3 [Blue]

8 1 0
                                    


Chapter 3

***

“Kezinna? Are you ok? Naman oh! Bakit ba kasi tumakbo ka agad? Tingnan mo tuloy na dulas ka. Saan ang masakita sa'yo?”




Nung tumatakbo kasi si Kezinna ay may balat ng saging, eh na apakan nya kaya ayun na dulas sya. Anak ng saging naman oh!




“Oo naman. Okay lang ako.” she said at tumayo tapos pinagpagan ang sout nyang uniform.



“Sabi ko naman kasi sayo na wait lang. Ayan tuloy na dulas ka.” sermon ko sakanya.

“Ang OA mo na! Okay nga lang ako.”


Aish! Ganyan ba talaga ang babaeng 'to kapag na e-excite? Ang cold-cold nya kanina tapos ngayon? . . . Anyare? Matanong nga kay Kylie.

“OA na kung OA. Ayoko lang talaga na masaktan ka! Not even na masugatan!”

I cared for her, noon pa.

“Okay na nga ako, Blue. Hindi naman ako nasugatan nor na pilayan. Okay na okay lang ako.” sabi nya na nakangiti at ng mapansin ko na parang may tinatago sya sa may binti nya ay napataas ang kilay ko.

Hindi nasugatan ha?

“Let me see,” I said.


Pero mas lalo nya lang itinatago, “Kezinna.” I said with a warning tone.

“Blue, okay nga lang ak– Blue!?”

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil binuhat ko sya in a bridal style. Napakapit naman sya leeg ko, na namalaki ang mata.

“Blue, put me down! Maraming nakatingin oh! Nakakahiya.” she said.

Wala akong paki-alam sa mga naka paligid sa atin, Kezinna. Ang paki-alam ko ay na sayo, noon pa.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at naglakad na patungo sa bench na unang nakita ko. Inupo ko sya 'roon at walang sabi-sabing kinuha ang binti nyang may gas-gas at dumudugo na.

“You said, you're okay. Then, tell me is this okay, for you? I know na mahapdi 'to. Kaya hindi 'to okay sakin.” I said while looking in her wound.

“Blue, I can handle the pain. Hindi naman masyadong mahapdi.”

Binitawan ko na ang binti nya at hinarap sya, “Fine. Okay,”

Tumayo na ako, “Let's go. Mag a-arcade pa tayo, right?” I said.

“Ah–okay.” she said at inalalayan kong syang tumayo. “Ay! Oo nga pala, Blue. Nakita ko sina Kate kanina pero hindi nila ako nakita.” she said at tumingin sa mga taong naglalakad sa loob ng park.

“Baka, nandito sila malapit satin. Tara? Hanapin natin sila.”

Naglakad na kami at naglilibot sa park para makita sina Kate. Gusto ko nga sanang hindi namin sila makita ngayong araw para masolo ko si Kezinna. Haist. Mukhang malabong mangyari.











Halos mag te-trenta minutos na kaming naglalakad sa park, pero hindi parin namin nakikita yung Apat. Nasaan ba nagsu-suot ang apat na yun? pero, It’s ok maso-solo ko si Kezinna. Hahaha.



“Blue, ansakit na ng paa ko. Tara, kain na muna tayo 'don at para maka-upo na rin tayo.” sabi ni Kezinna.




Pumunta nga kami sa isang tindahan na nag-bebenta ng barbeque.

Lumapit ako kay Manong, “Manong? Lima nga pong barbeque at Apat na Isaw.”



Hinintay kong matapos lutuin ni Manong ang barbeque, pagkatapos lumapit na ako sa table namin ni Kezinna. Habang kumakain kami ay nagkwe-kwentuhan kami sa sarili namin experience nung mga bata pa kami.

Naikwento nya rin sakin yung tungkol sa tatay nya. Kasama nya pa ang mama nya pero may sakit na yung mama nya. Buti na lang may perang iniwan ang tatay nya para sakanila and soon tutulungan ko sya.

“Blue! Let's go! Roller Coaster tayo.” masayang aya nya.

I chuckle because of her excitement, “Let's go to the roller coaster, then.” I said.


Nang tapos na silang sumakay sa roller coaster ay nagtry pa sila ng mga extreme rides 'doon at nang sumapit na ang gabi ay nagaya si Blue na sumakay sila Ferris Wheel. Maganda kasi ang view pag gabi kapag sumakay ka 'doon.

“Ang ganda ng view, Blue.” nakangiting sabi ni Kezinna habang nakatanaw sa view sa baba.


“Ang ganda nga.” Blue said, na nakatingin kay Kezinna.

Napatingin naman sakanya si Kezinna at sumimangot, “Eh hindi ka naman nakatingin sa baba 'eh!” sabi nya.

“Mas maganda pa ang tinitingnan ko ngayun kesa sa baba.” seryosong sabi nya.



Namula naman ng pisngi ni Kezinna, na ikinangiti ni Blue, “Ewan ko sayo!” she said at tumingin ulit sa baba.


Nangtapos na silang sumakay ay kumain na muna sila.

“Kezinna? Nag enjoy ka ba?” tanong ni Blue.

“Oo naman, sobra. Kaya salamat ah? Sumaya talaga ako.” she said, sincerely.

Napangiti si Blue, “Masaya ako na marinig iyan galing sa’yo. Kumain ka na.”

Nang matapos na silang kumain ay pumunta na sila sa sasakyan ni Blue at inihatid si Kezinna sa bahay nila. Nang makauwi naman si Blue ay humiga sya sa kama nya na may ngiti sa labi.

“Masaya akong makita kita ulit.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Precious LoveWhere stories live. Discover now