Chapter 14: The Bow and Arrow

Magsimula sa umpisa
                                    

Ariela's POV

"Did you now what the nurse told me?"

Pumasok si Snow sa kwarto at umupo sa tabi ng kama ko. Katatapos lang ginamot ng nurse ang mga sugat ko na ngayon ay unti unti ng nagf-fade.

"She didn't know how you did it pero napakadelikado ng ginawa mo, Ariela."

She held emphasis in every word para siguradong tatatak sa akin ang sinabi niya. But I find myself tuning out of Snow. Napatingin ako sa labas kung saan madilim na. Anong oras na kaya?

"Hindi mo dapat pinatatagal ang mga injuries mo ng ganito. Maari kang maparalyzed. Did you even know that?"

I shake my head. "No." I answer honestly.

"Kaya naman pala. Over use of Charms during trainings is prohibited. Hindi mo na uulitin ang ginawa mo, Ariela."

She pauses and gave me a calculated glare. "Unless you want me to disclose it with Sir Chase. Yun lamang ang natitirang paraan na alam ko para tumigil ka."

"You sounded like I'm a criminal." natatawang sabi ko.

Napangiti na din siya. The tension in the air is too much to handle. Alam naming pareho na hindi kami sanay dito.

"What you're doing is a crime here." She looks at me thoughfuly for a second. "Hindi lahat nakakaya ang ginagawa mo, Ariela. You are lucky. But you are slowly killing yourself."

Umalis si Snow sa clinic para bumalik sa dorm at kumuha ng ilang gamit. Kahit sa palagay ko ay maayos na ako, hindi parin ako hinayaang makaalis ng nurse. Sa clinic ko kailangang magpalipas ng gabi.

It was I think nearly eleven o'clock in the evening nang may marinig akong ingay mula sa bintana ng kwarto kung saan ako nagpapahinga. I'm in the verse of falling asleep then pero bigla akong nagising dahil sa ingay. Pagtingin ko sa bintana, nakabukas na ito. Pumasok kasabay ng malamig na hangin si Jett.

"Crap! Jett! You scared the life out of me!" halos masapo ko ang dibdib ko sa gulat. Ano ba yan! Bakit ba bigla bigla nalang siyang sumusulpot kung saan!

"Tss. OA." kinuha niya ang upuan na nasa tapat ng bed ko at umupo patalikod doon. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama. Ano bang ginagawa niya dito?

"Ok ka na?" bigla niyang tanong sa akin. Nakarest ang chin niya sa sandalan ng upuan at nakatitig sa akin. M-may mali nanaman ba sa itsura ko? Bakit ba ganyan siya makatingin?

I silently nodded. Kung akala niya nakalimutan ko na ang mga sinabi niya ilang oras na ang nakakalipas, nagkakamali siya. Maraming tanong parin ang gumugulo sa isip ko. Pero hindi ko siya magawang tanungin ngayon.

"Good." linibot niya ang tingin sa kwarto. He scoffed in disapproval.

"Ano ba ang ginawa mo noong wala ako at dito ka napunta?" tanong niya. Hindi ko alam kung talagang interesado ba siyang malaman ang dahilan o talagang wala lang siyang magawa.

"Sinabi ko na, di ba? Nagt-training akong mag isa." Tsk! Akala ko ba matalino siya. Paulit ulit ko nalang bang sasabihin.

He shakes his head lightly. I can't help but to stare at him and his gorgeous presence. He looks really hot just by doing that. Wait, what?

"Hindi lang dahil sa training ang mga injury mo. Simpleng mga sugat lang yan na kayang gumaling mag isa. Masyado mong inabuso ang sarili mo."

Ok, so now he's talking to me. Parang kanina lang halos galit siya sa akin. Iniiwasan niya pa nga ako hindi ba? Bipolar ba siya?

"Wala naman akong ginagawang masama," natigilan ako ng tumaas ang isang kilay niya. "Maliban nalang siguro sa training." mahina kong dugtong.

"At pagalam sa sekreto ng Academy." dugtong niya para sa akin.

Natigilan ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol doon. Napatingin nalang ako sa mga palad ko.

"Masama bang malaman ko? Darating ang araw malalaman ko din naman ang tungkol doon."

"Na kung pwede lang hindi na mangyari."

Napalingon ako sa kanya. "May sinabi ka?"

"Tss. Wala." Tumayo siya at napabuntong hininga. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Para siyang bata.

"Paglabas mo dito magsisimula na tayong mag training."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi nga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Malay mo naman kasi nagj-joke lang siya.

Palabas na siya nang kwarto nang lumingon siya sa akin. Take note, kung saan siya nangaling doon din niya planong lumabas. Seriously? Ang luwang kaya ng pintuan.

"Ayaw mo?" tanong niya.

I shake my head quickly. "No! Hindi sa ganun! Pero bakit? Akala ko ba wala ka ng balak—"

"Magt-training ka parin kahit hindi kita turuan. Ganyan katigas ang ulo mo. Mabuti ng nababantayan kita."

Humawak siya sa upper railings ng bintana bago nag-swing palabas. Eksakto namang kumatok sa pinto ang nurse na nagtatanong kung gising pa ba ako. Mabilis kung sinara ang bintana. Nagtakip ako ng kumot at nagkunwaring nagpapahinga na.

A small smile crept into my face. But slowly it vanishes into a confused and worried expression. Ano ba itong nararamdaman ko pagdating kay Jett? Maging ako naguguluhan na.





Three Days Later:

"Bow and arrow."

"What?"

"Kailangan ko pa bang ulitin? Bow and arrow. Palaso at pana."

So, ito nanaman kami sa walang kwenta naming pag uusap. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, alam ko ang isang pana kapag nakita ko. Ang gusto ko lang malaman anong kinalaman nun sa training ko.

"Jett, wala tayo sa isang survival activity." nakacross arms na sabi ko sa kanya habang naka-lean naman siya sa pader at kausap ako.

Bow and arrow. Sa survival activity lang pwedeng gamitin ang mga weapons na yun. Maliban doon ay hindi na ito pwedeng hawakan ng kung sino sino. I admit I feel in love with the weapons the moment I touched and used them. Hindi ako magaling sa survival pero bigyan mo ako ng pana at palaso makakaligtas ako.

"Hindi ba magaling ka doon?" tanong ni Jett. Nakikita niya pala ang mga ginagawa ko kapag may activity.

"Hindi naman magaling. Marunong lang gumamit." naalala ko ang unang beses na humawak ako ng pana at palaso. The memory is hazy but I remember who hand me the weapons. My father.

"Tss. Ang gusto ko gamitin mo ang alam mo sa pana at palaso at i-relate mo sa charm."

"Paano ko gagawin yun?"

Umalis siya mula sa pagkaka-lean sa pader at lumapit sa akin. Nang ilang metro nalang siya sa akin huminto siya. He put his hands in his pockets and leans in just inches from my bare face.

"I want you to make a bow and arrow out of your charm."

***

Charm Academy School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon