Chapter 17

1.2K 34 16
                                    

Kath's POV

"Nak, may sinat ka pa ah. Papasok ka na?" Tanong ni mommy.

"Yes po, I should." Nakangiting sagot ko kahit sa totoo lang, sumasakit ang ulo ko.

Para kasing may something sa araw na'to na di ko dapat ma-miss. Lalo na yung sinabi ni Julia kahapon, lalo tuloy akong na-curious.

Pagpasok na pagpasok ko sa campus panay tilian ng mga babae.

Isang araw lang akong absent, ganito na ang nangyari? Samantalang pag present ako, normal lang naman. Hays why is dat.

"AMPOGIII!!!" Sigaw nila tas yung iba parang hinihika pa. What the heck is happening.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang may makita akong kumpulan. Hindi naman ako interesado kaya umakyat nalang ako kasi malelate na ko sa class.

Pagpasok ko, panay tilian nanaman. May artista bang dumating?!

"Ang gwapo! Akala ko transferee." "Oo nga shit naglalaway ako!" "Enebe girls wag kayo masyadong obvious."

Habang sila kilig na kilig sa kung sino, ako gulong-gulo pa rin. Nakakaout of place pala mag-absent.

"Manhid ka ba, Kath? Hindi ka kinikilig dun sa guy?" Tanong ni Grace.

"Sino bang guy?" Tanong ko.

Maya-maya nagsiayusan sila, yung kaninang nagtitilian biglang natahimik. Ofcourse it's  Ma'am Cortes, ang pinakastrict na prof.

Wala naman akong naintindihan sa lectures, sumasakit parin kasi ako ulo ko. Mabilis namang natapos ang class and finally, break na. Time for sundae!

Palabas palang ako nang magtakbuhan sila. Ang weird talaga.

Na-block yung way at wala akong lakas para makipagsiksikan. Umupo nalang muna ako at hinintay na humupa ang kumpulan.

Habang nagkukumpulan yung mga babae, may lumabas na guy. Naka-white polo shirt and jeans. Nakayuko siya and unti-unting umangat ng tingin sa'kin.

"Shit." I gasped.

"Kathy ko.."

Natahimik ang lahat at samin lang nakatuon ang atensyon nila.

So, siya yung pinagkakaguluhan ng mga babae?!

"P-paanong.." Naguguluhang sambit ko.

Sobrang manly niya. Yung buhok niya, nagiba and it suits him. Yung way ng pananamit niya and all. Wala nang lipgloss, hairclips, bracelets at kung ano-anong kolorete. He's a different Daniel Hugh.

***

Kaharap ko ngayon ang bagong Daniel at hindi parin ako makapaniwala. Sobrang gwapo.

Kaya pala lately, napapansin kong hindi na siya gumagamit ng baklang terms and di na siya kinikilig sa guys. Is it because may relasyon sila ni Julia?

"Anong trip ba yan, Daniel?" Tanong ko.

"So lalaki ka na ngayon?" Tanong ko ulit.

"Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto. Pero baka kasi napipilitan ka lang.."

"Alam mo, akala ko noon impossible na kong maging lalaki pero wala palang impossible kapag tinamaan ka na."

"Huh?"

"Wala. Ang slow mo."

Tss. Edi sana pinaliwanag niya diba? Gulong-gulo parin ako sa nangyayari.

Daniel the Virgin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon