Pinapanood ko lang siyang mamitas ng mga makukulay at iba't ibang uri ng mga bulaklak na nandoon sa hardin.

"Tayo na Eul, ilalagay ko pa ito sa mga bulaklak sa plorera." Tumayo na siya at nauna ng naglakad.

Habang nasa likod ako, pinagmasdan ko siyang maigi. Ang maputi niyang balat at ang mahabang kulot niyang buhok.

'Mahal na mahal kita Shamy.'

Binilisan ko na ang paglalakad para sabayan siya. Hinwakan ko ang isang kamay niya at sabay na kaming naglakad pabalik ng bahay.

Ngayon sigurado na akong mahal ko na talaga siya. Dahil tuwing kasama ko siya sa bawat araw, lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

"Eul iaayos ko lang itong mga bulaklak." Paalam nia sakiin.

Tumango naman ako bilang tugon.

Naiwan akong mag isa ngayon  dito sa sala ng bahay. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng short ko. 'Bakit wala pa din signal?'

Simula ng dumting ako dito sa bahay ni Shamy. Hindi na nagkaroon ng signal ang cellphone ko. 'Baka nag aalala na sila sa'kin.

"Eul,"

Napatingin ako sa likuran ko ng marinig kong tinawag niya ako, may hawak na siyang flower vase na may laman na mga bulaklak na pinitas niya kanina lang.

 "May problema ba aking mahal?" Malambing niyang tanong sakin. Marahil napansin niyang nag aalala ako.

"Wala kasing signal dito, gusto ko sanang tumawag sa bahay para ipaalam kung nasaan ako at para hindi din sila mag alala. Kaso nga lang hindi ko sila matawagan dahil walang signal."

Ngumiti lang siya sakin sabay baba  ng hawak niyang flower vase.

"Hayaan mo muna sila, importante magkasama tayo." Usal niya habang nakatitig saking mga mata.

Parang may kung ano akong naramdam habang sinasabi niya sakin yun, pakiramdam ko nawala lahat ng alalahanin ko. Kaya naman niyapos ko siya ng mahigpit. "Tama ka, ang importante ngayon ang magkasam tayo, Maiinitindihan naman nila kung bakit hindi ko sila matawagan. Dahil walang signal." 

Ngumiti siya at nag aya ng kumain. "Tayo ng kumain, may nailuto na akong pagkain para sa tanghalian natin."

Sumunod na ako sa kanya papuntang kusina.

 -----

NIKKI POV

Papunta na kami ngayon sa bahay ni Shamy. Nagbabakasali kaming doon niya dinala ang katawan ng pinsan naming si Eul.

"Nico sana nandoon nga si Eul." Usal ko.

Hinawakan naman niya ang balikat ko bilang tugon niya sa sinabi ko.

Kasama namin si Tatay Jess at Shishai sa sasakyan. Nasa kabilang sasakyan naman sina Arail at Mylene, na kasama si Mang Arturino at isang Pari.

"Ihinto mo na dyan ang sasakyan Totoy." Turo ni Tatay sa malaking puno na nasa gilid ng kalsada.

Pinagmasdan ko yung paligid. Masyado na palang malayo ang narating namin. Wala na akong makitang bahay kahit isa sa lugar na 'to.

Isang malawak na bukirin at hindi sa kalayuan may makikita namang gubat. 'Tangina ang layo naman ng bahay ni Shamy.'

Sabay sabay na kaming bumaba ng sasakyan nila Nico.

Natanaw na din namin yung isang sasakyan na parating na din at palapit sa'min.

Magkabilang Mundo [★PUBLISHED under RisingStar★]Where stories live. Discover now