"Mama! Tara na po baka malate ako" Agaw pansin sakin ni Ysabelle nasa harapan ko na pala ito at ready na para pumasok.

"Ahh. Oo, baka malate ka tara na" Saad ko saka nilagay ang bag nito sa loob ng kotse.



.
.
.



"Pst! Hey? Okay ka lang ba? May problema ba?" Tanong sakin ni Ate Donna saka ito umupo sa tabi ko, kakatapos lang din halos ng board meeting namin kaya hindi pa kami lumalabas ng conference room.

Napansin siguro nito na wala ako sa sarili sa buong oras ng meeting.

Which is not the usual me pag nasa trabaho.

"Ahahaha.. Eh, baka naman kaya tahimik yan kasi hindi siya naka-score kagabi" Natatawang sabat naman ni Kuya Dion.

Napangiwi ako sa sinabi ni Kuya, si Ate Donna naman ay agad muhugot ng ballpen kung saan saka iyon binato sa direksyon ni Kuya. Natatawang sinalo lang ni Kuya ang Ballpen na binato ni Ate.

"Alam mo.. Puro ka talaga kalokohan. Nako! Isusumbong talaga kita kay Mama na tinituruan mo si Diana sa mga ganyang bagay" Saad ni Ate.

"Ehh.. Anong malay natin diba? Malay mo naman tama nga ang kutob ko.. kaya ang tahimik ni Diana kanina." Depensa naman ni Kuya.

"Hmm... Kaya siguro lalo ka pang sumusungit habang tumatagal kasi kulang ka sa romansa ni Bayaw Ahahahaha! Nako! Ang hihina niyo naman. Kelangan ko ata kayong i-seminar niyan" Natatawang kantyaw pa nito, kahit ako natawa na rin sa sinabi niya si Ate naman ay pulang-pula na ang buong mukha sa sobrang pagkapikon.

"Puro talaga kahalayaan nasa isip mo! Kaya hindi na ako nagtataka na kung bakit napakadami kong pamangkin sayo" Pambabarat naman ni Ate.

"Ganun talaga. Eh hindi ba sabi nga nila humayo kayo at makapakarami.. Isinasabuhay ko lang ang sinabi nila." Mayabang na sagot naman ni Kuya. Parehas nalang kaming napailing ni Ate dahil duon.

"Hay.. Ewan ko talaga sayo, bumalik kana nga sa opisina mo" Saad ni Ate.

"Oo na.. Oo na, hindi bale kakausapin ko si Bayaw mamaya" Tawang tawa saad pa ni Kuya bago ito lumabas ng conference room.

"Kahit kelan talaga yung lalaking yun, puro hangin sa ulo" Naiiling na saad ni Ate pagkalabas ni Kuya.

Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon.

"So.. Ano nga Diana. Anong problema natin? Hindi namin maramdaman ang presensya mo sa buong oras ng meeting na yun" Dagdag nito.

"Ahh.. Wala lang ito Ate, Sobrang stress lang ako nitong mga nakaraang araw.. Nagkaroon pa ng mga aberya duon sa ginagawang mga town house sa Laguna" Pagdadahilan ko although problema ko rin naman talaga ang bagay na yun pero mas pinoproblema ang pag-iwas at pagiging cold nanaman sa akin ni Isabel.

"Ahh.. Ganun ba, problema talaga yan.. Kung gusto mo pagkatapos nating ayusin yan ay mag file ka muna vacation leave. Kasi ako diba last-last week kumuha ako nun para makasama at maasikaso ko rin ang Anak at Asawa ko. Kelangan mo rin yun Diana para magkaroon din kayo ng quality time ni Isabel. Anong malay mo duon niyo maisipang sundan na si Ysabelle diba" Payo naman ni Ate.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

Maybe Ate was right kaya ganun si Isabel dahil hindi ko na siya nabibigyan ng oras kaya tinutuon nalang din niya ang atensyon niya sa trabaho.

"Thank you sa payo Ate the best ka talaga. Paano ba yan mauna na ako marami pa akong dapat asikasuhin" Sabi ko.

"Sus! Maliit na bagay.. Sabay na tayo. Nagpa-iwan talaga muna ako para kausapin ka" Saad nito at sabay na kaming lumabas ng conference room.

Pagkaupo ko palang sa table ko ay agad ko ng sinimulan mga nakatambak kong mga trabaho.  Para maaga akong matapos at ng maaga ring makauwi, naisipan ko kasing ipagluto ang aking mag-ina lalo na't nalalapit na rin ang 9th year anniversary namin ni Isabel.

Kinuha ko naman muna ang phone ko at nag-compose ng mensahe para sa kanya.


To:Hon.

Hi! Hon I hope maaga kang uuwi mamaya lets have a dinner, I'll cook your favorite food tonight see you! Iloveyou.

Sent!!!


Hindi ko maiwasang hindi mapangiti noong ma-isend ko ang minsaheng iyon.

Damn! I'm so excited!

Kaya ganado akong nagsimula na magtrabaho para makauwi din ako ng maaga. Gusto ko kasi well prepared ang lahat para mamaya. Dahil ngayon nalang kasi ako ulit makakagawa ng suprise sa aking minamahal na Asawa.

We're both busy sa pagtratrabaho pero hindi naman namin nakakalimutan ang responsibilidad namin kay Ysabelle but mukhang may nakakalimutan si Isabel.

Ang mga responsibilidad niya sa akin bilang Asawa niya.

Ayaw ko man aminin pero talagang ramdam ko na ang kawalan niya ng gana sa relasyon namin o sadyang OA lang ako mag-isip? Masyado naba akong mag-ooverthink sa mga bagay-bagay.

_____________________...

Thank you for reading.

I'm not the only one (ToLine) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang