"Wala ka bang balak sabihin sa mga kaibigan mo o kahit sinong malapit sa'yo?"

"I can't, ayaw kong mag-alala sila. Gusto kong umalis ng tahimik—if ever."

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Hindi pa nagsisimula ang laban ay sumusuko ka na? Alalahanin at panindigan mo ang mga sinabi mo sa akin dati."

"Ha-ha, wala akong tumor noon. Puro lang naman ako salita eh. Mahirap na pala talaga kapag ikaw ang nasa sitwasyon."

"Don't give up, live your life and fight."

"Bakit mo ako tinutulungan?"

"I'm just paying it forward. Kung para sa'yo ay napakaliit lang na bagay ng pakikinig mo at pagbigay ng advice sa akin noon, para sa akin ay malaki iyong parte kung nagbago ang buhay ko."

"I like that, paying it forward. Salamat talaga."

"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. I got a lot of free time."

"Mabait ba si JM?"

"Iyan nanaman? Ako na ang bahala sakanya. Hindi niya malalapitan si Ryan sa oras na malaman ng mga magulang niya ang pinag-gagawa niya."

"Ah, hindi naman akin si Ryan. Ang bilis mo palang pumick-up kanina ah."

"Mukhang patay na patay sa'yo 'yung Ryan ah."

"I wish," saad ko. Napunta ang usapan namin ni Zenrid sa plane crash. Apparently, naging sila pala ni JM. Dahil daw sa aksidenteng iyon ay natakot siyang mawala si JM kaya sinundan niya ito ng sinudan.

"So, pumunta lang si JM dito para kay Lee? Este, Ryan?"

"Oo, badtrip. Gusto ko nga siyang itali para tumila siya sa iisang lugar. P*nyetang Ryan siya nang Ryan eh."

"Ang liit naman ng mundo."

"String of faith," sagot niya agad. Tumango lang ako. First it was Brix, then Lee's family and now Zenrid. I don't know how my future's going to be like but I just want to stop worrying anyone.

Hinatid ako ni Zenrid hanggang sa apartment ko. Nagulat ako nang makita kong naghihintay si Yaj sa tapat ng unit ko. Hawak-hawak niya ang backpack ko. "Whos' this guy?" tinuro ni Yaj si Zenrid.

"Yaj, this is Zenrid.. Auhmm..."

"Zenrid Ace Lee, nililigawan ko siya. Mauna na ako. Oy, magpahinga ka ng husto. Tatawagan kita mamaya," paalam ni Zenrid at saka biglang umalis. Why did he even say that if he's going to leave!

"Tara sa loob," binuksan ko ang unit ko. Dumiretso muna ako sa kuwarto ko para itago ang supot ng mga gamot na binili namin.

"Tinapos ko na ang part mo para sa final project natin. Also, here's your bag," inabot niya sa akin ang bag ko at ilang libro.

"Si Brix dapat ang pupunta dito pero nagpumilit ako na ako nalang. I know that he'd just nag you or something. Kamusta ka na?"

"Bumaba na ang fever ko."

"You caused quite a stir at school today. Usap-usapan ng lahat ang 'hot guy' na kasama mo kanina. Hindi nga ako naniwala until I saw some photos and HIM in flesh just now."

"Kailangan ko bang magpaliwanag sa'yo?"

"Not really. Kung desido ka talagang tapusin ang sa inyo ni Rai, then don't leave loose ends. Should I lay out your patterns? It's like you're alternately and deliberately hurting each other. After exams, the guys planned an outing so let's go and have fun. Dapat pumunta ka. Don't distance yourself from them, they'll hurt even more. They are your friends."

"Okay... Pasensiya na sa abala," pinilit kong ngumiti. Fun? After exams ay baka nakaratay na ako sa isang ospital at posibleng hindi na magising eh.

