TwentyFive: First Task

23K 421 39
                                    

Ezra Lee Pov

"Anong kailangan mo?" Tanong ko kay Bryan Park na kanang kamay ko.

"Nabalitaan kong binabalak ng Black Reapers na pasabugin ang planta natin" seryosong pahayag nya.

Napangitngit ako sa galit.

"Talagang sinusubukan nila tayo, ihanda mo ang mga bata natin uunahan natin sila sa plano nila" inis na utos ko.

"Masusunod mr. Lee" nakangising sabi nya tsaka na sya umalis.

Lagi nalang hadlang ang Black na yan sa mga plano ko.

Hindi ko maperpekto ang ginagawa kong imbensyon dahil sa pangingialam nya.

Flashback

"What do you think of it Steph?" Tanong ko sa kanya pagka-tapos kong i-discuss lahat ng plano ko.

Napa-isip sya ng malalim, I know he will approve my brilliant idea.

"What do you think of it Gray? Do you think walang magiging bad effect ito sa mga tao?" Hinging opinyon nya naman kay Gray.

"To be honest dude, it will be harmful to all people who will use this medicine" sabi ni Gray.

"Kakailanganin ng madaming celecoxib, and alam natin na lahat ng sobra ay masama it can cause death to someone who use this drugs" he added.

"Will you explain what celecoxib is?" Sabi ko sa kanya, dahil hindi ako doctor hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya.

"Celecoxib or also known as celebrex is an anti-inflammatory drug used to treat arthritis and other conditions..."

"But once na nasobrahan mo ang inom nito it can cause chest pain, shortness of breath so on and so fort." Explain ni Gray.

"Okay, I will not approve your proposal Ez, ayaw kong makaapekto ng ibang tao kapalit ng kasikatan na sinasabi mo" malamig na sabi ni Stephen

Nadismaya ako sa sagot nya, ganun nalang yun?! Pinag puyatan ko ang proposal na to hindi nya ia-approve?!

Lahat kami mag be-benefit sa gamot na imbensyon ko, kapag naging perpekto ito sino mang gagamit ng gamot na to ay never ng makakaramdam ng sakit sa katawan.

"Look Stephen, this is it, makikilala na ang buong company kapag na-launch natin ang drug na to" sabi ko and obviously I am trying convince him.

"Yes makikilala tayo as a murdurer because of that drug" seryosong sabi nya.

"Hindi magiging effective ang gamot na yan kapag kulang sa celecoxib, so we have no choice kundi damihan ito na pwedeng ika-overdose ng mga tao" sabi naman ni Gray.

Napatiim bagang ako. Galit na tumayo ako at tinignan ko silang dalawa ng masama.

"Remember this, I will build my own company at sisiguraduhin kong makikilala ako dahil sa gamot na to" sabi ko at tinalikuran ko sila.

Ang dalawang pinakamatalik kong kaibigan.

"Ezra!" Narinig kong tawag ni Stephen pero hindi ako lumingon.

They are my friends, dapat natutuwa sila sa plano ko dahil sabay sabay kaming sisikat pero anong ginagawa nila?!

Hinihila nila ako pababa.

Pumasok ako sa office ko at inayos ang mga gamit ko nung pumasok ang isa din sa mga close ko na stuff ng Black company.

Si Bryan Park

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko.

"Narinig kong ni-reject ni mr. Black ang proposal mo" wika nito.

Hot Night With My Boss [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon