Summer of 2009
chapter one
"HANNAH, ang bilis mo naman makarating dito," 'yan ang kauna-unahang bati ko sa kaibigan. Actually, plano naming magkita dito sa Star Plaza Mall upang mamasyal. Obviously. Medyo matagal tagal rin kaming 'di nagkita e.
"Ano ka ba, Ashlee, 'di mo man lang naisip na excited na excited akong makipagkita tayo muli," tuwa na pagkasabi niya. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit. "Sayang nga pala na nakalimutan ko ang pasalubong mo galing Vancouver. Nagmamadali kasi kami makauwi dito sa Pilipinas."
Si Hannah Olivar ay two years na tumira doon sa Vancouver, Canada. Pareho kasing nagtatrabaho ang mga magulang niya sa medical field kaya gano'n. Araw at gabi halos kagawian na namin magtawag sa telepono o mag-text sa isa't isa.
"Ano ka ba, Han, parang 'yun lang. Librehan mo na lang ako. Mas mabuti pa."
Nagsimula na kaming maglakad. Pansin ko na lalong dumarami ang mga tao dito sa Star Plaza Mall. Ano kaya ang meron sa mall na ito na pinagkakaguluhan ng mga tao? Artista kaya? Ewan ko ba. Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ni Hannah sa akin nang marating na namin ang escalator na pababa ng mall.
"Anong gusto mong pagkain?" Tanong niya sa'kin at inalis ang braso niya sa pagkaka-akbay sa akin.
"French fries, puwede?" Tanong ko sa kanya. "'Yung cheese-flavored. Naalala mo pa ba 'yung time na nagalit ako sa'yo na mali ang flavor ng french fries na binili mo para sa akin?"
Naalala niya nga judging by the look on her face. "Ay, oo nga pala. Ang OA mo noon. Grabe."
"Wow, ha." I nudged her at the side. "Kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka."
"See? You're being OA right now," tuwang tuwa niyang komento sa akin.
"Ewan ko ba kung ba't kita naging friend in the first place."
At huminto kami sa Potato Corner malapit lang sa may Starbucks na store. Si Hannah na ang um-order para sa akin at nagbayad. Duh. 'Yan naman talaga ang point ng panlilibre e.
Habang naghihintay kami na maluto ang french fries ay umupo kami sa mga bakanteng upuan, at busy sa kanyang cellphone si Hannah. Ewan ko ba d'yan. Siguro hindi 'yan mabubuhay kung wala ang cellphone niya. Hinayaan ko na lang siya. Expectation ko naman na magkuwento lang kami ng magkuwento. Hindi ko na halos mapansin na may kaunting pagbabago sa kagawian ni Hannah. 'Di ko akalain na may side pala siyang tahimik lang at busy sa pagga-gadget, puro kasi siyang daldal noon. Sobra. As in. After a few minutes, tinigilan niya na ang pagga-gadget.
Tinawag na 'yung pangalan ni Hannah at inabot ng babae sa kanya ang french fries na nakapaloob sa isang paper bag at may free pang binigay sa kanya na iced tea na large. Wow. Tinanggal ko 'yung french fries sa loob ng paper bag at tinapon ko na yung paper bag. Umalis na kami doon at nagsimula na magtingin tingin ng mga mamahaling damit sa mga stores na nakapaligid sa'min. Sandali lang naman kami kasi madali lang kami masawa ni Hannah sa paglilibot. Wala kaming nabili dahil tight ang budget ngayon.
Umabot na sa punto nang makalabas na kami ng mall. Hindi ko pa naubos ang french fries at free iced tea kong dala dahil mahina talaga ako magkain. Promise.
Pupunta na sana kami ni Hannah sa may inaantayan ng taxi nang biglang may bumunggo sa akin. Oh, crap. Napatingala ako at may lalaking napakatangkad na may kasungitan na makikita sa kanyang mukha. Nagulat naman si Hannah nang mangyari 'yun. Sama niyang tao dahil pinipigilan niya lang 'yung tawa niya.
Ang french fries ko natapon pati yung iced tea ko natapon rin sa aking t-shirt na suot. Nanghihinayang ako ng sobra.
Nilagpasan lang ako ng lalaki na bumunggo sa akin. Gusto sana ni Hannah na sigawan siya, pero biglang napaos 'yung boses niya. 'Di man lang nagpaumanhin! Nakakainis, oo.
Buti na lang at may dala akong tissue sa aking bag at pinunasan ang nabasa kong damit. Hinayang pa rin ako dahil nasayang lang 'yung french fries ko. Gusto ko sana magmura at habulin ang lalaki para lang sapakin dahil sa nagawa niya sa'kin. Pero, too late na ako. A flash of guilt surfaces itself on Hannah's face nang magtama ang aming paningin.
"May extra t-shirt ka pa ba?" Tanong niya.
"Wala e. 'Yung lalaki na 'yun walang hiya! Wala man lang akong sorry na narinig sa kanya."
"Kaya nga e. Uwi na lang tayo para makapagpalit ka. Kawawa ka naman, Ashlee."
"Ako na lang pumara ng taxi."
"Hindi, ako na," agaw na pagkasabi ni Hannah habang tinitingnan pa rin ang makalat na french fries sa harapan ko. "Ayoko na maabala ka pa."
"Han, sorry ha?" Ngayon ako naman ang nagui-guilty.
"Ano ka ba, Ash. Parang pagkain lang ang nasayang."
"Pero kahit na," sabi ko nang may huminto na taxi na magpapasakay sa aming dalawa. Ako ang naunang pumasok bago siya. "Sayang lang 'yung pera na ginastos mo para sa akin."
"Ash, 'wag mo nang aalahanin 'yun. Ano ka ba. Dapat nga 'yung lalaki na nakabunggo sa'yo ang dapat magbayad sa akin e."
"'Yung walang hiya na 'yun? Sana nga masunog siya sa impyerno."
Napansin ko na lang na tumitig ang taxi driver sa kanyang salamin na makakita sa'min na nakaupo sa likod. Parang gusto niyang matawa sa sinabi ko.
"Wow, grabe ka naman. Siguro hindi niya 'yun sinadya, Ash. Alam mo naman ang mga ganyan."
"Hindi sinadya?" Napataas ang aking kilay sa pagkagulat. "Hoy Hannah, sinadya niya 'yun. Matangkad at guwapo nga, pero ang sungit naman kung makatitig. Walang hiya pa!"
"Tama na, bes," sabi niya habang hinihimas 'yung likod ko, akmang patahanin ang naiinit kong ulo dahil sa lalaki na 'yun. At aba, may 'bes' pang tawagan na nalalaman si Hannah a.
Huminto kami sa pag-uusap dahil nararamdaman ni Hannah na hindi maganda ang mood ko ngayon. Hays! 'Yung lalaki kasi e. May pabunggo bunggo pang nalalaman. Ano 'yun? Galawang hokage? Uso na pala ngayon ang 'pabunggo effect' na 'yan sa ngayon?
Ewan ko ba. Wala naman ako masyadong pakialam sa mga ganyan, just so you know. Continuous ang driving ni manong taxi driver at pinababa na si Hannah sa kanilang bahay. Mayaman kasi sila kaya nagawa pa ng pamilya niya na-iparenovate ang bahay nila dito sa Pilipinas.
Ako naman ang sunod na pinababa ng taxi driver. Binigay sa'kin ni Hannah ang ipamasahe ko kay manong taxi driver. O, ang yaman niya no?
Inggit pa more! Lol.
Hays nako! Kaunting panahon na lang ang natitira sa summer vacation na ito. Ang bilis naman. Hays! Babalik na naman kami ni Hannah sa school. Actually, maaga siya nagpa-enroll kaya gano'n.
Meron bang remote control sa pagbabagal ng oras? Charot naman kung meron.
###
Sorry for the short chapter.
-the author
