Kaya mo na talaga ha?"

Tumayo na rin siya. "Oo nga."

"O sige na, hug nalang bago ako umalis." Yinakap siya nito. At nagtagal iyon ng ilang minuto. Nag-umpisa nanaman ang pagtugtog ng percussion band sa kanyang puso. Para itong dambuhalang tambol na pinupukpok sa tuwing dumidikit siya kay Cyprein. Sana lang ay hindi nito naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso niya.

"Salamat meow ha? You're really the best. Ngayon ay masasabi ko na talaga na malaki kang kawalan sa mga naging exes' mo."

Tumawa ito at bumitaw sa pagkakayakap. "Buti alam mo. At ikaw naman, malaki kang kawalan sa mga lalaking hindi nakakapansin sayo."

"Bola! Umalis ka na nga dito. Baka mamaya ay magka-otitis media ako sa mga sinasabi mo."

"Ok ka na nga talaga. Corny ka nanaman eh."

Tinapik niya ito sa balikat. "Mang-asar ka pa."

"Hindi na nga po. Alis na ako. Text ka lang pag may problema ka ha? Pero 'wag nang SMS. Natataranta ako pag mag SMS ka eh."

Napukunot-noo siya. "Bakit ka natataranta?" Pero ang totoo ay kinilig siya sa sinabi nito. Natataranta pala ito sa tuwing magtetext siya ng SMS. Kung palagi nalang kaya niyang itext ito ng SMS para palagi itong nag-aalala sa kanya?

Unti-unti na itong lumayo. "Natural! Save my soul ang meaning n'on. Malay ko ba na sa mga oras na tinitext mo ako ay nakatungtong ka na sa isang stool at nag-aakma nang magbigti."

"Ang kapal mo ha!" Saka niya ito binato ng unan. Pero nasara na nito ang pinto kaya hindi na niya ito natamaan.

"Peace out kokak!" nakangisi nitong wika nang sandaling sumilip sa pinto at tuluyan nang umalis.

"Loko 'yon ah. Kinilig pa naman ako sa sinabi niya. Hindi naman pala totoo." Inamoy niya ang damit niya. It was Cyprein's scent and it smells so damn good. Napangiti na lamang siya. Hinubad niya ang T-shirt na iyon at itinago sa kanyang aparador. "Hindi ko 'to lalabhan. Remebrance sa pagyakap sa akin ni meow." Natigilan siya. Bakit niya ginagawa iyon? Bakit iba na ang nararamdaman niya sa kaibigan niyang iyon?

Umupo siya sa kanyang kama. "Inlove na ba ako kay Cyprein?"

___________________

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon