Prolougue

14 4 1
                                        


Ilan taon din akong nagtiis ng balikan mula bahay hanggang skwela. Kailangan ko pa mamangka at dumaan sa bukid . Nagpapasalamat ako sa Diyos at lagi niya akong ginagabayan.

Isa ako sa mga candidate for honor. Pinipilit kong maging valedictorian sa abot ng makakaya ko. Kaso hindi ako nakakasali sa mga school programs dahil nga sa kakapusan ng pera. Hindi din ako nakakasama sa mga field trip. Minsan ay di ako nakakapagpasa agad ng mga projects dahil nga sa kakapusan namin. Kaya kahit mataas ang grade ko sa academic hindi ko mapantayan ang mga 1st at second honors. Lagi lang akong 3rd o kaya naman 4th honor. Ayos lang atleast honor, may silbi pa din sa school. Kapag may competition sa ibang school sa math , science o social studies isa ako sa panlaban. Nakakapag uwi naman ako ng panalo.

Dami kong pinagdaanang hirap. Sa baryo namin ako lang ata ang nakapag tapos ng highschool. Yun iba hanggang elementary lang. Kasi nga ang layo ng bayan mula tirahan namin. Malayo din ang school. Ilan kilometro nilalakad namin ng kapatid ko na nasa elementary naman ngayon. May tatlo pa akong maliliit na kapatid. Yun isa mag-aaral na sa isang taon. Kaya siguro hindi ko na muna iisipin ang pagpasok sa senior highschool . Gusto ko munang magtrabaho pagkatapos ng highschool sa mall. At kapag medyo nakaipon ita-try kong mag-aral ng senior highschool. Pero kailangan makalipat kami ng bahay muna. Pangarap ko kasi malakalipat kami  sa bayan. Pangarap ko din magkaroon ng TV para may napapanuodan ang mga maliliit na kapatid ko. Pangarap ko magkatira sa maayos na bahay na may kuryente at gripo ang tubig.

Ilang buwan na lang. Makakahanap ako ng trabaho. Makakatulong na ako sa nanay at tatay ko.

Excited na sila sa darating field trip. Ako ito wala naman kaming pera para sumama ako dun. Kaya ubod ng daming exam ang naghihintay sa akin kasi nga di ako sumama sa field trip. Kaya mag te-test ako. Kasama kasi sa grade ang field trip. Ang pag attend din sa mga foundation. Wala akong pambili ng costume kasi kaya di ako nakakasali. Naiingit man ako sa mga classmate ko., anong magagawa ko?

Twing linggo sumasamba kami sa simbahan. Lagi sinasabi ng pastor Vic na malaki daw ang puwang sa langit ng mga mabababang tao na kagaya namin. Hayun na lang iniisip ko na mapunta ako ng langit. Pero literal pa ding mahirap ang buhay. Kailangan ko din lumigaya minsan. Nagsasawa na nga yata si God sa kadadasal ko . Ang dami ko kasing hinihiling... gaya ng bahay na bato sa bayan kahit maliit lang, TV, maayos na banyo, malambot na kutson, electric fan , at ilaw . Buong buhay na lang kami nabuhay sa kadiliman kasi ng gabi dahil wala kaming kuryente. Kinalakihan na namin yun.  Hanggang kelan kaya kami ganito? Sana naman magtagumpay ako pagdating ng panahon.

Lumipas ang ilan buwan..

Hanggang sa bigla na lang may dumating...
yun na pala ang magbabago ng takbo ng buhay ko.

I'm in love with a KPOP starStories to obsess over. Discover now