Prologue

4 0 0
                                        

"You're uncle's dead." bungad sakin ng isang lalake na orange ang buhok. Sa pagkakaalam ko ay mga kaibigan ni Uncle.

"Huh?" wala sa sarili kong tanong.Masyado akong lutang dahil sa nangyari kanina.But this? hindi naman ata pwedeng gamitin nila ang uncle sa kalokohan nila.

"We are very sorry for your lost.Kahit kami ay nasasaktan,he's our friend pero kapatid na din ang turingan namin sa isa't isa." sabi naman nung lalakeng puti ang buhok.

"Hindi..hindi ako naniniwala sa inyo." naiiyak na sabi ko. He's my favorite uncle.Marami akong uncle but he's the nicest and wisest and funniest.He's not like he's brother,Uncle Gerald, he is just grumpy and annoying and he hates me for some reason.

"Come with us,papakita namin sayo." sabi nung lalakeng parang purple ang buhok. By the looks of it,he's the youngest.Well,lahat sila mukhang bata pero I'm  sure nasa 40's or 50's na sila,just like my uncle.Kaya yung height niya na lang ang tinignan ko.

"Ito na ba yung bagong style ngayon? bagong style para mangkidnap ng bata? seriously?" di makapaniwalang tanong ko.Napatawa naman ng malakas yung lalakeng pula ang buhok na may sumbrero.

"Hindi ah! takot lang namin sa uncle Geoffrey mo." napatingin naman ako dun sa isa pang lalakeng pula din ang buhok.Napakatahimik niya na para bang may malalim na iniisip.

Inirapan ko na lang sila saka pumasok sa office ni Uncle.At nanigas ako sa nakita ko. Totoo nga ang sinabi nila,patay na siya.Nakaupo lang siya sa kanyang swivel chair at nakapatong ang kanyang ulo sa lamesa.But there's no trace of blood.Tinignan ko ang buong katawan at naghanap ng sugat,o saksak o tama ng bala pero wala.

Napaupo na lang ako sa sahig.Nanghihina ang mga binti ko.Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya alam kong pumasok sila.Pinilit ko ang sarili ko na tumayo.

"Kayo ba ang may gawa nito??!" nabigla ako sa lakas ng aking boses.Ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.

"No,Frances.Bibisita lang sana kami pero eto ang naabutan namin.Hindi namin alam kung anong dahilan nung pumatay sa kanya,hindi namin alam kung pano siya pinatay. But..join us,replace your uncle.Malalaman mo lahat ng gusto mong malaman,tutulungan mo kami,tutulungan ka namin." sabi nung lalakeng pula ang buhok na nakasombrero.Natigilan ang iba,para bang nagdadalawang isip sila samantalang napalingon lang yung lalakeng pula ang buhok na hindi manlang nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"P-para sa Uncle ko,p-pumapayag ako." wala pa akong tiwala sa kanila pero kailangan ko silang pagkatiwalaan.Sila ang ang makakatulong sakin para mabigyan ng hustisya ang uncle ko. Kung sino man ang pumatay sa kanya,magbabayad siya.

Everything went black.Rinig kong may sinasabi pa ang iba ngunit pagod na ako.Too much for one day.Ramdam ko ang pagsalo sakin ng kung sino pero hindi ko na magawa pang buksan ang aking mga mata.

Nonexistent HeartbeatOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz