Chapter 9: 💕Avoiding💕

67 3 0
                                    

Mitch Pov.

Dahil weekend ngayon...tanghali na ako'ng gumising. Bumangon na ako sa kama at nag-inat. "Good morning mitch". Bati ko sa sarili ko. Ang lakas ng sense ko na magiging maganda araw ko ngayon.






I check my alarm clock kung anong time na. Pero pati ako nagulat sa nakita ko'ng oras.
  1:30 p.m? Akala ko sira lang yung baterry nung clock kaya yung phone ko ang tinignan ko..Pero same lang sila ng oras.

Grabe...Ganon ako tagal natulog?...

Kaya pala nagugutom na ako eh.

Makakain nalang sa kusina..Nakakainis si kuya..Hindi man lang ako ginising..hindi na muna ako nagpalit ng damit. Tutal maya-maya lang rin maliligo na ako. Sa baba nalang ako mag ma-mouth wash.


Inayos ko nalang ang suot ko'ng manipis na puting damit. Bago buksan ang pinto.







Bumaba na ako ng hagdan at nag-inat-inat habang  nakapikit. Saktong pakiramdam ko nasa huli'ng  baitang na ako ng hagdan.









"Good morning kuy--".

Naputol ang sasabihin ko na'ng madilat ang mga mata ko at makita ko sina arkey,drix at kiel at si...Kuya na naka-topless  at may towel sa kanya-kanya'ng balikat habang kumakain ng potato fries.Napatakip ako sa bibig sa gulat..






Lahat sila ngayon ay nakatingin sakin.

"Gud afternoon mitch". Si drix.

"Afternoon mitchy". Si arkey.

hindi agad ako nakarecover. Nanlalaki pa rin ang mata ko habang nakatingin sa kanila. At puno ako ngayon ng pagtataka.

Anong ginagawa nila dito?

Napalunok ako nang dumako ang tingin ko kay kiel. Nagtama ang mga mata namin. Daig ko pa amg statwa. Hindi ako makagalaw. Para ako'ng hinainan ng iba't-ibang putahe.



Ano bang iniisip mo? Tss.


"Goodmorning?..Afternoon na sister...Hahaha". Nang-aasar si kuya.

Hindi ako nakasagot sa kanila.

Nawala na ang mga mata nila arkey at drix sakin. Pero si kiel...Nananatiling nakatingin sakin. Lunok at takam lang ang tangi ko'ng nagawa.







Jusko! Bakit ang daming ulam!




"Hoy michelle kyne mendoza!". Natingin ako bigla kay kuya nang tawagin nya ako. Gulat naman akong tumingin sa kanya. "Wala ka ba'ng balak magbihis?". Kumunot ang noo ko sa tanong nya.


Agad rin nya'ng nilapitan si kiel at tinakpan ang mga mata nito.

"Masyado ka'ng nag-eenjoy sa view". Si kuya.


Ay! Nakalimutan ko. Manipis na damit nga lang pala yung suot ko..bakat yung red bra ko.Kainis.
Tapos naka-maigsing short pa akong lumabas habang may mga lalaki! Urrrrghhh..Isang malaking kahihiyan!

Kinover ko agad ang mga braso ko sa katawan.
Nagmadali akong tumakbo papataas papunta ulit sa kwarto.
Urrgh..This is embarassing!
Pero hindi nakalampas sa pandinig ko yung sinabi bi kiel.



"Nag enjoy rin naman sya sa view ahh".

Lalo ako'ng nainis sa sinabi nya'ng yon. Nagdadamba ako hangga'ng sa makapasok ako muli sa kwarto ko. Rinig ko pa ang pagtawa nila sa baba..Binawal lang sila ni kuya.




A Simple Like You (Wattys 2017) [COMPLETED]Where stories live. Discover now