Pillow's Pov
“Ma mamaya baka matagalan akong umuwi sa bahay may overtime kami sa trabaho at saka kung wala ka pong pera punta lng po kayo sa kwarto ko may 2 dalawang libo po sa may kabinet ma,” hay bakit ba kasi kami pina overtime ng boss namin.
“Okay lng anak sige ingat ka sa pag-uwi.” pinatay ko agad naman ang tawag pagkatapos ng pagpaalam ni mama ko. Eh kasi naman ang boss ko parang baliw nagsisigaw sa loob ng opisina niya.
“Hoy Kristine anong nangyari bakit sumisigaw si boss ? ”tanong ko sa secretary ni boss na si Kristine na napadaan siya sa table ko.
“Ha? Ewan ko pagpasok ko lng naman sa opisina niya busy lng sa paper works at may pinautos lng naman siya sa akin na ipagbibili ko daw siya ng pagkain.” yun lng ang sinabi niya at saka kumiripas ng takbo.
Eh alam niyo naman ng boss ko madaling mainipin at saka sobrang istrikto at mysteryoso. Baka pagalitan si Kristine kaya kumiripas ng takbo.
Bakit kamo mysteryoso ang aming boss ? Eh sino ba namang boss na mag fe face mask na parang bang may sakit o may iniiwasan lng siyang sakit. Ang Oa naman diba. Tss. Pa mysterious pa ang peg.
“Hoy Penelope BINGI ! Tinawag ka ni boss asan na daw yung pinapagawa niya sayo.” Ay tama nakalimutan ko ngayong araw ko pala ibibigay kay boss ang pinapagawa niya sa akin.
“Bwesit ka talaga Khem diba sabi ko wag mo na akong tawaging Penelope dapat PILLOW ! Alam mo naman diba na ayoko doon sa pangalan ko parang pang madre ang pangalan ?!” bwesit itong si Khem kahit kailan ilang beses ko na siyang pinagsabihan na itama ang pag tawag ng pangalan ko na dapat Pillow na itawag niya sa akin palagi.
Makapunta nlng kay BOSS MYS. short for my mysterious Boss.
Hoo! Relax Pillow hindi ka niya sasaktan at sisigawan be confident kagaya ni Pia. yung famous line ya na Confident beautiful with the heart ? Tama ba ako hahaha narinig ko lng kasi yan sa youtube.
Maging confident ka kay boss Pillow mag pakitang gilas ka sa kanya sa paggawa mo na pinatrabaho sa akin na dapat tama na siya pinili ka niyang empleyado.
Inhale .....Exhale ...! Ito na kakatok na sana ko para iparating kay boss na papasok na ako pero inunahan na niya agad ako pagbukas ng pinto.
Patay ! Ang tagal mo kasing buksan. Tignan mo parang kakain na si boss ng tao.
“You ! Ms. Watt why are you so stupid ? Kanina pa ako naghihintay sayo ? Nagsasayang ka ng oras,” bwesit ka talaga pillow tignan mo sinigawan ka agad niya eh wala ka pang ginawa. BObO talaga ako siguro noh?
“Tss. Magtinunganga ka lng diyan pasok.!” pumasok naman agad ako baka katayin ako nito patay tayo diyan .
Pagpasok ko bumungad sa akin ang napakalinis na opisina na para bang hindi ka pwede sa opisina dahil pangmamayan lng pwede at wala ka talagang makita kahit isang dumi sa palibot. Infairness ni Sir ha ang galing niya mag linis.
“Hey Ms. Watt Tumayo ka lng ba diyan kung gusto mo tumayo ka lng at huwag ka ng umupo,” ay! Kanina pala ako nakatayo hindi ko alam niyon ahh.
“Hehehehe si boss talaga di ma biro,” dali dali naman ako umupo sa umupuan sa harap ng lamesa ng boss ko.
Ang ganda talaga ng opisina ni boss balang araw kapag natapos na ang pinapagawa kong bahay magpapatulong ako kay boss sa pagdesinyo ng bahay ko. Ang galing kaya pagkadesinyo ng opisina niya Black and White ang theme.
“F*ck Ms. Watt Are you deaf ? Kanina ka pa nakatulala diyan ! ” patay ikaw kasi Pillow tignan mo hindi lng sigaw ang narating mo kay boss nag cuss pa siya sayo. Huhu pano ang future ko nito baka pa i fired na ako ni boss.
“Sorry po boss. Ito pala ang pinagawa niyo po sa akin pinaghirapan ko po niyan boss hindi nga po ako kumain ng agahan ,tanghalian at saka ngayong hapunan boss nag biscuit at kape lng po ang kinain ko po baka kasi hindi maganda ang kalabasan ng ginawa ko po baka ipa fired niyo po kasi pangit ang ginawa ko at baka sa kalsada na ako pupulutin o baka ma rape po ako at wala na akong future ma bibigay sa aking magiging anak dahil pulubi na po ako.”
“F*©k anong pinagsasabi mo ? Hindi naman ako nagtatanong syo tungkol sa buhay mo pinapakita ko lang naman ang kamay ko para makuha na ang folder sayo.” gaga ka talaga Pillow pang dalawang cuss na niyan sayo.
“Yun pala yun sir hehehe sorry po”. Pahiya ka talaga Pillow. Binigay ko naman agad sa kanya ang folder.
“Tss. You may go out now ok na itong pinapagawa ko sayo.” thanks god ! Luv kita.
Palabas na sana ako sa pintoan ng marinig ko si Boss na “ I like her but............. She's stupid.”
Yun na yun ehh bakit pa dinagdagan bwesit yan ni si Boss gwapo naman sana kahit mata lng ang makikita ko at kilay sa mukha niya. Hmmp. May pa like pa like pa bwesit doon ka nga sa facebook mag like.
“O Penelope bakit binagsakan ka ng langit at lupa hindi ba tinanggap ni boss ang gawa mo,” bwesit din itong si Elly ha tinagdagan pa ang ka bwesit ko kay boss tapos dadagdag pa siya.
“OHH EMM GEE PENELOPE best gi fired ka ba ni Bosss ? Kawawa ka naman ok lng kapag nangaingailangan ka ng pera mangutang ka lng ka sa akin marami naman akong pera hahaha .” Bwesit talaga itong gagang bestfriend ko na Elly anong akala niya mayaman siya eh pariha lng kaya kami anak ng putik.
“Anong pinagsasabi mo Elly anong gi fired anong gusto mo suntok ganito lng ang mukha kong ito na nakabunsangot gi fired na kaagad pwede lng ba na natatae lng ako. ”
“Ganyan ka ba expression na natatae hahaha wag mo akong lulukuhin Penelope,” hmmp. Nandito naman tayo sa Pangalan ko.
“Bwesit ka talaga Elly sabi ko PILL-” naputol nalang bigla ang sasabihin ko kasi nandito sa harap ko ang secretary ni boss si Kristine.
“Ahmm ..kristine may kailangan ka ?” tanong sa gaga kong bestf.
“Oo may ibibigay lng ako kay Pillow itong pagkain binigay ni boss sa kanya,” umalis naman agad si Kristine pagkatapos niyang inilapag ang nakabalot na cellophane na may tatak Jollibee sa table ko. Haha mahilig palang kumain ni Boss sa Jollibee.
Pero teka bakit naman niya akong bibigyan ng pagkain eh wala naman akong sinabi sa kanya na ipabibili niya ako ng pagkain. Ay tama stupid mo talaga Pillow baka naawa lng si boss sayo kasi hindi ako kumain hahaha. May kabaitan pala si boss.ehh.
Mamaya pagkatapos kong kumain pupunta ako sa opisina niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
Next chapter CAT^-^
YOU ARE READING
The Mysterious Cat
RomanceAkala ko pusa lng siya pero bakit ganon naging isang Tao siya ?
