Chapter 2

13.6K 221 6
                                    


MEOW, busy ka? I'm wrecked. SMS.. huhu.. Iyon ang text niya kay Cyprien. Ang meaning ng SMS ay Save My Soul. Iyon ang lagi nyang kataga sa tuwing kinakailangan nya ang tulong nito.

Totoo iyon, she is definitely wrecked. Nakita niya kasi si Leon na may kahalikang babae.

Si Leon ay ang crush niya since highschool palang sila. Matagal-tagal na rin niyang tinatago ang paghangang nararamdaman sa lalaking iyon. Binalak niya kasing magtapat dito n'ong mismong araw na iyon. Pero nakita niyang may kahalikan itong iba. Gusto niya lang umiyak. Pero hindi siya halos nakaramdam ng feeling na parang gumuho ang kanyang mundo.

Bk8? Nu problem ni kokak ko? Agad na reply ni Cyprein sa kanya.

Punta ka nlang d2 sa haws. Please..

Uwkie. W8 mo q dyan.

Hindi nagtagal ay dumating na si Cyprien sa kwarto niya. Halatang nagmadali ito dahil magulo ang buhok nito at hinihingal.

Umupo ito sa tabi niya at yinakap siya ng mahigpit. "Ano nanaman ba ang nangyari?"

"May gusto syang iba meow," humahagulgol niyang wika.

"Sino? 'Yong Leon na iyon?" Alam kasi nito na baliw siya sa lalaking iyon. At palagi rin siya nitong pinagsasabihan na bumaling nalang sa ibang lalaki.

Tumango lang siya at lalo pang umiyak.

Hinagod nito ang likod niya. "Ba't mo iniiyakan 'yong gagong yun? He's not worth it. Sinabi ko naman kasi kaagad sa'yo na iba nalang ang balingan mo ng atensyon. Sinunod mo ba ako? Hindi 'di ba?"

"Sige, manumbat ka pa."

Napabuntong-hininga ito. "Eh kasi naman ikaw, makakita ka lang ng gwapo, crush mo na agad. 'Wag ka kasing masyadong magtiwala sa mga gwapo, except sa akin siyempre," pabirong wika nito. Tumingin ito sa relo.

Natawa siya. "Ikaw talaga." Napansin niyang tumingin iyo sa relo. "May lakad ka?"

"Wala naman."

Bumitaw siya sa pagkakayap dito. Pinunasan niya ang kanyang luha. "Kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo eh. May lakad ka 'no?"

"Hindi naman 'yon importante. Hindi ako aalis hangga't hindi ka okay," malambing na wika nito sabay punas sa kanyang basang mukha.

"S'an lakad mo?"

"May gig kami sa Makati. Pabayaan mo na. Si Vic nalang muna ang pakakantahin ko." Akma itong kukuha ng cellphone.

Pinigilan niya ang kamay nito. "Puntahan mo na. Baka hindi na kayo makagig doon pag kulang kayo."

Sinimangutan lang siya nito.

Ginawaran niya ito ng ngiti para siguraduhing okay na siya. "Okay na ako. Nakakuha na ako ng hug mo diba?"

He rolled his eyes. "'Ayan ka nanaman sa walang kwenta mong acting skills. Wa epek na 'yan 'no! Basta, dito lang ako hanggang sa maging okay ka na."

"Alam mo, ang kulit mo. Sabing okay na ako eh. Hindi naman pala talaga karapat-dapat iyakan yung Leon na iyon," sabi pa niya para kumbinsihin ito na okay na talaga siya.

"Talaga lang ha?" Humarap ito sa kanya. "Just a couple of minutes ago, you told me you were wrecked, and now after I hugged you tight, you said you're okay. Hindi kaya ako ang type mo at hindi yung Leon na iyon?" biro nito.

Grow Old with You (published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon