Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

1

25 5 4
                                        

Abby's POV

"Ano ba! Wag ka ngang lumapit saakin"

"So..sorry" sabi ko

Pinagsasalitaan niya ako ng masasakit na salita, pero di ko magawang balewalain siya, minsan napapahiya na ako sa mga sa mga pinagsasabi niya pero dumidikit parin ako sa kanya. Dahil ginagawa ko ang pinangako ko at dahil importante na siya sa buhay ko.

"Dalhin mo nga 'to!" Sigaw niya saakin

Hindi ako kailan man nagsisi na pumayag sa huling hiling ni kuya, noon okay naman kami ni ate Claire e pero lumabo lang nung mamatay sa aksidente si kuya. Ikinasal sina ate Claire at Kuya Mike pero di sila nagka anak.

¤¤¤¤¤

"Ma, malapit na po ang birthday ni ate Claire" sabi ko

"Ay! Oo nga pala, buti nalang pinaalala mo saakin anak" sagot ni mama

Simula nung mawala si kuya naging matamlay at wala ng gana si mama, hindi ko alam kung anong dapat gawin para bumalik siya sa dating masigla at masayahin, pero mukhang hindi na ata, wala ng pag-asa..

"Abby, pakidala naman nitong juice sa kwarto ng ate Claire mo" utos ni mama

"Ahh si.. sige po"

Hindi nahalata ni mama ang pagaalinlangan sa boses ko, dahan dahan kung kinuha ang tray at naglakad papunta sa kwarto ni ate.

Kakatok na sana ako kaso narinig kong umiiyak siya, lagi naman e, kaya di na lamang ako tumuloy

¤¤¤

3 days later

"Ate ano pong gusto mong ipahanda sa birthday mo?" Masigla kong tanong sa kanya

"Wala" tanging sagot niya saakin

"Ate gusto mo bang sa beach tayo magcelebrate?" Pangungulit ko pero di siya sumagot

"Ate, sige na po, ano po ba ang gusto mo?"

"Ate, ate Claire, ano po bang wish mo? Dali na tutuparin ko po, pangako" nakangiti kong sabi sa kanya

"Mamatay ka"

Sa dalawang salitang binitawan niya, nabigla't di ako agad nakapagsalita. Ganon ba kalaki ang galit niya saakin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya, inaalala ko lang naman siya.

¤¤¤

Claire's POV

Kaarawan ko na ngayon, naghanda si mama para sa isang simpleng salo salo kasama ang mommy at daddy ko. Masakit parin hanggang ngayon, masakit parin isipin na ang taong pinakamamahal mo ay mawawala lang sa isang iglap. Pero kahit na gaano ka sakit nakaya ko paring ngumiti ngayon. Alam kong si Abby ang may pakana ng lahat ng ito.

"Handa na ang pagkain! Halina kayo" tawag saamin ni mama

Nagpaalam akong aakyat muna sa kwarto, pero nang mapadaan ako sa kwarto ni Abby bahagya itong naka bukas

"Abby?" Tawag ko sa kanya

Kumatok muna ako bago pumasok at para narin mapansin niya pero wala paring sumagot kaya pumasok nako sa kwarto niya

"Bat ang dilim?" Tanong ko sa sarili ko

"Abby?" Tawag ko ulit, binuksan ko ang ilaw

Bumungad saakin ang walang buhay na si Abby.

¤¤¤

Ate Claire,

Sana po napasaya kita sa kaarawan mo, kahit di ko man na matutupad ang hiling at ang pinangako ko kay kuya na babantayan kita, pero tutuparin ko po ang hiling mo, mahal po kita ate. HAPPY BIRTHDAY! ☺

Love,
Abby

¤¤¤

~~~~~
WORDS ARE TOO POWERFUL. THINK BEFORE YOU SPEAK.
~~~~~

Thank you for reading 😊

-kiitthh

Her Last WishMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon