Chapter 1 - The Rusty Day

11 1 3
                                        

Sa ilalim ng mainit na araw sa maagang buwan ng Mayo, ang pyer ay dinalaw ng pulutong ng tao...

DANIEL: Grabeh, basta ba tuwing bakasyon masyadong marami ang tao dito.

JAMES: as expected, dude. 'cause it's summer. Everyone is going to have some fun just like us.

DANIEL: Ew, dude. Wag masyado grabe ang english mo.

ALDEN: Guys, dun daw tayo sa kabilang barko.

DANIEL: Ha, bakit daw?

ALDEN: Eh, kasi overbooked na daw ang isa.

JAMES: WHAT?! But---

ALDEN: Kasalanan din natin kung bakit ngayon lang tayo kumuha ng ticket.

DANIEL: Eh, kasi naman itong si Enrique laging nagsasabing akong bahala. Una, sabi niya may kakilala siyang may yate we could go for a ride for free pero wala. And now...

JAMES: Brah, you're using english.

DANIEL: Tigilan mo nga ako.

ALDEN: Please, hindi naman natin yun inaasahan na hindi pala matutuloy. Biglaan ang lahat, okay? Besides, nakakuha na rin tayo ng ticket. Let's go na.

JAMES: Eh, wala pa naman yung iba dito.

DANIEL: Yun! Mabagal din kasi.

ALDEN: Malapit na rin daw sila.

BOSES: Guys!

ALDEN: Oy, Enrique.

ENRIQUE: Sorry, ngayon lang kami nakarating. Na- traffic, eh.

PAOLO: Hindi ka kasi gumising rin ng maaga.

ENRIQUE: Sorry ulit.

ALDEN: Okay, since kumpleto na tayo let's go na.

Natagpuan ng magbarkada na ang barkong sasakyan nila ay hindi kasing laki ng isa. Parang yate lang ang laki nito at kaunti lang silang mga pasahero. At higit sa lahat medyo disappointed silang makita na ang itsura nito ay tila kinakalawang na.

ALDEN: Esmeralda.

JAMES: Ha?

ALDEN: Binasa ko lang ang pangalan ng barko.

DANIEL: Magkano ba ang binayad natin dito?

ALDEN: Same price sila sa isa.

DANIEL: Sana nag airplane na lang tayo.

PAOLO: Walang paliparan ng airplane dun.

DANIEL: Eh di helicopter.

PAOLO: Wala na tayong oras at masyadong mahal.

JAMES: Do you guys think we're safe?

ENRIQUE: I'm sure it is safe and we don't have a choice kaysa naman maiiwan pa tayo nuh.

DANIEL: Tara na nga.

Kahit labag sa kalooban ng iba napilitan na lamang silang sumakay. Nakigsiksikan sila sa ibang pasahero sa loob ng maliit ng barko.

DANIEL: (Sa isip) Naman!

JAMES: Brah, dun na lang siguro ako sa may dock.

Pagkasabi ni James, nagkatinginan ang magbarkada saka sabay nag-unahan kung sino ang mauuna sa may dock.

ENRIQUE: Oy, nauna ako.

DANIEL: Dapat nga ako dito,eh.

JAMES: It's my idea, I should be here.

ALDEN: Let's share na lang since andito na tayo lahat.

PAOLO: Masyadong masikip dito. Kahit dito sa labas.

At mayroon na lamang silang narinig na tumutawa sa may likod nila.

Lahat ay lumingon.


MATANDANG LALAKI: Magandang umaga mga hijo.

---: Magandang umaga din sa inyo. (pagkokoro ng mga binata)

MATANDANG LALAKI: Sa tingin niyo ba kaya niyo ang magtagal diyan sa labas?

DANIEL: Eh, ano ho ang ibig mong sabihin, manong?

MATANDANG LALAKI: May mga panahon kasi kapag nasa laot na tayo mahirap ang panindigang magtagal diyan.

JAMES: It's okay if you're worried about the heat of the sun, we don't mind.

ENRIQUE: Okay lang manong. Hahawak lang kami dito. Ng mahigpit.

MATANDANG LALAKI: Suit yourself. (saka ito tumalikod at umalis)

JAMES: There goes his english, brah.

DANIEL: James, pwede ba tanggalin mo yang brah kasi it sounded like nagsusuot tayo ng bra.

JAMES: pina-slang lang yung bro, brah.

DANIEL: Arghh... naiinis na ako diyan, ah!

ENRIQUE: Tumigil nga kayong dalawa diyan. Aandar na yung barko mas mabuti pang humawak na kayo diyan para naman hindi kayo mahulog.

DANIEL: Hindi naman tayo mahuhulog. Mabagal din kaya 'tong barko.

JAMES: Nagsimula na ring uminit lalo.

PAOLO: Good thing nagdala ako ng payong. (inilabas nito ang maliit na payong mula sa bagpack niya at isinuot nito sa ulo)

ALDEN: Mayroon din ako niyan.

ENRIQUE: Oy, ako din nuh.

JAMES: What?! but you never mentioned na mayroon kayong ganyan. It's so unfair!

DANIEL: Mabuti na lang may cap ako.

JAMES: Mayroon din ako but masyado kasing maganda ang mga payong nila. Na-a-attached lang sa mga ulo. Totally solo.

ENRIQUE: Bili na lang kayo dun sa resort na pupuntahan natin, brah. (sabay tawa)

DANIEL: Hindi na ako bibili niyan. Liliparin din yan ng hangin.

JAMES: I'll be.


A NEVER ENDING SUMMERStories to obsess over. Discover now