“Okay, ayaw mo nito. Akin na lang”, sabi ko saka akma ng kakainin ang mga inalok ko sa kanya pero bago pa man makarating ang kutsara sa bibig ko ay naramdaman ko na ang kamay ni Mico na pumipigil sa braso ko para maisubo ko ang pagkain na nasa kutsara ko.

Gotcha! at nagdiwang ang kaloob-looban ko.

“What are you doing?”, angil niya sa akin.

“Starting to eat this foods? Tama naman si Jenica baka masayang lang ang mga ito”, muntik na akong matawa sa sarili ko dahil sa pagiging sweet ko masyado.

Kung naririnig lang sana ako ni Ricky ngayon tiyak na batok ang aabutin ko. I am not the sugar-sweet type girl pero ganado talaga akong mang-inis ngayon.

“You know you can’t eat that”, asik sa akin ni Mico na muntik ko ng ikahalakhak.

“Eh sinong kakain nito?”, painosente kong tanong kay Mico

“Tsssskkkkk”, angil sa akin ni Mico saka kinuha ang plato KO at saka pinagpalit sa plato NIYA . Then he started to eat the foods in my plate using my utensils.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa ginawa ni Mico and happily started eating HIS food with HIS utensils habang sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang parang matataeng mukha ni Jenica.

Siguro hindi niya nakakaya ang intimate moment naming dalawa ni Mico.

Sana nga matae siya para mawala siya dito, jusko naging bitch na nga yata ako masyado but I need to this para once and for all ay malaman ni Mico ang totoong dahilan ng pag-alis ko.

I already make up my mind, I will settle down  back in California and what is only holding me here in the Philippines ay ang kasal nina Kuya at ang katotohanang hindi pa naririnig ni Mico ang side ko.

I am busy enjoying his food and glancing him ng biglang…

BLAG!

Nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Jenica na tumayo ng padarag. I was expecting Mico to have a reaction on what Jenica did pero hindi man lang nito tinapunan ng tingin si Jenica na nagpatuloy lang sa pagkain ng pagkain ko.

“Hmmm Mico”, untag ko sa kanya ng nakaalis na si Jenica but he did not bother glancing at me.

“Can we talk?”, nilunok ko na lahat ng tapang ko para magpatuloy sa pakikipag-usap sa kanya baka this is the right time pero wala pa rin akong nakuhang reaksyon galing sa kanya.

“Look Mico just one time pakinggan mo naman ako”, I know I sounded so desperate but I know I need to do this para matapos na ang lahat.

“Kahit 10 minutes mo lang akong pasalitain Mico okay lang sa akin”, patuloy na sabi ko sa kanya pero hindi pa rin siya umiimik.

“Okay make it eight”

“Six”

Si Introvert at ExtrovertWhere stories live. Discover now