Nanatili lang ako dito sa kwarto ng mga ilang minuto. Nagpalit na rin ako ng damit. Naka green V-neck shirt na ako at ..medyo naka mahaba'ng short. Hindi naman sobra'ng haba pero hindi rin sing igsi ng suot ko kanina'ng hangga'ng singit. Hindi rin lagpas tuhod.
Hindi ko pa rin maiwasan ang magtakha. Ano naman trip ng mga 'yon at nandito sila sa bahay?..At mukhang mga nag swimming pa sila ah. Pero infernes..kahit hindi pa ako kumakain pakiramdam ko busog na ako.
Nung nagtama yung mga mata namin ni kiel kanina pakiramdam ko may kuryente'ng dumaloy sa buong katawan ko. Yung ganong pakiramdam. Yun para'ng walang ibang tao kundi kayo'ng dalawa lang. Tapos yung saglit na titigan nyo para'ng inabot ng isang oras. Parang bumagal yung mundo.
Pero about don sa nangyari sa kanya sa game ng basketball. Ano kaya'ng nangyari? Bakit naging iba yung pagkilos nya? Na kaya sila natalo lalo dahil sa kanya. Gusto ko'ng magtanong pero nahihiya naman ako...nilalamon ako ng kahihiyan. E kay kuya..wala naman akong aasahan...Hindi nan gawain no'n ang magkwento ng buhay-buhay at mga ganap sa BR. E tutal mukang 'wa effect' sa kanila yung pagkatalo nila. Para saan pa't tanungin ko diba?.. Sa lahat ng nakita ko'ng natalo..Sila pa ang masaya.
Atleast hindi nila dinamdam 'yon. Eh mas magaling naman talaga sila kaysa sa crewray..kaya lang naman nanalo 'yon dahil sa PANDARAYA!
Maya maya pa'y may kumatok sa kwarto ko. Kaya naman tumayo ako mula sa kama at binuksan yon. Si kuya pala.
"Lumabas ka na don...Alam ko'ng gutom ka na..By the way nauna na kami'ng kumain..dahil hapon na rin naman...". Huminga ako ng malalim. "Oh bakit?"Ngumiwi ako. "Busog pa ak---".
Kinunutan ko sya ng noo nang bahagya sya'ng natawa.
"Busog? Ikaw?...Natulog ka nang 9 pm kagabi..gumising ka ng 1:30 ngayon..nang hindi pa nag-aalmusal at nagtatanghalian..Tapos sasabihin mo'ng busog ka?...". Pilit ko'ng siniksik sa isipan ko lahat ng sinabi nya. Oo nga 'no?
Eh bakit pakiramdam ko. Busog ako...Pero kanina gutom ako..Urrgh. "Yung totoo.. abs ba ni kiel ang nagpabusog sa'yo?" Ngumiti pa ito ng nakakaloko."H-ha!?..Hindi...S-sinong may sabi'ng busog ako?...K-kanina pa nga ako gutom eh..L-lalabas na sana ako..D-dumating ka lang". Umiwas ako ng tingin pero sinundan nya yung tinitignan ko. "Kuya!..." Inis ko'ng asik.
"Tss..Talaga ba?".
"O-oo nga!...Nagugutom na ako...". Pababa na sana ako pero may nakalimutan ako'ng itanong kaya balik ulit ako. "Wait!...Bakit nga pala andito sila'ng lahat?".
"Pinapunta ko sila".
"Bakit nga?"
"Wala lang...Gusto la'ng namin magsaya..". Tumapat sya sakin. "Tara na sa baba...Kumain ka na do'n".
Bumalik ulit ako sa loob ng kwarto ko. At humiga sa kama ko sabay taklob ng kumot.
"Tawagin mo nalang ako pag nakaalis na sila". Aniko.
"What?...O-okay...Tignan ko la'ng kung hindi ka magutom pag bukas na kita tinawag".
Inalis ko agad ang tulakbong ko at tumingin ng seryoso sa kanya. "W-what do you mea---"
"Hangga'ng bukas sila dito...".
"Pero kuya..."
"Minsan lang kami magsaya..Alam mo yan...Pagbabawalan mo pa ba kami?..At isa pa..Hindi sila kung sino-sino lang...They are my bestfriend kaya welcome sila dito anytime".
![](https://img.wattpad.com/cover/105332430-288-k778711.jpg)
YOU ARE READING
A Simple Like You (Wattys 2017) [COMPLETED]
RandomMitch is a simple girl who just want a simple life. She wanted to finished her studies,Aside from that, She also trying to forget her past ex- boyfriend that hurt her heart a lot. Is she ready to love again for the second time around? Or she still...
Chapter 9: 💕Avoiding💕
Start from the beginning