Wala akong naramdamang sakit kinaumagahan dahil sa mga gamot ko. Dumiretso muna ako sa school garden dahil napaaga ang pasok ko. Punong-puno ako ng alala dahil nag-Google ako kagabi at nakakatakot ang mga nabasa ko. Hay!

"Wala ka na ba talagang sakit?" hindi ko namalayan na nasa likuran ko pala si Lee.

"Good morning din sa'yo!" pinilit kong maging 'masigla' sa harap niya.

"Boyfriend mo ba talaga si Zenrid?"

"Yata. Bakit?"

"Wala. Ah, sa bahay ka raw mag-dinner mamaya kaya sumabay ka na sa akin."

"Lee, tungkol sa tutor. Puwede bang sa iba ka muna magpaturo?"

"Mukhang kaya ko namang mag-isa. Later, okay?" kalmadong sabi nito. Tinalikuran niya ako at umalis. Pinanood ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. What if I die and he suddenly remembered?

Bigla siyang huminto sa paglalakad. Tumakbo nalang ako bigla at niyakap siya mula sa likod. "Anong ginagawa mo?" tanong niya.

"Kailangan ko ng lakas ng loob."

"May sakit ka parin siguro," komento niya pero hindi siya gumalaw sa kinakatayuan niya.

"Siguro, baliw lang naman ang gumagawa ng ganito," I tried not to croak. Kinalas niya ang kamay kong nakayakap sakanya. Hinarap niya ako at siya naman ang yumakap sa akin.

"Why are you crying? Please be honest."

"Ewan ko rin eh."

"You worry me a lot. Hey, sa tingin ko gusto na kita. Ayaw ko na may kasama kang iba, nababadtrip ako kapag hindi ka nagtetext... Can't we just make new memories together? Can't you just leave with me?"

Binitawan niya ako. May kinapa siya sa bulsa niya. "This is yours and will always be yours," sinuot niya sa leeg ko ang isang kuwintas—iyong binalik ko sakanya.

"Will you leave with me?" tanong niya ulit. Ang daming pumasok sa isip ko kaya hindi ko siya nasagot agad.

"I'm sorry, mukhang nahawa ako sa sakit mo. Don't worry about it, gusto ko lang talagang ibalik 'yang kuwintas," he patted my head. "Tara na, magsisimula na ang klase," hinawakan niya ang kamay ko papunta sa classroom. I think my strength and motivation just went up.

In between classes ay nahuhuli ko si Lee na nakatitig lang sa akin. If this happened weeks ago then I'd be the happiest girl in the world. Pagpatak ng break ay nilapitan ko agad sina Brie at Czar. Binanggit ko sakanila ang nangyari kanina dahil siguradong nagtataka sila kung bakit ganoon ang entrada namin kanina.

"Lhaine, you missed the detail about the other guy yesterday," unang komento ni Czar.

"More importantly, hindi ba selfish ang hinihingi ni Ryan? I mean, what about you? Sasama ka nalang dahil gusto niya?" singit ni Brie.

Biglang lumitaw si Brix sa pagitan nina Czar at Brie. "Pakinggan mo ang sarili mo. Kung ano ang nararamdaman mo, 'yun ang sundin mo. Don't doubt yourself. Kung sa tingin mo ay kailangan niyo pa ng oras, then wait. Kung gusto mo naman talagang sumama sakanya, then grab the chance."

Paano kaya kung sabihin ko sakanila na may sakit ako? Baka hindi ko makita ang mga ngiti nila at puro pag-aalala nalang ang ibigay ko sakanila. Now I understand why Jakes did not say anything to Diane.

"So, outing ha?" iba ko ng usapan. Brix smiled. It's as if we sent telepathic messages saying 'be strong, we're here no matter what, go get what you want...' Sinabi nila ang plano nila para sa outing slash despedida ni Lee. Sooner or later, I need to make a decision that'll change our lives forever. Whatever might happen, I'll just trust myself to the Lord.

---


SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon