Nakarating na ako sa classroom namin. Habang naglalakad ako papunta kanina, sinusumpa ko yung pangalan ni Elazul. Then umupo ako sa kaunaunahang upuan sa tapat ng blackboard sa classroom namin. Kinalikot ko muna yung iPad since wala pa namang teachers. Ng lumapit sa akin yung classmate kong babae si Sienna. “Uy bagong iPad. May temple run ka?”

“Wala pa bago palang to sa akin eh,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kakabigay palang sa akin to eh. Pagbukas ko, ay shet wala namang apps, halatang tinanggal kasi one time nakita ko naglalaro si Elaz dito eh. Nakaupo siya doon sa may hagdanan. Tinry ko wifi, sira naman yung wifi ng school.

“Bagong bago pa ata yan ah?” sabi niya sa akin, “Pictures wala ka?” Oo nga no? Nacucurious din ako sa mga pictures dito matignan nga. Pagbukas ko nung gallery ng pictures. Nagwiden nalang ang mga mata ko. Tapos napangiti nalang ako kay Sienna. Pakshet nakakahiya.. Baka isipin pa ni Sienna pinagnanasahan ko si Elaz. Shet paano ba naman pagbukas na pagbukas ko lumantad yung mga pictures ni Elaz na shirtless tapos may mga nagfflexing pa siya. Ang sexy ng abs..  Pero. “Abby ahh.. May pagnanasa ka pala kay Elaz..” sabi ni Sienna.

“Wala ah.. Eheheh hindi ko rin alam kung paano napunta diyan yan.” Nilagay ko na sa handbag ko yung iPad. Walangyang Elaz yan. “Sige may pupuntahan lang ako ah, pakisabi kay sir baka malate ako.” Yung ngiti ko pilit na pilit na. Gusto ko ng magtantrum dito.

“Sige Abby..  Sabihin ko nalang..” pero yung ngiti ni Sienna nakakaloko pa rin.

Tinahak ko ang pagkalayo layong building ng college ni Elaz. Nakita ko siyang papasok sa building nila. “Elazul Valiente!” napalingon siya sa akin sabay napangiti siya. I walked stomping habang papalapit ako sa kanya. “Walangya ka hindi mo sinabi ang mga pictures o ditong nakahubad ka pa. Akala tuloy ng mga kaklase ko pinagnanasahan kita! Nakuu! Bwiset  ka talaga!”

“Ano ba yan.. Akala ko pa naman gusto mo pa ng isang halik..” nag sigh siya. Pero nakatigig siya sa akin sabay ngumiti siya ng nakakaloko. “Saka sayang bakit ayun yung nakita nila? Sana yung hinalikan mo nalang ako yung nakita nila para mas cute.” Nagsmile siya as in big smile, gusto ko ngang punitin yung labi niya sa sobrang inis ko.

“Maniwala ako sa’yong may picture tayong nagkiss. Sino naman magpipicture non?”

“Edi tignan mo.” Kinuha ko yung iPad sa bag ko. Then binuksan ko yung gallery, hinanap hanap ko yung mga picture. Tapos may nakita nga ako. Waaaa may picture nga as in yuck.. Hinalikan ko talaga siya! EEEEEEEEE! “Idelete mo nga to!”

“Useless naman kahit idelete mo yan.. Dami ko ngang kopya niyan sa laptop ko eh, may video pa nga eh. HAhahaha. Sige ah late na ako eh. Bye sweetie” kumaway siya sa akin bago siya umalis. Wala na akong nagawa. “AHHH WALANGYA KA TALAGA ELAZ!” sigaw ko sa kanya.

Walkoutness na ako. Then bumalik na ako sa room namin. Buti wala pa yung prof namin. Pero nakatingin sa akin lahat ng kaklase ko nung pagpasok ko. “Oh anong tinitingin tingin niyo,” tanong ko sa kanila. “Abby ah, binasted mo lahat ng nanligaw sa’yo sa college natin tapos si Elazul lang pala ang kahinaan mo,” sabi nung chismosang si Stacy. “Wow ilang minuto lang akong nawala kumalat na agad. Pero hindi ko crush yun ah! Nandidiri nga ako doon eh!”

“Eh bakit may picture kang nakatopless si Elazul?” tanong ni Sienna.

“Ehh pinasave lang sa akin yun nung pinsan ko crush niya yun eh!” lumilitaw pagkadefensive ko.

“Ahhhh pinasave pala..” in chorus pa silang lahat.

“Tse tigilan niyo nga ako!” umupo na ako sa upuan ko kanina.

Papatayin ko talaga yung Elazul Valiente na yun. Abangan niyo nalang sa news.

[End Chapter]

____________________________________________________________________________

Please leave votes and comments XD Salamat

Sana nagustuhan niyo XD

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon