Chapter 4

764 7 0
                                    

Parang na enchant sa kagwapuhan ni Keith si Sophie ng alalayan siya nitong umupo matapos pag tripan ng isang binatilyo kanina.Namangha si Keith sa natural na kagandahan ni Sophie na parang nabuhay na karakter nito sa manga niyang THE MAID WARRIOR.

‘’Nanaginip ba ako? Kuhang kuha mo kasi ang karakter ni Aya sa manga ko eh.’’wika ni Keith sa tila nahiyang si Sophie ng purihin siya ng amo.

‘’Thank you kanina Sir Keith.’’tanging nawika ni Sophie na hindi alam kung pano sasagutin ang among lalake.

‘’Your very welcome,ako nga dapat magpasalamat kasi itong trabaho nato ang napili mo.Para kang anime na nabuhay Sophie,I hope na magtagal ka pa dito kahit part time lang na work ang ini offer ko sayo.’’wika ni Keith sa mapapangiting si Sophie.

Samantala isang binata ang gigil na gigil na nakatingin sa malagit na pagtitinginan nina Sophie at ng manga artist na si Keith.Nakaisip siya ng plano para hindi matuloy ang sumisibol na paghanga ng dalawa sa isat isa at ngising demonyo nitong lalapitan ang dalawa.

‘’Excuse can I talk to Sophie.’’wika ng isang binatang biglang papasok sa booth at ikagugulat ng dalaga.

‘’What are you doing in here?’’wika ng tila nainis na si Sophie ng Makita niya ang nakangising demonyo na si Garen.

‘’Who is he Sophie? ‘’tanong naman ni Keith na tila na intimidate sa kaangasan na pinapakita ni Garen.

‘’Im his fiancée, Sophie babes may suggestion sana ako tungkol sa bahay mo so can I borrow just a little bit of your time.’’wika ni Garen sa tila nagka interes na si Sophie.

‘’Shes working right now kaya kung gusto mo siyang kausapin after ng shift niya nalang.’’wika ni Keith na tila nawala sa mood ng marinig na fiancée ni Sophie ang binatang si Garen.

‘’Sorry Sir pasencia na sa abala, at ikaw narinig mo un? Bother me later when im done with my work.’’wika ni Sophie sabay duro sa mapapangiting si Garen.

Agad bumalik sa trabaho si Sophie at umastang parang isang tunay na maid na may maangas na dating.Tuwang tuwa na pinapanuod ni Garen ang dalaga na isa sa mga umupo sa booth upang bumili ng manga kaya naman mapipilitan si Sophie na pakisamahan ng maayos ang binata dahil part ito ng serbisyo na binibigay para sa mga bumili ng manga ng amo niya.

‘’Kung alam ko lang na aabalahin ka ng ungas nay an sana hindi ko na siya pinagbilhan ng manga ko.’’wika ni Keith ng mapansing enjoy na enjoy si Garen sa pang aasar kay Sophie.

‘’Ok lang sir kaya ko pong tiisin ang kutong lupa nay an para sa trabahong ito.’’wika ni Sophie na agad babalik sa pagsisilbe at pakikipag usap sa mga costumer ng manga artist na si Keith.

Natapos ang limang oras ng pagiging maid costumer player ni Sophie at magalang na nagpaalam sa nakangiting si Keith.Nakasimangot naman nitong pupuntahan si Garen na nooy matiyagang hinintay ang off ng dalaga sa kanyang trabaho.

‘’Finally natapos ka din bagay din pala sayo maging katulong noh? Malayo sa dating prinsesang Sophie na nakatira sa isang malaking mansion.So how is it feel like na pinagpapaguran mo ung pera unlike dati na tinatapon lang sayo ng parents mo?’’sarcastic na wika ni Garen sa uusok na ilong na si Sophie.

‘’Insulto pala ang habol mo sa akin? Ok well bring it on hindi kita uurungan.’’wika ni Sophie na palaban kahit na wala na siyang maipagmamalaki sa sarili niya.

‘’Actually im here to give you an offer na im sure hinding hindi mo matatanggihan.’’wika ni Garen sabay ngising demonyo san a curious na si Sophie.

‘’Kung katawan ko ang kabayaran niyan wag na kahit naghihirap ako never akong bababa sa pagiging prostitute noh.’’wika ni Sophie na may kutob nab aka katawan lang niya ang habol ng binata.

‘’Maganda ka nga pero hindi ko type yang katawan mo masyadong payatot.Pero may point ka na katawan mo nga habol ko kasi yang katawan mo ang ipang babayad mo sa akin kapalit ng pagbawi ng bahay at ari arian mo.Be my personal maid for a year at pag natapos ang isang taon balik buhay prinsesa ka na Sophie.’’offer ni Garen sa nagdududang si Sophie.

‘’Weh?Maniwala ako na ibabalik mo sa akin ang dating buhay ko.Pinagtritripan mo lang ako kaya mo nasabi yan,don’t bother me anymore I wont fall for that lame trick of yours.’’wika ni Sophie na tatalikuran si Garen ng iwasiwas sa mukha ng dalaga ang isang papel ng kasunduan.

‘’Natigilan ka noh? Miss Sophie napaka yaman kong tao and your property is nothing to me really.Eto ang kasunduan na kapag pumayag ka ay willing ko talagang ibigay sayo ang dati mong buhay kapalit ng serbisyo mo sakin ng isang taon.I just want you to serve me un lang kapalit to ng pagyupi mo sa kotse ko noong isang linggo.Saan ka makakakita ng ganitong offer? Im sure tatanda ka nalang kaka trabaho para lang maging mayaman ulit tulad ng dati kaya kung ako sayo pag isipan mong maigi ito Sophie.’’wika ni Garen na agad ibibigay sa dalaga ang papel ng kasunduan ng pagiging maid for a year niya.Paalis na si Garen ng habulin siya ni Sophie sabay mudmud ng dokumento sa mukha niya na may pirma ng dalaga.

‘’Kelan ako magsisimula and this better be true or else I will kill you.’’wika ni Sophie sa nakangiting si Garen.

‘’Ngaun na? total naka costume ka na rin bilang maid kaya sulitin na natin.’’wika ni Garen sa napipikon na si Sophie.

‘’Shit sana hinubad ko muna tong costume bago ako nakipag deal sa hayup nato.Grrr kainis sige lang Sophie kayanin mo na sooner or later babalik ka rin sa dati.’’wika ni Sophie sa sarili habang nakabuntot sa tuwang tuwa na si Garen.

Sa Men’s Underwear unang nagpunta si Sophie at ang amo nitong si Garen na nooy tumitingin ng mga brief at pinapakita sa naasiwang dalaga.

‘’Sa tingin mo bagay sakin to?’’wika ni Garen sabay ladlad ng brief sa tila napapahiyang si Sophie.

‘’Ewan ko sayo don’t talk to me.’’wika ni Sophie na titingin sa ibang direction sa tila nang aasar na si Garen.

‘’Hi Sir bagay po sa inyo yan lalo po kayong magiging ma appeal sa mga kababaihan.’’wika ng saleslady kay Garen na nakangiting kikindatan ang kinikilig na babae.

‘’Sus kung makapang bola wagas,cheap huh!’’wika ni Sophie na agad maririnig ng mapapataas ang kilay na saleslady.

‘’Mas cheap ka walang pakelaman ng trabaho ikaw nga diyan maid todo costume pa oh.’’wika ng saleslady sa maasar na si Sophie ng biglang pumagitna si Garen.

‘’Miss pasencia ka na sa maid ko ah kulang kasi sa training bibilhin ko lahat ng to by the way.’’wika ni Garen sabay tingin kay Sophie na agad iirapan ang lalake.

‘’Sophie bawas bawasan mo yang pagiging suplada mo hindi maganda ang magsalita ng masama sa ibang tao.’’wika ni Garen sa hindi nakikinig na si Sophie.

‘’Ok lang Sir hayaan niyo na siya palibhasa wala siyang breeding at hindi tinuruan ng GMRC ng mga magulang niya.’’wika ng saleslady sa tila nasaktan na si Sophie.

Agad naalala ng dalaga ang mga magulang nito.asan nga ba sila noong kailangan niya ng mga magulang na gagabay habang lumalaki siya noon.Wala siyang naalala na moments na magkasama sila at pinaguusapan ang tamang pakikitungo sa ibang tao.Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam ng lungkot si Sophie na agad mahahalata ni Garen na bigla siyang hihilahin papunta sa section ng mga damit pambabae.

‘’My treat pili ka ng masusuot mo Sophie.’’wika ni Garen sa tila nagulat na si Sophie mapapa linga ito sa paligid na puno ng magagandang damit at maiisip na hindi na siya tulad ng dati.Dati na walang pakundangan kung mag shopping,dati na parang dahon lang sa puno ang pera na pwede niyag gastusin.Mahirap na siya at ngaun ay ililibre ng amo niyang si Garen,titingin ito sa binata na may naluluhang mga mata at sabay iling..iling ng pag tanggi dahil ayaw niyang limusan ng tulad ni Garen.

Itutuloy

MY BRATTY MAIDWhere stories live. Discover now