Lahat may Dahilan

60 4 0
                                    

Naniniwala ka ba na everything happens for a reason? Na kaya nangyayari ang mga bagay bagay sa'tin dahil yun talaga ang nakatakda? Dahil yun talaga ang dapat mangyari?

Ako kasi Oo. Naniniwala ako na lahat ng bagay may dahilan. Na magkakaroon ng kasagutan yung mga tanong mo na,

"Bakit iniwan niya ko?"

"Bakit hindi niya ko magawang mahalin?"

"Bakit hindi pwede?"

At marami pang bakit na tanong sa sarili mo. Maaaring sa ngayon hindi mo pa alam ang dahilan pero naniniwala ako na dadating ka sa punto ng buhay mo na masasabi mo sa sarili mo,

"Ah, kaya pala niya ko iniwan kasi mayroong dadating na iba yung mas worth it sa pagmamahal na binibigay ko."

"Ah, kaya pala hindi niya ko magawang mahalin dahil may iba palang taong magmamahal sa'kin. Yung hindi ko kailangan mamalimos, ibibigay niya pa ng buo."

"Ah, kaya pala hindi pwede kasi yung taong pilit kong ipinagsisiksikan sa puso ko mayroon na pa lang ibang tao na nakalaan para sa pwesto na yun. Yung hindi ko kailangang ipilit."

Siguro ngayon masakit pa. Pakiramdam mo wala ng dadating na iba. Na sya lang talaga at di mo na kayang mabuhay kung wala sya. Okay lang yan lahat tayo dumaan at dadaan dyan. Lahat tayo naging at magiging tanga sa pag-ibig. Ang mahalaga pagtapos nating maging tanga natuto tayo. 

Masakit pa? Sige lang iiyak mo lang lahat. Lilipas din yan. Yung sakit mawawala din. Yung sugat hihilom din. It will just take time pero dadating din yan. At kapag okay ka na. Kapag handa ka na. Buksan mo muli yung puso mo dahil ipapakita Niya sayo yung sagot sa mga tanong mo. Ibibigay Niya sayo yung dahilan.

Ibibigay Niya sayo yung taong magiging dahilan bakit hindi pwedeng maging tama ang mali at kung bakit kahit kailan ang mali ay hindi magiging tama.

Sabi nga ni Popoy,

"Baka kaya tayo iniwan ng taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas okay, na mas mamahalin tayo, yung taong hindi tayo sasaktan at papaasahin, yung nag-iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin...ng lahat ng mali sa buhay mo."

Kaya kapit ka lang parating na siya, malay mo dumating na nga eh. Naghahanap lang ng tamang timing kaya antay lang. ☺☺

******

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Random Thoughts ?Where stories live. Discover now