Chapter 1

9 0 0
                                        

Sophia's POV

"Ghost? Monsters? As if namang totoo yung mga yun," sabi ko sa sarili ko sabay exit ng book na binabasa ko sa wattpad.

Nahiga na ako sa kama at handan nang matulog, maaga pa kami aalis bukas.

"Kung totoo man sila, Hindi sila magmamahal noh! Monsters nga eh!" Naiiritang sabi ko

Naiirita ako dahil for sure may mga wattpad readers na tulad ko na aasang kahit monster kaya silang mahalin.
Saging nalang ang may puso!

Ipinikit ko na ang mga mata ko at mabilis na nakatulog

Nasilaw ako sa napakaliwanag na ilaw.

'hala! Oras ko na ba? Namatay ba ako sa pagtulog ko?'

napakaraming tanong ang pumapasok sa utak ko nang may magpakitang asul na usok. Ilang segundo ang lumipas at ang usok na ito'y nagkorteng tao... I cant see his or her face though

"Umm hi? Sino ka?," takot kong tanong sa kaniya at napausod

Hindi niya sinasagot ang mga tanong ko dahilan para mainis ako nang konti

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin!" iritang sigaw ko sabay lakas ng loob na tumakbo papunta sa kaniya

Ngunit bago ko pa ito tuluyang malapitan ay bumalik ito sa pagiging usok, kasabay nun ang pagtunog ng alarm clock ko

"Wooh! Panaginip lang pala!" Sabi ko at napabuntong hininga, sino kaya siya?

Nag-ayos na ako ng sarili at handa nang umalis. Nag-aya kasi maghiking mga friends ko, susulitin ko na rin since malapit na matapos ang summer

Naupo muna ako sa kama ko habang nag-aabang ng text nila, ugh! they suppose to pick me up by now!

Hanggang sa nakarecieve na ako ng text mula kay Rika

Rika: We're out here na, girl! ;)

Sophia: Yes girl, im coming! ;)

Kinuha ko na ang nga gamit ko at bumaba papunta sa sala para magpaalam kay mama.

"Ma! Alis na kami, Love you!" Sabi ko kay mama sabay kiss sa pisngi niya.

"Sige! Ingat kayo dun ah!" Sabi ni mama at saka ako lumabas ng bahay.

Nakita ko na agad na nakaparada ang kotse ni Tyrone sa labas ng bahay kaya't sumakay na ako agad

Hopefully everything goes well. Sa kabila ng excitement ay hindi ko pa rin mapigilang hindi kabahan. Mataas ang bundok na ihahike namin plus 3 days camping in the woods, sino bang hindi kakabahan kahit konti?

I plugged in my earphone and stared outside the window.

Habang nagbabiyahe, nakaramdam ako ng antok kaya't natulog muna ako

Naalimpungatan ako nagulat sa aking nadatnan

'Wait! Where the heck am i?
Ano tong tinatayuan ko? bulak ba toh?' sabi ko sa isip-isip ko

I slowly peek on the sides.

Is that... the city? Nagulat ako nang maisip ko yun, nasa ulap ba ako? Why am i having so many weird dreams?!

"Mag-ingat ka baka mahulog ka" sabi ng isang lalaki, napakalalim ng boses niya. Nilingon ko siya at paglingon ko ay nakita ko yung lalaking nakahoodie sa panaginip ko

"I-ikaw yung nasa panaginip ko diba?!" Tanong ko sa kaniya, inalalayan ko ang sarili ko para makatayo nang biglang dumulas ang kamay ko at nahulog mula sa ulap na kinalalagyan ko

"Aray!" Sigaw ko matapos mauntog sa may bintana

"Dahan-dahan naman diyan oh! Tyrone!" Inis kong sabi sabay hinimas ang ulo ko

"Haha sorry sophy, tulog ka kasi nang tulog eh!" Natatawa niya pang sabi

Hindi ko na lang pinatulan at tinungo ang atensyon ko sa labas ng bintana... Wow! Eto na ba yung bundok?! Geez i have to take a picture!

Kumuha ako ng isang mabilisang picture, tunay nga na nakaka in love ang lugar na toh

Bumaba na kami ng van at handa nang maghiking

"Are you ready guys? Lets do this!" Sigaw ni Rachael at nanguna samin

Inakyat na namin ang bundok pero syempre hindi mawawala saming dalawa ni Rika ang pagpipicture noh!

Napaupo nalang ako sa lupa nang maka akyat na kami. Grabe! Haggard ang lola mo!

"Sige pahinga muna kayo sandali" Sabi ni Rachael at uminom ng tubig

Makalipas ang ilang minuto nagyaya na sila bumaba pero di ko pa kaya! Masakit pa ang mga binti ko

"Mamaya na! Pagod pa ako!" Reklamo ko na hindi naman nila pinakinggan

"Bababa na tayo para makapag camping, makakapagpahinga ka na" sabi ni James at tinulungan ako tumayo

Dulot ng pagod sa kakaakyat hindi ko alam kung saan dumapo yung utak ko, naiwan ata sa taas. Lutang ako na bumaba ng bundok nang biglang dumulas ang paa ko

Sumadsad ako pababa. Napapikit nalang ako sa sobrang takot ko. Natatakot ako na baka pag dilat ko patay na ako. Nilakasan ko ang loob at dumilat, nasa baba na ako! Wow, instant ride. Pero nasaan na sila?

Patay! Nawawala yata ako!

The World Between UsStories to obsess over. Discover now