Unang Yugto: Bakit ako naging TAMAD?

32 5 0
                                    

Mario!!! gumising kana, tanghali na, late kana sa school....

Ang tamad tamad mo talaga, puro ka cellphone, napupuyat kana kakatext di kana tumutulong sa gawaing bahay, di ka rin tumutulong sa tindahan...nakahilata kana lang lagi, bakit! Mapapakain kaba ng cellphone mo! sunod sunod na bulalas ng nanay ko habang naghahanda ng almusal namin.

Haist, kung ganto ba naman lagi ang maririnig mo sa umaga siguradong mapapabalikwas ka talaga mula sa pagkakahiga mo at mapipipilitan kang bumangon. Pero the best talaga tong Nanay ko, kasi kahit 7:30 pa ang pasok naming magkakapatid sa eskwela eh ginigising na nya kami ng 5:00 ng umaga para hindi daw kami malate..

Yup tama! may mga kapatid pa ako, tatlo kami.. Ako, si kuya Miguel at ang bunsong si Marissa... astig diba! Bagong bago. Hehe... any way parang normal naman na kasi sa ating mga pinoy yong halos magkakapareho yong simula ng pangalan o kaya naman yong paulit-ulit na palayaw o alyas.

Good morning mader! Iloveyou! Muaah.. muah.. Bigkas ko sabay yakap sa kanya.
Ganito lagi ang ginagawa ko para tumigil na si ermats kakabulyaw sakin, kaso bihirang bihira ang di ako masermunan.

Ang baho mo Mario! maligo kana nga roon! Nariyan na ang towel at mga damit mo sa may lamesita sa labas ng CR... bilisan mo riyan at maliligo pa si Marissa.

Opoo ma! Sagot ko habang marahang tinutungo ang kubeta.

Makalipas lang ang limang minuto.

Mariooo!!! bilisan mo riyan! Ang bagal bagal mo talaga! Bakit di mo na lang gayahin ang kuya mo, ang sipag-sipag... Buti pa sya maaasahan na.. Nong kasing edad mo ang kuya mo, sya na ang naglalaba ng mga damit nya, at ang bilis bilis pag inutusan eh ikaw, tamad na nga ang bagal bagal pang kumilos...

Halos araw araw ganito ang naririnig ko sa nanay ko. At wagka! May kasunod pa yan.. Haha..

Paglabas ko ng CR deretso bihis na ako ng uniform ko bago humarap sa hapag kainan.

Rissa ikaw na, sabi ko sa kapatid ko.
Ang bagal bagal mo naman kuya, kanina pa ako na dudumi...

"BaTanG tAmaD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon