SURING BASA: CUPID AT PSYCHE

6.6K 14 4
                                    

Her Point of Views

how she see things

Sunday, January 3, 2016

SURING BASA: Cupid at Psyche

Ang CUPID AT PYSCHE ay isang tanyag na klasikong mitolohiya; mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Nagmula sa panitikan ng Roma sa Italya ang akdang ito na isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis noong ika-2 siglo upang ipahiwatig sa mambabasa ang kanyang nais o reaksyon sa isang pangyayari. Ang layunin ng akda ay upang imulat ang mga mata ng mga mambabasa kung ano nga ba ang tunay at tapat na pag-ibig.

Kaakibat ng pagmamahal ang tiwala at katapatan. Ang akda ay umiikot sa ideya ng “pag-ibig” at “kaluluwa” na kinakatawan ng mga pangunahing tauhan na sina Cupid at Pysche. Sinisimbolo nito ang pagmamahalan sa kabila ng mga pagdadaanan at pinagdaanan. Maaari mang hindi makaotohanan ang ibang pangyayari sa akda ay ito pari’y nagsasalamin sa ideya ng pag-big na tumutugon sa sensibilidan ng mambabasa.

Kilalanin natin ang mga karakter sa likod ng akdang ito;

1.    Pysche      – pinakamagandang mortal, asawa ni Cupid

2.    Cupid         --  anak ni Venus, inakalang halimaw ni Pysche

3.    Venus        --  pinakamagandang diyosa, galit sa mortal na si Pysche

4.    Hari           --  ama ni Pysche

5.    Apollo        --  ang diyos na nagbigay ng orakulo patungkol sa mapapangasawa                           ni Psyche

6.    2 Kapatid na babae ni Psyche  --  nakakatandang kapatid ni Pysche; inutos nila na 
                                                      tingnan ni Pysche ang kanyang asawa

7.    Zephyr       --  ang hangin na nagsilbing taga-hatid

8.    Mercury    --  ang nagdala kay Psyche sa kaharian

9.    Jupiter       --  ang diyoss ng lahat ng diyos

10.  Proserpine – asawa ni Hades; reyna ng hari ng lupa

11.  Asong may tatlong Ulo – ang bantay sa Kaharian ni Proserpine

12.  Charon      --  ang taga hatid sa kaharian ni Proserpine

Ang tagpuan at panahon ng akda ay naka ayon sa paniniwala nila sa pagsamba sa kanilang mga diyos at diyosa na nagbigay sa panunuring pampanitikan ng mga taga Roma. Ang mga pangayayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda, tulad ng aking nabanggit, kahit ang mga aksyon sa akda ay di-kaanipaniwala dulot ng mga supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan ay ito pari’y nagsilbing simbolo sa isang makaotohanang idea ng pagmamahal, kung kaya’t ang mga pagkapit ng mga pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.Nakapaloob din ang mensaheng pagkakaroon ng tiwala at katapatan sa iyong kabiyak kung kaya’t maraming matututuhang aral sa kwentong mito na ito.Kakabit ng pagsulat ng akdang ito ang iba’t ibang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian at maging ang kulturang nagingibabaw at nakakaimpluwensyang pananaw sa ibang tao at maging sa bansa.

Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Lubos na nakatulong din ang estilo ng pagkasulat ng akda dahil ito ay nagbigay diin sa angkop na pagpili ng mga gagamiting salita na nakapagdagdag kagandahan sa daloy ng kwentong mito. Angkop din sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa ang pagkabuo ng akda dahil ang temang nilalaman nito ay pang-unibersal na kaisipan; pag-ibig, na kung saan lalo pang pinaganda ang sining na taglay ng akda na umayon sa panlasa ng mamababasa.

FILIPINO 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon