TNT 1: Ang Tala

5.8K 292 21
                                    

TALA

"AND THE WINNER FOR best actress 2013 is..." Sobrang kabado akong nakayuko at nanalangin. "Tala Ligaya for Aswang sa kandungan!"

Ang lapad ng ngiti ko nang marinig ko ang aking pangalan. Lahat na ay nagpapalakpakan at nagcongratulate ang mga katabi kong artista sa akin.

I deserved this award. I worked hard to get this award!

Tatayo na sana ako ng biglang may multong umupo sa aking kandungan!

"Aaahhhh!" Pabalikwas akong nagising. Gulat na gulat ako.

"Tala! Tala! Gumising ka na riyan!" Nariyan na naman pala ang aking alarm clock. Ang aking tiyahin.

"Gising na po ako. Sandali." Bumangon ako at pinagbuksan ito ng pinto.

"Naku, bata ka! Ang dungis mo! Mukha ka ng aswang!" As usual, hindi na naman ako nakatulog kagabi. Binisita na naman kasi ako ng mga multo. "Hala't umayos ka na dyan. Kumain ka na ng agahan tapos ituloy mo ng linisin yung hindi mo natapos kahapon. Mabuti na nga lang at hindi pa lumipat yung bagong boarder!"

"Pero Tiya---" sasabihin ko pa sanang may multo doon pero--

"Magmadali ka na, Tala. Wag ka na namang magsasalita ng walang kwentang bagay. Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na walang multo dine. Umayos ka. Hala, sige na!" Tsaka ito umalis.

Ilang beses ko na ding sinabi kay Tiya na nakakakita nga ako ng multo pero hindi ito naniniwala.

Kagaya ng karamihan, ang tingin nya sa akin ay nababaliw na din. Hindi nya lang ako kayang i-let go kasi pamangkin nya pa din ako. Kapatid ni Tiya Ling ang nanay kong pumanaw noong pinanganak nya ako. Ang tatay ko naman ay namatay na din bago pa ako ipanganak. Kaya sila na ang naging pamilya ko.

Hindi naniniwala si Tiya na may multo sa boarding house kasi hindi naman nagpapakita yung multo sa kahit na sino kundi sa akin lang. Oo, may naririnig silang mga kalabog pero hindi sapat para maniwala silang multo yun. Minsan nga pinagbibintangan pa akong ako daw ang nananakot.

Tinapos ko na ang pagdadrama at naghilamos muna bago bumaba ulit at maglinis sa kwartong iyon.

Sa awa ng Diyos ay natapos ko ding linisin ang kwartong pinagbabahayan ng masungit na multo. Pinahirapan na naman nya ako pero wala akong nagawa dahil malilintikan ako sa aking tiyahin kung hindi ko susundin ang pinag-uutos nya. Nagkunwari akong hindi ko sya nakikita kahit halatang nanginginig ang buong katawan ko. At mabuti na lamang puro salita lang ito at hindi ako ginalaw. Nananakot lang talaga sya.

Parang lasing na umakyat ako sa aking kwarto sa rooftop. Ang katawan ko'y pagod na pagod na sa mga multong wala ng ginawa kundi takutin ako. Ayaw ko silang makita ngunit hindi ko naman kayang hindi sila makita. Bukas na bukas ang aking 3rd eye. So far naman hindi nila ako sinasaktan physically, I mean yung mga multong nakikita ko. Nananakot lang talaga.

Napabuntong hininga akong napaupo sa aking kama ng mahagip ng aking mga mata ang isang poster na naroon.

Isang maganda at sobrang sayang dilag. May hawak ng volleyball ball na kanyang iniendorso. Nagniningning ang kanyang mga mata at halatang masaya ito sa ginagawa. Bumuntong hininga ulit ako ng makita sa baba ang lagdang naroon.

Tala Ligaya. Basa ng aking isipan sa lagda at pasalamapak na nahiga. Pinahid ang butil ng luha na tumulo mula sa aking mga mata.

Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakaraan ng mawala sa akin ang lahat ng aking pinaghirapan. Tatlong taon na din akong ganito. Nakakakita ng multo.

Isa ako sa mga pinakamagaling na artista tatlong taon na nakakaraan. Labing walong taon lang ako noon at nasungkit ko na ang mga best actress awards sa industriya. Masasabi kong nasa akin na ang lahat kahit pa nga wala na akong pamilya.

Tagapagtanggol Ng Tala (GirlxGirl)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora