Chapter 12 Wretched

Start from the beginning
                                    

"Akala ko kanina pa kayo umuwi?"

"Bakit ka ba nangingialam ng schedule?" kaswal na tanong niya.

"Hindi naman ako nangingialam, ah! Nagtatanong lang ako. Hindi ba pwedeng curious lang?"

"You know what, you're too loud," aniya. He even yawned in front of me, like I'm making him all bored. Tss. Is this guy familiar with manners?

I grinned evilly. "And you know what? You have this annoying habit called breathing." I told him with much boldness.

Ngumisi siya. "I'd like to annoy you through living awesomely then. Piss be with and may never leave you," he said while grinning.

"Nakakairita ka ah!" Hinampas ko ang kaniyang balikat.

"Bakit ka ba nananakit?!"

"Nakakaasar ka kasi, eh. Para kang bading, bakit mo ba ako inaaway?!" I ranted.

"Ikaw naman para kang lalaki, ang lakas mong manghampas," reklamo niya habang hinihimas ang kaniyang balikat. Para iyon lang, kung mag-inarte naman siya daig pa niya ang babae.

"Ikaw kasi, eh. Please be good to me, okay? Makakasama kita ng matagal. Utang na loob, Cyrus. Don't make my life miserable."

"I can't promise that."

"Just avoid hitting a nerve, will you?"

"If I miss, then, good for you. If I don't, then, need I to apologize in advance?" He asked casually.

I buried my face on my palm. He's way too annoying. Really. Really! Nakakairita na siya talaga. Good heavens, what kind of tough luck is this?

"Anyway," he supplied. "Gusto mo bang manuod ng concert?" tanong niya sa akin.

"Huh?"

"Bingi," iritableng sagot niya.

"Hindi ko kasi narinig, eh. Paulit naman."

"Sabi ko kung gusto mo bang manuod ng concert sa TS? May tickets kasi ako, eh."

"May sakit ka ba?!" Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon. "Bakit mo ako yinayaya? May plano ka bang patayin ako along the way? Tell me . . . is this a trap? Human trafficking ba iyan?!" dire-diretso kong tanong.

He laughed. "Crazy," aniya.

He's even laughing. Bipolar talaga. Minsan masungit, minsan nakatawa. Nakakaasar kasama ang isang 'to, baka masiraan ako ng ulo. And imagine, I'll be with him until we finish the prod. Hi, torture, see you real soon. Tss.

"Seryoso kasi ako."

"I know. And I am, too. Hindi ba sinabi ni Ma'am Iza kailangan daw magbuild tayo ng relationship sa isa't isa. Not that I wanted to, I'm just forced," he stated a matter-of-factly.

I grimaced. "Oo na. Napakadefensive mo naman. Kung makapagsalita ka diyan parang sukang-suka ka na makasama ako ah!" hayag ko.

"Medyo." He laughed again.

"Bipolar," I murmured.

"What?" masungit na asik niya.

"Wala, wala." I shook my head. "Aalis na nga ako." I walked past by him but he pulled my hand.

"Bastos ka ba o ano?" inis na hayag niya. "Tinatanong kita tapos tatalikuran mo lang ako?"

"Bakit ka ba nagagalit diyan?" reklamo ko.

"Kasi ikaw, eh!" inis na sambit niya. "Sasama ka ba o hindi?"

"Wow. Iba na pala ngayon, ako naman ang yinayaya mo."

Have You Seen This GirlWhere stories live. Discover now