“Kailan ka pa tinubuan ng sense of humor Jenica sa katawan? Manggugulo? Why should I do that? As far as I remember hindi ko yan gawain.”, tumayo na ako bago pa ako makagawa ng eskandalo dahil sa babaeng nasa harapan ko.

“And meron ba akong magugulo at meron bang kayo?”, and with that I turn my back away from her.

I had enough of her at kung ayaw na talaga sa akin ni Mico I’d rather see him with another girl except for Jenica.

I may not be good for Mico dahil sa ginawa kong pag-iwan pero alam ko na Jenica will not be good either for him.

“YOU BITCH!”, sigaw niya sa akin. Papatulan ko pa sana siya pero nahagip ng mata ko si Mico sitting comfortably on the side na parang balewala  ang pagkawala ng kasama nito then a smile formed in my lips.

“BITCH? Seems to be a good idea Jenica.”, nakangiting sabi ko sa kanya.

I’ll show you that Jenica.

 

~~~

“Ahmmm excuse me, can I join you?”, nakangiti kong sabi sa dalawang tao na nabigla ng marinig ang boses ko.

Nakita kong bumaha ang disgusto sa mukha ni Jenica habang si Mico naman ay patuloy sa pagkain kaya lihim akong napangiti.

“I believe that silence means yes so thank you”, magiliw kong sabi sa kanilang dalawa at saka umupo sa upuan sa tabi ni Mico since they are occupying the table for four persons kay libre ang nasa kanan ni Mico.

Muntik na akong mapahalakhak ng makita ko kung paano sumama ang mukha ni Jenica ng iusog ko ang upuan ko sa tabi ni Mico. Habang si Mico ay naramdaman ko na napaigtad sa ginawa ko.

“Mauubos mo yan?”, mataray na sabi ni Jenica na ang tinutukoy ay ang dala kong mga pagkain. Well may rason naman talaga siyang magtanong dahil pang dalawahang tao nga naman ang kinuha kong pagkain.

“Same as before huh Jenica, you still keep on minding on my food”, patuyang sabi ko sa kanya ng maalala ko ang insedenteng naki-table silang dalawa sa akin sa isang kainan sa isang mall.

“Concern lang ako baka maaksaya mo lang yan”, nakataas ang kilay na sabi niya sa akin.

“Ahhh thank you for concern Jenica pero I’m sure hindi ito maaksaya dahil I will share this with Mico”, pasweet na sabi ko kay Jenica.

“Want this?”, alok ko sa kanina pang tahimik na si Mico. Naglalaway ako sa inaalok ko kay Mico pero hindi ako pwedeng kumain nito. Hindi kasi ako nakaligtas kay Mr. Allergy sa mga seafoods.

Pero sinamaan lang ako ng tingin ni Mico na ikinangiti ni Jenica. She thought she won? Nagsisimula palang ako.

“What about this?”, alok ko naman sa isa pang sea food dish pero katulad ng kanina ay sinamaan lang nya ako ng tingin.

Si Introvert at ExtrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon